CHAPTER X
FRIDA
Nagising si Frida sa pamilyar na lugar. Nanggaling na siya rito nitong mga nakaraang araw lang. Madaling araw noon, at ang kasama niya ay si…
“Dean,” banggit niya nang dumilat ang kaniyang mga mata. Nakahiga na siya sa kama sa infirmary ng resort. “Gio?”
Saka niya naramdaman ang pagtibok sa kaniyang ulo. Nakabenda na ito dahil sa sa mga sugat na natamo niya. Gayundin ang mga braso niya at binti. Sinubukan niyang igalaw ang mga ito ngunit pinagsisihan niya agad dahil sa kirot at hapdi ng mga sugat.
“Thank god.” Nakahinga nang maluwag si Dean sa pagkakarinig ng boses ni Frida. Gayundin si Gio. Nasa magkabila itong kama niya at parehong nakatingin sa kakagising niyang mukha. Napansin ni Frida na hindi pa rin sila nagpapalit ng ga damit. Hindi na nila suot ang baseball cap na regalo ni Gio. Nakatago na siguro. Malalim ang mga mata ng mga binata. Hindi kasi nakatulog ang dalawa sa pagbabantay sa kaniya. Sinilip ni Frida ang bintana, papasikat na ang araw.
“Akala namin hindi ka na magigising. Alalang-alala kami sa ‘yo.” Nanggigilid ang mga luha ni Gio.
“Salamat sa inyong dalawa. Ngayon, utang ko na ang buhay ko sa inyo,” sabi ni Frida. “Paano niyo pala ako nabuhat hanggang dito? Malayo rin ‘yun, a?”
“Tinulungan kami nila Santelmo. Nu’ng pinuntahan kita pababa, si Gio naman umakyat ulit para humingi ng tulong sa tribo,” kwento ni Dean.
“Buti na lang gising pa ang mga elders nila,” sabi ni Gio.
Natahimik silang lahat. Napansin ni Frida na mas nakatitig ang dalawa sa mukha niya na parang ine-eksamin ito. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may halong paghanga ang tingin ng dalawang binata sa kaniya. O baka naman awa ‘yun dahil sa nangyari sa kaniya. “May…problema ba?” Mukhang hindi handa si Frida sa kung anumang ibabalita nina Dean at Gio.
“Wala naman,” sabi ni Dean.
“Naninibago lang kami sa itsura mo,” dugtong ni Gio kay Dean na parang isa silang nagsasalita. “Tinanggal kasi muna ng nurse ‘yung mga piercings mo para magamot nang maayos ang mga sugat,”
Saka inabot ni Dean ang isang salamin sa silid. Nakita ni Frida ang kaniyang mukha, kahit may mga benda ang ibang bahagi, wala nga ang mga piercings nito. Parang nanumbalik ang kaniyang mga alaala. Ito ang mukha ng inosenteng Frida.16 years old. Sinusubukan pa lang pasukin ang mundo ng pagsusulat. Wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Nagsisimula pa lang siyang matuto.
“I look so innocent pala ‘pag wala ‘yung mga piercings,”
“Nandito lang sila,” saka ipinakita ni Gio na nakalagay sa isang ziplock ang mga piercings ni Frida at disinfected na. Nasa isang ziplock naman ‘yung baseball cap niya na regalo ni Gio.
“Nangako naman ‘yung nurse na ikakabit niya ulit. Umalis lang siya at kasama na bumili na ilang medical supplies sa syudad. Halos maubos mo raw kasi ‘yung mga bandage at betadine dito, e.”
Nakahinga naman siya nang maluwag. Kahit anong mangyari, kailangan mabalik ng mga piercings niya. Hindi lang ‘yun accessories o kung anong arte. It’s already part of who she is as a writer and as an individual.
“Ang sabi ng doctor na tumingin sa ‘yo, napakasuwerte mo dahil mga sugat lang ang tinamo mo. Wala namang nabaling buto,” sabi ni Gio.
“Himala nga raw na maituturing,” sabi naman ni Dean. “You’re such a strong woman, Frida.”
Ngumiti nang matipid si Frida kay Dean. Naramdaman niyang may sumakit sa likod ng kaniyang tainga. Nang hipuin niya, may makapal na benda rito.
“Careful,” babala ni Gio. “May 7 stitches ka diyan. ‘Yan na actually ang pinakamalala mong sugat. ‘Yung iba, minor na lang daw.”
“Salamat talaga, guys,” may lungkot sa boses ni Frida. “Kung bumaba lang siguro tayo agad…”
Feeling tuloy ni Dean sinisisi ni Frida ang sarili. Nakaramdam din ng konsensya si Gio dahil alam niya rin sa sarili na ayaw pa niya noon kaagd bumabad.
“No, don’t blame yourself, Frida. We all wanted to stay sa taas,” sabi ni Dean.
“Hindi, e. I was stupid,” sabi ni Frida. Habang iniininda ang occassional na paghapdi ng mga sugat sa katawan. “I watched too much films. Feeling ko kasi ang romantic ‘pag gano’n. Sunset, ta’s maliligo sa ulan habang nakikinig ng music. Ugh!”
“Nag-enjoy naman tayo, ‘di ba?” sabi ni Dean.
“Dahil sa kagagahan ko, pati buhay niyo nalagay ko pa sa panganib,” sabi ni Frida. “I’m really sorry, Dean, Gio. Ngayon, alagain niyo pa ako.”
“Ang mahalaga, ok ka na,” sabi ni Gio. “Saka ano naman kung kami mag-alaga sa ‘yo? Panahon naman na kami ang mag-alaga sa ‘yo, ‘no?”
“Tama si Gio, Frida. You’ve done so much to us, individually and as a group. Hindi mo man ma-realize ‘yun pero sa amin nakatatak na ‘yun,” saka ngumiti si Dean sa dalaga.
The thing is, Frida made them feel things. Mula sa pagkakataon na ibinukas ni Dean at Gio ang kanilang mga buhay at puso sa dalaga. Nanatili na ito rito.
Gumanti lang ng matipid na ngiti si Frida bago ulit ito makatulog. Halatang bakas pa rin ang guilt sa mukha nito kahit siya na mismo ang naging biktima. She was that selfless.
Dumating ang nurse ilang saglit at chineck ang condition ni Frida. Sabi nito kay Dean at Gio, ok naman na ang kalagayan niya since mabilis na naghi-heal ang sugat ni Frida. Kapag lumakas na ang dalaga, pwede na siyang lumabas ng infirmary kung kailan niya gusto.
Napagdesisyunan muna nina Dean at Gio na lumabas ng infirmary upang bumalik sa kanilang villa upang makaligo at makapagpahinga dahil wala pa silang tulog simula kagabi.
GIO
“Feeling ko kasalanan ko rin,” pagbasag ni Gio sa katahimikan.They are both tired because of the accident pero inamin pa rin ni Gio para mabawasan ang guilt sa nararamdaman niya.
“No, no, no,” sabi ni Dean sa kaniya. He was staring straight into Gio’s eyes. It’s almost comforting to see Dean’s eyes again na kalmado na. “Don’t blame yourself, Giovanni. Ginusto naman nating lahat na mag-stay sa talampas. We had fun, right?”
Napatahimik si Gio. Ayaw na rin niyang maging pabigat pa sa sitwasyon dahil nagi-guilty si Frida. Isa pa siya aalahanin ni Dean. He wanted to do something.
“We need to something para maging ok na si Frida,” sabi ni Gio.
Sa puntong ito, huminto muna sila sa paglalakad at umupo malapit sa puno. It’s Saturday morning, and the sun is just rising. Nakita nila ang mga staff ng resort at Isla Anima na nagsesetup ng mga decoration sa bar. May party nga pala mamayang gabi. Saka may naglalagay na rin ng mga kahoy for bonfire malapit sa dalampasigan.
Nakatingin si Gio sa mga taong nag-aayos noon. Nakita iyon ni Dean at suddenly naintindihan na niyang ang sasabihin pa lang ni Gio. That’s the kind of connection na mayroon sila.
“Of course, gugustuhin niyang ma-experience ‘yan,” sabi ni Dean patungkol kay Frida sa bonfire at party mamayang gabi. Naalala niya kasi ang sabi nito na gusto nitong masulit ang natitira nilang araw. Huling gabi na nga pala nila mamayang gabi.
“Well, kailangan gumaling muna ni Frida,” sabi ni Gio.
“Syempre naman, pero sabi naman ng nurse, basta kaya na niya pwede na,” sabi ni Dean.
Nabuo na ang plano nang ganoon. They will go to those events later that night. Napatahimik muli sina Dean at Gio. Saglit ay tumitig muna sila sa sumikat na araw. Dinama muna nila ang morning breeze, ang aroma ng kape sa ‘di kalayuan, ang amoy ng mga dahon at kapaligiran. Sariwa ang lahat. The trees and waves are silently waking up from the night’s sweet dreams. Ramdam na nila ang pagod ngunit hindi pa rin sila naghihiwalay. Parang may hindi pa nasasabi na gustong mailabas ni Dean.
“Actually may pina-plano pa ako,” sabi bigla ni Dean.
Noong tinanong ni Gio kung ano ito, inaya ni Dean si Gio na magpunta sa bar upang kausapin ang manager.
Nalaman ni Gio na kaya pala matagal kausap ni Dean noong minsan ‘yung manager ay nagpagbook ito ng breakfast sa beach kinabukasan…para sa kanilang tatlo.
“Look,” sabi ni Dean saka iniabot ang brochure mula sa manager ng breakfast for 2 sa beach. “Pero sabi ko kay Mr. Manager na tatlo tayo. Um-oo naman siya at sabi nila ise-setup nilang ang mga table bukas ng madaling-araw sa beach. It’s our last breakfast. I want it to be memorable.”
Nagulat si Gio. Sa mga litrato ng espesyal na breakfast na iyon ay mga upuan na ilangpulgadang nakalubog sa buhangin at tubig-dagat. May mesa sa gitna. Pang-couple lang talaga iyon. Isang romantic na breakfast kung saan tanaw mo ang buong dagat, ang resort habang sa kinauupuan mo ay may mga alon kumikiliti sa iyong mga paa.
“It’s called Floating Breakfast po,” sabi ng manager sa dalawa. “Pero hindi naman po siya literal na nagfo-float. It’s just that our high-end wooden furnitures na designed ng isang sikat na furniture designer from Saudi Arabia ay nasa tubig. We will serve you our specialty breakfast for couple. Patok po ‘yan sa mga nagha-honeymoon dito sa Isla Anima.”
Weird na tinignan ni Gio si Dean. Napatawa lang ang binata. Nailang siya sa pagkakasabi ng manager na ‘couple’ at ‘honeymoon’. It’s too romantic for them. Pero aayaw ba siya?
“Sabi ko nga, for three na ang breakfast,” sabi ni Dean. Saka tumango naman ang manager sa sinabi ni Dean. Arranged na raw ang lahat. Sila na lang tatlo ang hinihintay.
Hindi maiwasang masabik ni Gio sa mangyayari kinabukasan. Inilalarawang-diwa na niya ngayon pa lang kung anong mangyayari, kung anong mga pag-uusapan at kung paano sila magpapaalam. Paalam. Nalungkot tuloy si Gio na malapit nang matapos ang stay nila sa isla. He wanted to extend it, pero he knows na he has had enough. Umaasa na lang siya na hindi pa iyon ang huli para sa kanila ni Dean, para sa kanila ni Frida at para sa kanilang tatlo.
“That’s so nice of you,” sabi ni Gio noong naglalakad na sila pabalik na sila sa kanilang villa.
“Wala ‘yun. I wanted to treat you,” sabi ni Dean. Napatingin si Gio sa rito. “kayong dalawa ni Frida,” saka ngumiti ito.
Ibang-iba na si Dean mula sa nakilala niya noong auditions. Ngayon, mas humanized ang persona ni Dean sa kaniya. Hindi na siya ‘yung artistang Dean na napapanood at hinahangaan niya dati. He’s real. He has flaws. Espesyal siya at mabuting tao.
Naghiwalay na sila upang magpunta sa mga sariling villa. Naalala ulit ni Gio ‘yung eksena kanina noong sinaklolohan nila si Frida. Kasama ni Gio noon si Santelmo at dalawang ka-tribo nito.
Malayo pa lang nakikita na niya si Dean na umiiyak sa tabi ni Frida. He was almost like a child crying over a toy. Hindi niya agad ito nakilala. Noon lang niya nakitang umiyak at ninerbyos nang ganoon si Dean. Ibang-iba ‘yun sa mga roles na ginampanan ni Dean sa pelikula.
Gio just saw Dean.
He was crying over Frida dahil akala niya huminto na ang pagtibok nito ng puso. Ngunit noong tsinek naman ni Santelmo ang pulso ni Frida ay mayroon pa naman daw. Saka nila mabilis na binitbit si Frida papuntang infirmary. Ngunit nagnanatili saglit si Dean at Gio sa lugar dahil pinakalma muna niya ito.
Nakayakap noon si Dean kay Gio. Halos parang wala sa sarili. Mabilis na mabilis ang t***k ng puso.
“Shhhhh,” sabi ni Gio kay Dean, pinatatahan ito sa pag-iyak. Saka niya hinintay na kumalma at bumagal ang t***k ng puso nito sa normal. Kinuha niya ang mukha ni Dean. Hawak niya ito ng kaniyang dalawang palad saka pinahiran ang luha. Binigyan niya ito ng matipid na ngiti na parang sinasabi na magiging maayos din ang lahat. Tumango si Dean. Nagkaintindihan sila.
Saka sila nagpunta ng infirmary.
FRIDA
Nang magising si Frida wala na doon si Dean at Gio. Sabi ng nurse ay umalis na raw ang dalawa upang magpahinga at makaligo. Naintidihan naman ni Frida iyon lalo na’t sobra na rin ‘yung kanilang ginawa para sa kaniya.
Kahit may kirot pa ng kaunti pakiramdam ni Frida ay kaya naman na niya ang sarili since nakainom na rin siya ng mga painkillers at mga gamot. Sabi rin ng nurse ay mabilis maghilom ang kaniyang mga sugat. Lahi kasi talaga iyon nila Frida na mabilis matuyo at maghilom ang mga sugat sa balat, Iyong malalim na lang ang natitira na mahapdi. Otherwise, kaya naman na niya maglakad.
Pagkatapos niyang pakainin ng breakfast at inilagay na rin ulit ng nurse ang mga piercings ni Frida sa mukha at saka ipinaalala na may magaganap na bonfire at party mamayang gabi. She can’t miss that. Bago manangahalian ay inihatid na siya ng nurse sa kaniyang villa.
“Kaya ko na po talaga. Hindi niyo na po ‘ko kailangang ihatid. Hindi na nga po ako umiika,” nahihiyang sabi ni Frida sa babaeng nurse habang naglalakad palabas. Bitbit nito ang bag niya.
“Ihatid ko na po kayo. Baka po may mangyayari na naman. Ok lang naman po. Ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko,” sabi ng nurse. Nagpasalamat si Frida dito.
‘Di niya maiwasang maalala ang ex niya sa nurse. Parehong maaalalahanin at maalaga. Suddenly, na-miss niya ito. Pero hindi na ‘yung pagka-miss na masakit, iyong tipong naalala mo na lang ang mga masasayang alaala, iyong mga bagay na piniling iwan sa memorya.
“Bakit po pala hindi na bumalik ‘yung boyfriend ninyo,” sabi bigla ng nurse. “Sino po pala doon ‘yung boyfriend niyo?”
Natawa si Frida sa pang-uusisa ng nurse. “‘Di ko pa sila boyfriend--”
Napansin ng nurse ang salitang ‘pa’. Hindi rin alam ni Frida ung bakit nabanggit niya iyon.
“I mean, kaibigan ko lang sila,”
“Weehhh? Parang hindi naman. Manliligaw mo yata ‘yung dalawa na ‘yun, e!”
“Huy, hindi, a!” biglang defensive si Frida. How I wish, lihim na isip niya.
Hindi naman pumalag ang nurse, “Sabagay, para kasing sweet din sila sa isa’t isa,” nagtatakang sabi ng nurse. “Ang weird,”
Natawa na lang si Frida. Inabot na rin ng nurse ‘yung bag niya noong nasa harapan na sila ng villa ni Frida. Nagpasalamat na siya dito sa pag-aalaga at pagkakabit muli ng mga piercings niya.
Tsinek ni Frida ang laman ng bag pagpasok niya sa villa. Naroon pa rin ang gamit niya. Naroon pa rin ang baseball cap na regalo ni Gio.
Mami-miss niya ang dalawang iyon. Sobra. After all that happened she knows she created something right. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at hinanap muli ang litrato nina Dean at Gio noong nag-skinny-dippinng ito isang hatinggabi. Very cinematic ang larawan. Parang kuha straight out of a coming-of-age gay themed movie. Naisip niyang ipinta ito as a souvenir.
Limitado lang kaniyang dalang art materials. Ilang piraso lang ng unipin, oslo papers, pencil at tatlong kulay lang ng colored pens [neon green, orange at sky blue] na ginagamit niya sa paghighlight sa kaniyang mga notes.
Sapat na iyon. Gumawa siya ng tatlong kopya ng sketch ng litrato. Tig-isa silang tatlo. May mga frames naman sa souvenir shop, bibili na lang siya kapag nadaan doon.
Iyon ang kaniyang ginawa habang nagpapahinga at nagpapagaling. Parang habang tinutunton niya ang bawat linya at pigura ng litrato ay parang kinakabisado na rin niya ang bawat pagkatao nina Dean at Gio. Hindi pa ba niya kabisado? Ah basta, kapag kasama niya si Dean at Gio, parang nakauwi na siya.
Suddenly, pakiramdam niya ay parang parte na rin siya ng larawan.