CHAPTER XIII

3332 Words
CHAPTER XIII     GIO     Pagkagising ni Gio si Dean na lang ang kasama niyang nasa kama. Nakaupo si ito sa gilid at nakahawak sa ulo na parang sumasakit ito. Nang subukan niyang bumangon saka niya naramdaman ang sakit ng ulo, “s**t,” bulong niya. Hang-over mula sa nangyari kagabi. Teka, ano nga bang nangyari? Inalala ni Gio lahat, mula sa bonfire, sa iyakan, sa malakas na tugtog sa party, patay-sinding ilaw, ‘yung kantang Love My way, at saka…ang mga halik…nina Frida at Dean. Then ‘yung papunta dito sa villa, then ‘yon. The steamy threesome. Panaginip lang ba ang lahat? Totoo bang nangyari ‘to? Sinilip ni Gio ang nasa ilalim ng kaniyang kumot. He’s naked. Wala siyang suot kahit ano. Natakot siya ng ilang segundo, dahil totoo nga ang nangyari kagabi. Hindi lang ito basta-basta wet dreams. Tinignan din niya si Dean na minamasahe ang sariling ulo at hindi nagsasalita. Nakahubad din ito at tila wala rin siyang suot sa baba. Saka biglang nag-flash ang mga imahe ni Dean kagabi. His hard-on. His d**k. s**t. Erase, erase, isip ni Gio. Pero kulang sila ngayon. “Asa’n si Frida?” tanong niya kay Dean na nakatalikod sa kaniya. Gumalaw ito nang bahagya dahil narinig niya si Gio. “Lumabas lang saglit, she needs her yosi raw,” he said it in a cold voice. Gio wants to address ‘yung mga nangyari kagabi pero wala siyang lakas ng loob. E, ano ba kasing dapat niyang sabihin o itanong? Ayaw naman niyang mag-sound stupid. Hindi na sumagot si Gio. Everything that happened last night was real. Humarap si Dean sa kaniya. Poker face. “Get up, remember, may breakfast pa tayong inihanda for Frida, ‘di ba?” “s**t, oo nga pala!” Ngayon lang naalala ni Gio. Naghanda nga pala sila ng sorpresa para kay Frida. Floating Breakfast sa dalampasigan, isa sa mga pakulo ng Isla Anima sa mga guests nito. Dean already paid for everything kaya sayang naman kung hindi nila ia-avail. Isa pa, last day na nila ‘to. Pumasok nang muli si Frida and she was only wearing the spare blanket as robe. Napansin nitong gising na rin si Gio. She gave him a nod. Parang ‘di ito si Frida na kilala ni Gio. Something is off. “Uhm, get ready, let’s have, uhm,” nalilito si Dean. ‘Di niya alam kung anong sasabihin kay Frida. “Let’s have breakfast. We prepared something for you,” dagdag ni Dean at tumingin ito kay Gio naghihintay na dagdagan ‘yung sasabihin niya na para iyon kay Frida. The atmospohere was awkward. Dahil ba ito sa umaga? Or maybe because it was their first time together sleeping together and no one dared to bring what just happened that night. “Oh sweet,” sabi na lang ni Frida. She gave an akward smile. “Sure, I’ll get ready in 30 mins. Linisin ko lang ‘yung mga sugat ko.” Tumango sina Dean at Gio. Sinabi na rin ni Dean kung saan sila magkikita-kita. In 30 mins dapat nandoon na silang lahat. Pinulot na ni Gio ang mga damit niya habang tapis ng kumot saka nagpaalam na kay Dean. Dumiretso na kasi si Frida sa CR. “Mauna na ako,” sabi ni Gio saka siya lumabas ng villa. Wala nang kahit anong sabi o komento sa isa’t isa. Gio just wants to leave the villa and he can’t wait to be on his own again para ma-assess ang lahat ng nangyari. Gano’n ba talaga ‘yung feeling? Dahan-dahan lang siyang naglakad dahil masakit pa ang ulo niya. Naisipan na lang niyang magkape muna bago pumunta sa breakfast nila. Samantala sa villa, bumukas ang pintuan ng cr at inilawit ni Frida ang ulo. “Dean,” sabi niya at nakita niyang nagbibihis na ito para bumalik sa kaniyang villa. “It’s Gio’s birthday.” Nanlaki bigla ang mata ni Dean. Bakit naman niya nakalimutan. s**t! E, wala rin kasing nabanggit ulit si Gio sa kanila. Posible nga kayang nakalimutan din niya? Nag-usap sila ni Frida na oorder na lang sila ng extra cake sa breakfast to celebrate Gio’s birthday. “Ok,” sabi ni Dean matapos masabi ang maliit na plano. “Ok, see you,” sabi lang din ni Frida. Saka sumara na muli ang pinto ng banyo. Nilisan na ni Dean ang villa ni Frida. Bago siya makarating sa villa niya ay dumaan muna siya ng bar upang sabihin na they needed to have a birthday cake with Gio’s name on it and dapat ise-serve siya sa kalagitnaan ng almusal dahil nga surprise iyon. Bumili rin siya ng kape para mawala na ‘yung hang-over niya. Habang ininom niya iyon napansin niya ang manager ng bar na nakatingin sa kaniya. Maybe he has a crush on Dean, pero pwede ring may nakita ito kagabi na hindi niya dapat makita. Hinayaan na lang iyon ni Dean dahil inaalala pa niya ang sakit ng ulo. Pag-uwi niya sa villa, he cant believe na it’s his last day already. It’s their last day. But why does it feel so wrong?     On-time silang lahat. Pagkaraan ng 30 mins naroon na silang lahat at nakaupo na sa Floating Breakfast. Habang niyayakap sila ng papasikat na araw at binibisita ng tahimik na alon ang kanilang talampakan, pinagmasdan nila ang napakagandang view. Tanaw nila ang kalawakan ng dagat, may mga rock formation sa ‘di kalayuan at ang buong resort na gumising pa lang. Totoo nga na high-end ang furniture nila sa breakfast na ‘yun. Nakaupo silang tatlo roon at magkakaharap. Kahit maaliwalas ang ambiance, may kung anong awkwardness na ‘di mawala-wala sa ere. “So, nag-coffee na ba kayo?” pagbasag ni Dean sa katahimikan. Bakit ba kasi ang tagal i-serve ng kakainin nila? “Baka kasi may hang-over pa kayo mula kagabi.” Nagkape na rin naman na si Frida at Gio pagkatapos nilang gumayak. Tumango lang ang dalawa kay Dean saka na-realize niya na maling i-bring up ang nangyari kagabi. Dumating na ang breakfast. Dinala iyon ng dalawang unipormadong staff ng resort. Mararamdaman mo talaga na premium ang experience dahil maski ang mga waiter ay ayos na ayos ang postura. Tahimik ang silang kumain at pare-parehong iniiwasan ang tingin ng isa’t isa. s**t, ganito ba talaga ka-awkward, isip ni Gio. Ganito ba talaga nila iiwan ang isla? Ang isa’t isa? Na hindi man lang nag-uusap gaya ng dati? “So, huling araw na natin,” sabi ni Gio, sinusubukang magsimula ng konbersasyon. “Anong plano niyo after?” “Back to normal siguro. Busy na ulit sa project ko,” sabi ni Dean. “Ako naman, I’ll finish siguro ‘yung isinusulat ko,” sabi ni Frida. “You know naman, kailangang magpatuloy.” Nakikita ni Gio na sinusubukan ni Frida na siglahan ang boses o maging enthusiastic sa conversation pero alam ni Gio na may mali rito. Kilala na niya ang maliliit na kilos ni Frida kahit maikling panahon pa lang silang magkakilala. “Kumusta ang mga sugat mo?” tanong ni Dean sa dalaga. “’They’re healing naman na. Pero may isang dumugo ulit kaninang umaga, ‘yung sa parteng lower back. Sumaglit naman ako kanina sa infirmary before ako nagpunta dito para mapatignan at mapa-bendahan.” Lower back, isip ni Gio. ‘Di kaya dahil sa nangyari kagabi? He suddenly remembers Frida arching her back because of sensation and lust. He erased the thought immediately. Ilang saglit ay bumalik ang dalawang waiter na may dalang cake. Napangiti pareho si Dean at Frida dahil ito na ‘yung surpresa nila kay Gio. Nakita ni Gio na pangalan niya ang nakalagay dito. Nagulat siya dahil nakalimutan niya na birthday nga pala niya ngayon. “Grabe, literal na nakalimutan ko na birthday ko!” Saka kinantahan siya ng dalawang waiter ng happy birthday. Acapella man pero maganda ang boses ng dalawang waiter. They seem to do this to other guests as well. Pagkatapos noon ay umalis na rin ang dalawa. “Happy birthday, Gio,” sabay na sabi ni Dean at Frida. Kahit papaano ay naibsan ang akwardness sa kanilang tatlo. Sana magtuluy-tuloy na. “Thank you, Dean, Frida,” sincere na sabi ni Gio sa dalawa. “Blow mo na ‘yung candle saka mag-wish ka na,” sabi ni Dean. Hiniling lang ni Gio na sana maging maayos na ang buhay niya at mapunta na siya sa tamang direksyon. At sana tama ang desisyon na gagawin niya. He promised himself na he’ll make his mom and sister proud of him. “Seriously, I had so much fun with you guys na nakalimutan ko ‘yung sarili kong birthday. I know na sa ganoong part, alam kong hindi ko masyadong inisip ang sarili ko. And I’m so thankful na nakilala ko kayo.” Hinawakan ni Frida ang kamay ni Gio na nasa mesa bilang pagtanggap sa kaniyang pasasalamat. “Sana nagustuhan mo,” sabi ni Dean saka siya ngumiti kay Gio. “Oo naman,” sagot ni Gio. “Pero higit sa lahat, kayo ang pinakamagandang regalo sa akin ngayon na birthday ko.” Saka sila bumalik sa pagkain. Bawat tumatagal na segundo lalo silang binabalot ng awkwardness. Tila kalansingan ng mga kubyertos ang mga pumupunong tunog sa ere. ‘Di rin nila matingnan nang diretso sa mata ang isa’t isa. Bakit ba kailangan maging ganito? Hanggang sa ‘di na natiis ni Frida ang lahat. Ibinaba niya na halos padabog ang kaniyang kutsara’t tinidor sa plato. “Can we please address the elephant in the room?” Tinutukoy ni Frida ang nangyari sa kanilang tatlo kagabi. Kahit iba ang tono ng boses ni Frida at halos authoritative hindi na nagulat sina Dean at Gio dahil tila hinihintay na rin nila ito, na mapag-usapan. Si Frida lang ang nagkaroon ng lakas ng loob para ibukas ito sa kanilang tatlo. Nagtitigan silang tatlo ng ilang segundo. May biglang dumaang grupo ng babae malapit sa kanilang pwesto, mukhang naglalakad-lakad lang sa dalampasigan pero binigyan sila noon ng wirdong tingin. Nagbulungan ang mga ito habang ang isa’y nakatingin sa kanilang tatlo. Napayuko na lang si Dean. It can’t be just fans staring rudely at them. They seem to know something. Napansin ni Frida iyon. “Kanina noong palabas akong infirmary. May couple na ang weird ng tingin sa akin. Kung hindi ako nagkakamali sila ‘yung nasa kabilang bonfire malapit sa tin kagabi. I don’t know why.” “And hindi ko rin ma-gets kung anong problema natin,” sabi bigla ni Dean. Hindi alam ni Gio ang sasabihin. Naghihintay siya ng tamang pagkakataon pero ano ba dapat ang sabihin niya? Kahit gusto lang niyang maging masaya dahil birthday niya pero this has to be addressed. “The thing is, we all wanted what happened,” they listened closely to Frida. “I may be drunk pero I do remember almost everything na nangyari from the bonfire, sa bar…saka sa villa.” Napalunok si Frida. Makikita mo sa mukha niya na may hint ng success dahil nasabi niya ang mga iyon. “Same, I do remember as well,” sabi ni Dean. Saka sila tumingin kay Gio, naghihintay sa kaniyang sagot. Tumango lang siya, “Ah, oo. Tama naman si Frida. Ginusto naman siguro natin lahat ng iyon pero--” “It was consensual,” sabi ni Frida. “But it was unconventional,” sabi bigla ni Dean. “People are looking at us like they know something. ‘Yung manager din sa ‘kin kanina. Ang weird ng tingin niya.” “Guys, matatanda na tayo. Im 25, you’re 20,” pagtukoy ni Gio kay Dean. “and you’re 23. Kailangan natin resolbahin ito just like how adults do.” Huminga si Frida nang malalim. Samu’t sari ang pumapasok sa kaniyang isipan. The thing with writers’ minds ay habang sumasabog ang mga ideya nakikita mo na rin ang mga potensyal na problema sa mga potensyal pa lang ding magiging sitwasyon. It was almost chaotic. “I had fun with you, guys,” nag-iingat si Frida sa bawat sasabihin niya. “To be honest, you’re probably one of the best things that happened in life. Seriously. And kilala niya ako as someone who is open and liberated. I may have a few lapses or impulsive decisions in the past na magkakasama tayo but… we can’t control what other people will think of us.” Nakita ni Gio na nanggigilid ang luha ni Frida. He cant tell na she’s thinking too much. Den was just silent. “And if someone,” sabi ni Frida habang tumitingin sa paligid. Sinusuri niya kung may mga tao malapit sa kanila. Suddenly, she’s conscious. “…saw us last night it wont’t help us sa mga…plano natin in the future.” She had to say it even though they seem to be not ready for that conversation. And then everything makes sense to Gio. He knows what happened last night was unsual and almost a taboo in the local culture. Monogamous ang bansang Pilipinas. Hindi normal ang tatlong tao na nagtatalik. It’s abnormal lalo na sa mga conservatives. “Frida, you’re thinking too much. Hindi natin sigurado kung totoo ngang may nakakita sa atin,” sabi ni Dean. Nagsisi bigla si Gio. Bakit ba kasi sila umabot sa puntong iyon? Everything was built beautifully. ‘Yung friendship, ‘yung genuine connection, nandoon na lahat para makabuo ng lasting relationship, romantic man o hindi. Dapat na ba niya itong pagsisihan? But if ever na mamimili si Gio, sino ang pipiliin niya? Si Frida o si Dean? “Oh, my god? Sila…?” a voice they heard in a distance. Kaagad silang lumingon dito. Hindi na nila napakinggan ‘yung mga sinasabi nung mga tao dahil kumaripas na ito ng takbo noong nakitang lumingon silang tatlo. “f**k,” bulong ni Frida. Hindi na siya mapakali. Nag-aalala na si Frida. Her image, her reputation outside. She will not be able to redeem herself ‘pag nadawit na naman siya sa issue. What’s worse is maikakabit ang pangalan niya kay Dean, isang sikat na aktor and he’s openly gay. Anong gagawin niya? Anong sasabihin ng ibang tao? Na she hooked up with a gay man? Is that even right? Nag-aalala na rin si Dean sa mga consequences. Pero hindi niya masyadong ipinapakita. He remained composed pero hindi niya maiwasang isipin ang sitwasyon. They are in a public place. Kahit nasa isla sila mayroon at mayroon pa ring mga taong  makakakilala at maaaring gumawa ng isyu tungkol sa kanila. He is a public figure. Frida is, too. And the fact na maidadamay pa nila si Gio na magsisimula ng panibagong buhay is just terrible. “You know what, guys,” halatang nahihirapan si Frida sa mga sasabihin niya. Nakatingin nang mataman si Dean at Gio sa dalaga. “Let’s just end everything here.” “Ano?” reaksyon ni Gio. Hindi siya makapaniwala. Nagiging makasarili na naman ba siya? Paano naman ‘yung buhay ng dalawa sa labas ng isla? Nasurpresa rin siya na hindi nag-react si Dean. Tila sang-ayon ito sa desisyon ni Frida. He was clenching his jaw trying to find the right words. “I know it’s a hard decision pero,” panimula ni Dean. Nakayuko ito. “I think you’re right.” Napabuntong-hininga si Gio. So, gano’n na lang ‘yun? Pagkatapos ng lahat ng kanilang pinagsamahan? Sa lahat ng kwentuhan, damayan, paglalakad sa dalampasigan, sayaw, sayaw sa ulan, pagkalasing at iyakan, matatapos nang lahat? “Let’s just remember why we came here,” sabi ni Frida. Dumiretso ito ng upo. “Alalahanin lang natin ‘yung mga pangako natin sa sarili at ‘yung mga plano natin pagkatapos nito..” Tumango-tango si Frida. Kailangan niyang maging malakas. There is so much at stake at hindi sila pwedeng mag-risk. Career at imahe ni Frida ang nakasalalay kung madadawit na naman siya sa sitwasyon. Hindi pa man kumpirmado na may nakakita sa kanila but they can’t risk it. She has been trying so hard to build her reputation back. Hindi na niya kayang mag-back to zero ulit. Naisip niya rin si Dean. He wants to leave the industry with grace pero ‘pag pumutok ang isyu na ito, hindi magiging maganda ang outcome at sa magiging future niya. He’s just 20. Marami pang magagandang bagay ang deserve niyang maranasan at hindi niya deserve masangkot sa isang iskandalo dahil masisira ang buhay niya. Sapat na ang mga weird na tingin ng mga tao at pagbubulung-bulungan tungkol sa kanila. Matalino si Frida at hindi niya pwedeng basta na lang ipagkibit-balikat ito. Naunang tumayo si Frida sa kaniyang kinauupuan. Napanganga si Gio. Totoo ba ang mga nangyayari? Kakalimutan na ba talaga nila ang isa’t isa? “Sorry, we ruined your special day,” sabi ni Frida sabay hawak sa balikat ni Gio. Hindi na alam ng binata kung anong dapat niyang sabihin. Magpapaalam na ba siya? Dapat ba? Hindi pa rin siya makapaniwala. “Thank you,” wika niya sa dalawang binata. At sa gano’n lang umalis na si Frida. She didn’t even bothered to look back on them. Ni hindi man lang sila nakapagyakapan nang hindi lasing. Nakita ni Gio na tila nagpunas ito ng luha. Nilingon niya si Dean. Nakayuko pa rin ito. Hinahanap ang tamang pagkakataon. “Tama si Frida,” mahinang sabi ni Dean. “Para sa ‘tin din naman ‘to.” At saka tumayo na si Dean. Bilang paalam, tinapik lang niya ang balikat ni Gio. Naiwan doon si Gio with his half-eaten birthday cake. Napatitig na lang siya sa number na 25 na kandila. Wala nang apoy. He was supposed to be happy. Pero pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya magiging selfish, na hindi niya na lang ‘yung sarili niya ang kaniyang iisipin. He thinks of Dean and Frida. These are people out his league. Na-realize ni Gio na no matter how genuine ‘yung connection na nai-establish nila sa isa’t isa, magkakaiba pa rin ang kanilang mundo. Iba pa rin ang mga landas na tinatahak nila.They just happened to meet in this island, pero magkakalayu-layo sila sa tunay na mundo. Napakalungkot na isipin para kay Gio na akala niya sila na ‘yung mga totoong tao na tatanggap sa kaniya pero ipinamukha ng tadhana na they are, after all, different people. And in that moment, tears fell down in Gio’s face.       FRIDA       Lalo lang naiyak si Frida pagdating sa kaniyang villa. She can still smell ‘yung amoy ng dalawang kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit sa napakaikling panahon ay ganoong emosyon ang kaniyang nai-invest. She tried to sleep pero hindi niya magawa. Did she make the right decision? She likes to think so. Dahil hindi makatulog nag-impake na lang siya ng mga gamit. Nakita niya ang laptop at naalala niya ‘yung film script na gusto niyang isulat. Hindi niya muna siguro itutuloy ‘yun. This sadness is just too much to capitalize on it. Hindi muna ngayon. Saka na. Palilipasin muna niya. Nakita niya habang nag-iimpake ‘yung baseball cap na ibinigay ni Gio. “I AM” sabi nito. Palatandaan na sa isang parte ng Pilipinas, sa isang piling panahon, they were unapologetic about themselves. And she’ll treasure this little souvenir, and of course that special moment. Huli niyang napansin ang tatlong frames, iyong tatlong sketch na ginawa niya for the three of them. She actually included herself sa artwork. Katabi rin siya nina Dean at Gio noong gabing nag-skinny-dipping ang dalawang binata. Sa sketch tatlo na silang nilalang na nakaupo sa dalampasigan at pinagmamasdan ang hatinggabi at ang buwan. Naluha siya dahil dito. Maibibigay pa kaya niya ito? Nang dumating na ang oras para umalis sa isla bitbit na ni Frida lahat ng kaniyang gamit. Hinihintay na lang niya ang bangkang susundo sa kaniya. Hawak niya ang tatlong frame at umaasa na maibibigay niya ito sa huling pagkakataon kina Dean at Gio. Bakit pa ba niya ito ginagawa? E, ‘di ba siya na rin naman ang nag-desisyon na kalimutan nila ang isa’t isa, na iwan na ang lahat dito sa Isla Anima ang mga nangyari lang dito? Marami na ring papauwi ngayong Linggo kaya marami na ring tao ang naghihintay ng bangka pauwi. Ganito talaga ang eksena tuwing araw ng Linggo sa Isla Anima. Natanaw niya sa kalayuan si Dean, gusto niya sana itong lapitan pero maraming tao ang nakalapit dito at nagpapa-picture sa aktor. s**t. Paano siya makakasingit. Sinubukan niyang hanapin si Gio. Hayun, papalapit na sa dalampasigan. Kahit sa kaniya na lang maibigay itong sketch. “at Ms. Frida De Guzman,” narinig ni Frida sa kaniyang likod bago pa siya makahakbang papunta kay Gio. Nilingon niya ito. Siya na lang ang hinihintay sa bangka. Naroon na ang mga kasabay niya pabalik ng syudad. s**t. “Aalis na po tayo, Miss!” Nakita niya rin ang mga tao sa bangka na tila naiinip na. s**t, anong gagawin ko, tanong ni Frida sa sarili. Nag-panic siya. Gusto niya sanang sabihin na, “Kuya saglit lang,” pero nang hinanap niyang muli si Gio sa paligid ay hindi na niya ito makita? Nasaan nagpunta iyon? Halu-halo na kasi ang paaalis at parating ng Isla Anima. Sa kabila, may mga susundo, sa kabilang dako nama’y may mga sabik na barkada na umibis na ng bangka at sabik nang simulan ang bakasyon sa isla. Wala si Gio. Sumuko na siya. Malungkot siyang sumakay ng bangka. Sa kaniyang likod ay ang isla, where she spent one of the best moments of her life. Tahimik siyang nagpaalam dito. At saka niya isinilid sa bag ang tatlong frame na may sketch nilang tatlo. Paalam muna siguro. Hanggang sa muli. Hanggang sa muli.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD