CHAPTER IX

2423 Words
CHAPTER IX     DEAN     Halos manibago si Dean sa katahimikan. These past days has been a treat for him. Salungat sa mga karanasan niya sa syudad. Malayo sa polusyon, malayo sa mga tao, malayo sa mga ingay, sa ilaw, sa mga headline at mga kontrobersya. Ang payapa lang ngayon. Pinagmasdan niya ang mga alon sa ibaba. Malaya at payapa. Wala silang ginawa kung hindi hagkan nang hagkan ang mga buhangin sa dalampasigan. Walang kapaguran. Himala, hindi siya natakot. Parang nakisama ang takot niya sa heights. Dahil ba kasama niya ang dalawa? “I’ve never been in a peaceful place like this,” halos pabulong na sabi ni Dean ngunit sapat na upang marinig ng dalawa. Sa ‘di kalayuan naririnig nila ang pagaspas at huni ng mga ibon at mga hayop sa kakahuyan. Hinayaan nilang balutin sila ng tunog ng kalikasan. “Same,” tugon ni Frida. “Para kasing kahit dumating ka sa tahimik na point sa syudad, ang ingay pa rin.” “Parang lagi ka dapat kumikilos, kahit hindi ka gumagalaw dapat kumikilos ka pa rin, ‘yung utak mo, ‘yung mga plano mo. Lahat dapat gumagalaw,” dugtong ni Gio. Nabakante ulit ang pag-uusap ngunit naroon ang pagiging sigurado sa bawat sandali. Naroon ang tahanan. Habang lumiliit ang nagngangalit na araw sa tanawin, sinundan nila ito. Habang lumiliit ang silahis ng liwanag dahil papalubog na ito, inisip nila ang mga plano nila sa buhay. Ilang buwan lang liliit na rin ang mga liwanag sa buhay ni Dean sa pag-alis niya sa showbiz. Mauubos na ang mga flash ng camera, mawawala na ang mga mikropono sa paligid niya. Tatahimik na ang lahat. Sana. Sa panibagong yugto ng buhay ni Gio, titigilan na niya ang paghabol sa maliliwanag na ilaw. Tama na. Sobra na. Doon na lamang siya sa silong, kung saan maaari pa rin siyang maging panatag at masaya. Sana, sa bago niyang trabaho hindi na lang siya sa sarili niya nakapokus bagkus ay inaalala na rin niya ang mga taong mahalaga sa kaniya. Si Frida? Kahit nakalubog na ang araw sa kalayuan at sa kaniya, aasa pa rin siya ng panibagong umaga, ng panibagong paggising, ng panibagong pagbangon at pag-asa. Iisipin lang niya na nasa mahabang takip-silim lang ang kaniyang buhay. Siguro’y mahaba lang ang gabi ngunit darating din ang bukang-liwayway ano man ang mangyari.   Sumisilip na rin ang buwan sa langit ngunit ‘di pa rin nila naiisipang umuwi. Sana’y mas humaba pa ang gabi. Pinagmasdan nila ang bote ng espesyal na alak na ibinigay ni Santelmo sa kanila. “Ano, inumin na natin?” mungkahi ni Gio. “Ha, walang tayong baso? Paano na--” reklamo ni Dean ngunit binuksan na agad ito ni Frida saka tinungga. “Woah, woah! Chill,” sabi na lang ni Dean. Pagkalagok napaitan nang kaunti si Frida pero, “Ang sarap niya,” saka niya inabot kay Dean ang bote. Napatingin ito sa kaniya. Tutunggain din ba niya? Oo naman. Bakit naman siya aarte pa? Si Frida naman iyon. Saka niya tinungga, “Woah, this is something.” Saka niya inabot kay Gio ang bote. “Ako talaga ang huli, ‘no?” “Si Dean naman ang huling uminom,” sabi ni Frida “Oo nga, ayaw mo no’n, indirect kiss,” saka kinindatan ni Dean si Gio. Namula naman siya saka tinungga na lang iyong bote. Nakangiti sa kaniya pareho sina Dean at Frida. “Halu-halo na ‘yung laway natin,” bati ni Dean. “Hindi naman ako maarte,” mapagmalaking sabi ni Frida. “Laway niyo naman ‘yan, so…” sabi ni Gio. Saka nila pinaghalinhinan ang pag-inom ng alak. Nakaramdam na si Dean ng kaunting pagkahilo. Sa tingin niya, sina Gio at Frida rin. Nakikita niya sa mga mata nito na parang inaantok na sila ngunit hindi iyon ang sinasabi ng kanilang kilos. Masigla pa rin silang nagkekwentuhan. They were having a time of their lives. “Sa tingin mo, nasaan ka matapos ang isang taon?” tanong ni Gio sa kanila ni Frida. Napaisip sila. Tricky ang tanong ni Gio pero dahil sa alak siguro mas mababahiran sila ng katapatan at katapangan. Iniisip ni Dean na hindi rin naman talaga kailangan ng alak. Lasing o tipsy man o hindi, kaya rin naman nilang maging matapat at matapang sa isa’t isa. They have established things with each other so much para mahiya pa sa isa’t isa. “Ako? Siguro, I’m somewhere far from the city. Stable. Maybe happy. I’ll have a business siguro,” sabi ni Dean habang nakatingin sa langit, tila naghihintay ng pagsilip ng mga bituin. “Me, uhm. Still writing. Still working my way to,” nagdalawang-isip si Frida sa sasabihin niya. Alam naman na ni Dean at Gio iyon. Her reputation and all. “you know. I guess, I’ll be healed. Happy, I hope.” “Ako naman, siguro stable na ‘ko sa trabaho. Ako na nagpapaaral sa kapatid ko. Nakauwi na sana si Mama. Sana promoted na ‘ko no’n,” sagot naman ni Gio. Napansin ni Dean sa lahat ng sinabi ng dalawa at pati na rin niya ay walang nabanggit tungkol sa lovelife o kahit anong tungkol sa romantic relationship. Dahil kaya talagang focused sila sa pag-ayos ng sari-sariling buhay na halos nawalan na sila ng oras para sa paghahanap ng kasintahan? O dahil may mga bagay pa silang nahihiyang aminin sa mga sarili nila? “E, lovelife?” ‘di nakatiis na tanong ni Dean. Gusto niyang magkaroon ng kasagutan. Natawa nang bahagya sina Gio at Frida hindi sila sumagot sa tanong ni Dean. “You know what, iinom na lang natin ‘yan. Cheers!” saka na-realize ni Frida na wala nga pala silang baso kaya siya lang ang nakataas ng bote sa hangin. Ngunit sinamahan na rin siya ni Dean at Gio na kunwaring may mga hawak na baso. “Kailangan natin ng picture!” sabi bigla ni Frida matapos ang huling lagok sa bote. Nagtaka sina Gio at Dean. Wala naman silang camera o cellphone dahil wala rin namang signal doon. Ngunit inilabas ni Frida ang cellphone sa bulsa niya. Nagulat ang dalawang binata. “Ba’t naman dinala mo pa ‘yan? E, wala namang signal?” tanong ni Gio. “Syempre, alam kong maganda ang view rito kaya naisipan ko na kukuhanan ko ng litrato.” Saka sila nag-selfie nang nagselfie doon. Nag-picture sila kita ang view sa ibaba. Kahit medyo madilim na kita pa rin nila ang isa’t isa sa litrato. Biniro pa nga nila si Dean na ihuhulog sa bangin pero sabi lang niya ay sa tingin niya hindi na siya natatakot sa heights. Saka sa loob-loob niya, hindi naman gagawin iyon ng dalawa sa kaniya. “Last picture na, guys. Mapupuno na ‘yung memory nitong phone ko. Saka sila humilera tatlo. Sa gitna si Gio dahil siya ang pinakamaliit. Si Frida sa kaliwa niya at si Dean naman sa kanan. Magkaka-akbay. Totoo ang bawat ngiti nila. Ilang saglit ay naramdaman ni Frida na may pumatak na tubig sa pisngi niya. “s**t, guys!” Nakita niya si Gio na nakataas ang palad, naghihintay ng ambon. “Ano, tara na? Baka abutan pa tayo ng malakas na ulan,” sabi ni Dean. Ngunit tahimik lang si Frida. Wala ring pakialam si Gio. Ayaw pa niyang bumaba ng talampas. Parang ang bilis ng oras. Bakit naman kasi ngayon pa umulan, isip ni Dean. Kung kailan nila sinusulit ang oras ng isa’t isa. “Ang malas naman natin,” sabi muli ni Dean. “I have an idea, guys,” sabi ni Frida habang pabalik-balik ang tingin kay Gio at Frida. Lumakas ang ulan ngunit wala pa ring gumagalaw sa kanila o naglalakad pababa. Inabot ni Frida ang phone niya saka nagpatugtog ng kanta. She played Love My Way ng The Psychedelic Furs. Pinuno ng musikang ito ang espasyong kanilang kinatatayuan. Sumalo pa ito sa tunog ng ulan. Dean instantly recognized the song. Nginitian niya si Frida. She knows that song! Ginamit ang kanta na iyon sa pelikulang Call Me By Your Name. Kung saan ‘yung bidang si Oliver ay sumayaw sa dance floor like a weirdo, he was having a moment in his life saka siya sinaluhan ni Elio. Isa ito sa mga paboritong pelikula ni Dean. Frida and Dean danced in the music. Pareho silang hindi marunong sumayaw ngunit wala silang pakialam. Hindi nila alintana ang pagkabasa at ginaw. Nawirduhan naman si Gio sa kanta, ilang saglit saka niya na-gets kung saan ang reference ng kantang iyon. Sumayaw na rin siya sa ilalim ng ulan kasama sina Frida at Dean. “Call Me By Your Name,” bulong niya sa dalawa. Binigyan nila si Gio ng ngiti. Saka mas humataw kahit hindi na sang-ayon sa beat ng kanta. “Frida,” usal ni Frida. “Dean,” bulong ni Dean. Ngunit walang nakarinig sa kanila ni isa. Abala sila sa pagpapalaya ng sarili at sa pagkakataong iyon. They danced the night away. It was their moment. Nakita na nila ang isa’t isa nang magkakahiwalay at magkakasama. They have nothing to hide or to be ashamed of. Everything was infinite. They felt infinite. Everything was like a scene in a coming-of-age film. Maybe they’re too old for that, but they knew that the moment was perfect. Saka sumipa ang pagkahilo nila dahil sa alak na ibinigay. They felt ecstatic. Dean was dancing with Gio, holding his hands, his waist, almost hugging him Then a moment after, Gio was dancing with Frida, caressing her face, saying words of affirmation. Then Dean was head to head with Frida. They were all laughing, almost losing themselves and letting go. Wala munang mundo sa labas. Kinalimutan muna nila ang mga dating buhay. They were in the moment. Pagkatapos ng kanta sabay ring huminto na ang ulan. It was a fleeting moment but felt like a beautiful eternity. “Grabe,” usal ni Frida under her breath. Nakaupo na sila at pare-parehong hinahabol ang hininga. They all feel dizzy dahil na rin siguro sa alak. Pero walang nagreklamo. “That was one of the best moments in my life,” sabi ni Dean. “I feel alive,” bulong ni Gio. “We should do this again,” sabi ni Frida. Saka sila nagngitiang tatlo. Ilang saglit ay naisipan na nilang bumaba upang bumalik na sa kani-kanilang villa. Delikado na rin dahil nabasa ang lupa. Baka dumulas ang trail. Dean is beyond thankful sa dalawang taong kasama niya. He wanted more. Magkikita pa kaya sila after all this? Iyon ang bagay na hindi pa nila napag-uusapan. Masyado silang abala sa pamumuhay sa kasalukuyan. They all came here with their own individual reasons, at karamihan doon ay hindi nagtutugma-tugma pero despite that nagkasundo-sundo sila. “I’ll miss you both,” sabi ni Dean habang tinutunton na nila ang trail pababa. Inakbayan naman siya ni Gio. This time, hindi na ito nahihiya or naiilang. Komportable na sila sa isa’t isa. Masukal na ang trail at tanging ang guide nila ay ang liwanag ng buwan at ang flashlight sa cellphone ni Frida. Ingat na ingat sila sa bawat pagtapak dahi dumulas na ang trail gawa ng tubig at putik na dulot ng ulan. “May bonfire at party naman bukas, kaya mag-eenjoy pa tayo,” sabi ni Frida while leading their way. “Marami pang mangyayari! Mag-eenjoy pa tayo ulit, ha?” Hindi pinagsisihan ni Dean ang pag-extend niya sa Isla Anima. Pagbalik niya kasi ng syudad paniguradong ‘yung last film project na naman ang kokonsumo ng lahat ng oras niya. Walang katapusang puyatan na naman, workshop at pressure. Magandang maihanda na niyang muli ang sarili niya. He wants to prove something lalo na sa mga hindi naniwala sa kaniya. After all, he wants to leave showbiz with grace. Saka siya magse-settle maybe with a food business. At kung sino man ang magiging partner niya in life, hinihiling niya na magiging masaya siya. That would be more than enough. He may still be young to think all these things pero masyado na siyang napagod noong teenager siya. Parang doon kasi naibuhos lahat ng trabaho at mga bagay na sana in his 20s pa niya naranasan. Kaya gusto mo muna niyang mamahinga. Siguro, after five years iba na naman ang ginagawa niya pero hindi na muna ito ang tamang panahon para isipin ang mga iyon. Nasa likod niya si Gio. Hindi sila pwedeng magsabay-sabay dahil makitid ang trail. Dahan-dahan lang sa paglakad, makakarating na muli sila sa beach. Nalagpasan na rin nila ang malapit sa entrada ng Tribo Taglo. Tahimik na ang tribo, siguro’y nagpapahinga na matapos ang umulan. Habang iniisip ni Dean si Gio at Frida at ang mga gagawin nila pagkatapos ng kanilang trip dito sa Isla Anima nang biglang may narinig silang sigaw. Si Frida! “Frida!” napasigaw si Gio. Hindi agad napansin ni Dean na bigla na palang nawala ‘yung liwanag mula sa cellphone ni Frida. Dumausdos na pala ito pababa. Sumisigaw pa rin si Frida. This was the first time he heard Frida almost wailed in pain dahil sa pagkakahulog. Nagpanic silang dalawa ni Gio, halos mag-unahan na sila pababa upang habulin ang paggulong ni Frida pababa sa trail. “Hold on, Frida!” sigaw ni Dean. s**t. s**t. s**t. Maybe it was a bad idea na nag-stay pa sila sa talampas. Lalo tumuloy dumulas ang daan. f**k! Dapat umuwi na sila kanina pa. Hindi pwede, hindi pwede, hindi pwede. Please, Frida. Hold on, isip ni Dean. “Tulong, tulong!” desperadong sigaw ni Gio kahit alam niyang wala halos makakarinig sa kaniya. Hindi nila mapapatawad ang mga sarili kung may mangyayayaring masama kay Frida. Paano na lang kung, kung… Binura nilang pilit ang posibilidad. “Hihingi ako ng tulong sa tribo,” biglang naisip ni Gio at hindi na ito nagpaalam na umalis at umakyat muli sa trail. He was struggling dahil madulas ang trail pero ito lang naiisipi niyang mas epektibong solusyon. Malayo pa ang infirmary o ‘yung mismong resort pagbaba kaya pinakamalapit na ang mga nasa tribo. Si Dean naman ay patuloy na bumaba upang saklolohan si Frida. Pilit inaninag ni Dean ang daan pababa. Wala siya halos makita. Hinabol niya kung saan bumagsak si Frida. Please, don’t let anything bad happen to her. ‘Di niya na rin maramdaman si Gio sa likod niya. And now he’s alone. Napalitan na ng pawis ang bawat basa sa katawan niya mula sa paliligo sa ulan. Hindi niya mahabol ang bilis ng t***k ng puso niya. He’s nervous, ‘yung nangyari kay Frida. He can’t just lose her. They can’t just lose her. Bigla siyang nagsisi na hinayaan niya si Gio na bumalik pataas, baka siya naman ang mapahamak. Mas kakayanin niya sana kung kasama siya, kung magkasama sila. He’s now alone in the dark. Dumadagdag pa ang mga huni at mga tunog ng hayop sa kakahuyan. Paano kung may biglang mabangis na hayop siyang magising o maabala? And then there is Frida. Natatanaw na niya. Halos nasa entrada na ito ng trail sa beach. Kalahati ng katawan nito ay nakahiga na rin sa buhangin. Tila iniluwa siya ng kakahuyan. Sinaklolohan agad ni Dean ito. May dugo sa ulo niya. Sugat-sugat at puno ng putik at mga dahon ang buong katawan nito dahil sa mga natamong sugat sa pagguglong. Wala na itong malay. “Frida? Frida! Please, wake up! Please, please, wake up!” Hindi sumasagot o gumagalaw si Frida. Nanginig ang buong katawan ni Dean dahil sa kaba. Naiiyak na rin siya. Tsinek niya ang pulso ni Frida sa leeg. Please, please, please! And then, “Tulong!” he shouted on the top of his lungs.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD