CHAPTER XIV

2168 Words
CHAPTER XIV     DEAN     Dalawang araw matapos ang trip ni Dean sa Isla Anima ipinadala na ang skrip para sa huling pelikula na gagawin niya. Simula noon ay wala na siya ginawa kung hindi iyon na lang ang pagkaabalahan. Iyon ang ginagamit niyang coping mechanism at para ma-distract ang sarili sa dahil patuloy pa ring nanunumbalik ‘yung mga alaala nilang tatlo sa isla. Ganoon naman siguro talaga. Ito nga siguro ‘yung tinatawag na separation anxiety. Hindi naman siya talaga nahihirapan na magkabisado ng mga lines at mag-aral ng kaniyang karakter dati pero ngayon it was extra hard. Kasi everytime na may sasaktong linya sa kaniyang buhay sa skrip naiisip niya si Gio. Dahil nga isang gay film ang kaniyang proyekto, lagi niyang naalala si Gio, ‘yung kanilang pinagsamahang mga pagkakataon sa isla, lalo na ‘yung silang dalawa lang ang magkasama. Minsan si Gio ang nai-imagine niyan kasagutan sa skrip. Paano nga kaya kung si Gio ang kapartner niya sa pelikulang ito, ‘no? Hindi. Hindi makakatulong. ‘Yung karakter ni Dean sa pelikula ay may ex-girlfriend. Dito naman niya naaalala si Frida. Magkaiba man ang physical description nila pero kung paano magsalita si Frida ay kuhang-kuha nito ang personalidad niya. Minsan nga iniisip niya na baka si Frida ang nagsulat nito kahit hindi naman. Hindi pa naman ni Frida pinapasok ang industriya ng pelikula. Dumating ang araw ng script-reading. Lahat ng cast ng pelikula ay naroon na sa isang room upang basahin ang script. Parang rehearsal na rin nila ito. Naroon na rin si Jeremy, ang co-actor at ka-love team ni Dean at si direk Erik na kasama niyang pareho sa Isla Anima noong mga unang araw niya doon. “Tell me, what’s the problem,” tanong ni direk Erik matapos ang script-reading. “Parang wala ka sa sarili mo? May nangyari ba no’ng iniwan ka namin sa isla?” Sinusubukan naman ni Dean na galingan at ibigay ang kaniyang makakaya. Lagi niyang ipinapaalala sa sarili na ginagawa niya ito dahil may gusto siyang patunayan. Huling proyekto na niya ito. He can’t f**k it up. Kahit gusto niyang magsabi sa direktor niya, hindi niya alam kung paano. Mataas ang expectations sa kaniya lalo na’t siya si Dean Valli. He’s an award-winning actor. Kailangan ma-embody niya mismo ang karakter. Kailangan perfect. Kailangan pagtapat sa kaniyang ng kamera hindi na siya si Dean Valli. “Sorry, Direk,” iyon lang ang nasabi ni Dean. Guilt ang nararamadaman ni Dean. Pero bakit? Dahil ba sinang-ayunan niya ang desisyon ni Frida? Dahil pakiramdam niya iniwan nila sa ere bigla si Gio? Nagi-guilty ba siya na ginawa nila iyon? Nasira nga ba talaga silang tatlo sa isa’t isa dahil nag-s*x sila? ‘Di ba’t s*x was supposed to bind them together? Pero the three of them? It’s almost…unacceptable. But he can’t just deny the connection and genuine feelings he have for the two of them. Seriously, he won’t be able to choose kung papapilin man siya. “f**k!” sabi niya out of frustration saka ibinagsak ang 100-page na script sa kaniyang bedside table. He can’t do it. He keeps on forgetting his lines. Two weeks na lang bago ang shoot. Everybody on the team is preparing already. May mga teasers na rin for publicity. Announced na sa public na siya ang gaganap. Sabog na rin ang kaniyang mga notifications sa social media dahil sa mga fans at mga kaibigan sa industriya na sabik na siyang makitang muli sa big screen. Hindi na siya pwedeng mag-back out dahil lang may nararamdaman siyang mali at personal. Kailangan niyang maging professional. Inisip na lang niya na lilipas din ito. Binigyan niya ang sariling ilang araw at saka ipinaalala ang mga bagay na kailangan niyang ma-achieve. He will leave this industry with grace, with people still respecting him because of his craft. After all these, he will settle. May savings na siya. Sapat na iyon para makapagtayo kahit maliit na business. Iyon ang kaniyang ginawang mantra araw-araw.     FRIDA       Halos ganoon din ang sitwasyon ni Frida. Bakit kahit ilang araw na ‘yung nakakalipas ay ‘di pa rin mawala o mabawasan ‘yung mabigat na pakiramdam niya? Dapat she’s capitalizing na on all the emotions na nararamdaman niya ngayon through writing but she feels guilty on the thought of it. Dapat ba? Deserve ba ng mga totoong pakiramdam na iyon na magamit lang sa mga isinusulat niya? Pakiramdam ni Frida na parang ine-exploit niya ito, o niro-romanticize masyado ang mga nangyari. She can’t write anything and this isn’t just a simple writing slump or writer’s block. This is heavier. Akala niya nakapag-uwi na siya ng magandang materyal para sa kaniyang mga isusulat pero wala. Wala pala. Mayroon lang sigurong mga emosyon na hindi pa kayang maging salita sa pahina. Pero kahit hintayin niya, lalo lang bumibigat. Kinakain na ba siya ng guilt? Selfish ba ang kaniyang naging desisyon? Hindi naman, ‘di ba? Gusto niyang isipin na matapang at para sa kanila rin naman ang ginawa niyang desisyon pero sa tuwing makikita niya ang tatlong frame na naka-display ngayon sa kwarto niya, nakakaramdam siya ng malaking pagsisisi. Ibinaba na niya ang tatlong frame. Hindi nakakatulong. Hindi pa rin niya binubuksan ang email simula no’ng makabalik siya sa kaniyang apartment sa syudad. Hindi pa siya handang harapin muli ang mga mensahe ng mga kliyente, agent at publisher. Hindi pa rin siya handang harapin ang tunay na mundo kahit narito na siya physically. Bakit, totoong mundo rin naman ang Isla Anima, ‘di ba? Totoong mundo pa rin naman iyon. Kahit naman isla iyon, it’s still real. Kahit naman kaunti lang ang mga tao roon at mas matahimik ang kapaligiran, it’s still real. Wala pa rin siyang lakas na loob na tingnan ang social media accounts niya dahil sa likod ng isip niya maaaring may bagay na naroon na hindi niya papangaraping makita kahit kailan. She tries to survive carrying this heavy feeling. And the fact na malaki ang posibilidad na hindi na sila muling magkikita nila Dean at Gio makes it even harder for her to deal with it. E, ginusto naman niya ito, ‘di ba? This is for all of us, isip niya palagi. Please, this too, shall pass. Lagi niya itong sinasabi sa sarili. She needs her comeback. Iniisip niya palagi ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa isla. Hindi para makilala si Gio o si Dean. Hindi. She was soul-searching. Naghahanap din siya ng magandang materyal. Nagtagumpay ba siya? Naalala niya ‘yung huling sinabi niya kina Dean at Gio, na alalahanin lang kung bakit sila andoon sa isla in the first place. Para sa kanilang sarili. Pakiramdam ni Frida mas lumala lang ang kaniyang sitwasyon pagkatapos ng kaniyang bakasyon. Ano ba dapat ang solusyon? Nagtinginan sila ng baseball cap na ibinigay ni Gio sa isla. “I AM.” Weird, pero ibinigay nito ang sagot. Ako. Ako ang solusyon sa mga problema ko. Ako ang may hawak ng buhay ko. Ako dapat kumontrol sa bawat desisyong gagawin ko, isip ni Frida. Paulit-ulit. The film that she’s writing is supposed to be her comeback pero it feels so wrong habang binabasa niya ‘yung storyline na naisulat niya. Pinagbasehan niya kasi doon ang katauhan nina Dean at Gio. Sa tuwing maaalala at mababasa niya ay lalo lang nagiging mabigat sa pakiramdam. Kaya napilitan siya ngayon na umisip ng bagong storyline, ng bagong konsepto pero kahit isang salita ay wala siyang maisulat. Ilang araw na silang nagtititigan ng cursor at at blangkong pahina ng Google Docs. Wala pa ring lumalabas. Ilang kaha na ng sigarilyo ang naubos niya at puro iyon na lang ang ginagawa niya buong araw. Wala pa rin. s**t, she can’t be in this shithole again. Nakita niya ang sarili na malaki na sa kaniyang timbang ang nabawas. The last time na nagkaganito siya ay dahil sa pambabash ng mga tao sa kaniya after ma-release ng kaniyang latest book na collection of essays. Isang buwan din siyang nagkulong lang sa apartment at na-depress. Frida always feels like she’s running out of time. f**k, ang hirap-hirap mag-isa. Paano ba siya makakabalik sa normal?       GIO     Ilang taon na rin ang huling karanasan ni Gio sa pagtatrabaho sa opisina kaya tila bago ito ngayon sa kaniya. Iba ang pakiramdam na nakaupo sa sariling cubicle, nakaharap sa computer. Everything feels stable…pero sa labas lang. Itinatago lang niya sa mga bagong katrabaho na he’s actually not ok. Siguro, sepanx lang ‘to, pero bakit ang tagal? Lagpas isang linggo na. Dapat naka-move-on na siya. His workmates are starting to wonder na rin kung talaga bang mailap lang sa mga tao sa Gio o dahil baka may problema ito. “Sabay ka sa aming mag-lunch?” ilang beses na itong tanong ng isa niyang ka-team. “Pass muna siguro. Sige lang mauna na kayo,” sagot lagi ni Gio. Minsan hindi rin kakain si Gio at magmumukmok na lang sa kaniyang cubicle. Baka nga kasi naga-adjust lang siya work environment kaya ganoon. He can still remember how he was left behind in that floating breakfast. It was supposed to be romantic or special at the least, tapos birthday pa niya kaya ang lungkut-lungkot. Noong magkwento siya sa kaniyang kapatid at sa ina, normal lang ang lahat. Hindi siya ganoon kasigla na nagkwento. Simpleng “ok lang, eksayted na ako sa bagong trabaho. Feeling ko na-recharge ako after ng bakasyon.” Mga ganyan lang. Wala siyang nabanggit tungkol kay Dean o kay Frida. E, paano ba kasi niya sasabihin iyon? Iniisip pa lang niya, nai-imagine na niya ang pagkagulantang ng kaniyang ina. Iniisip niya, what if nagpaka-selfish siya noong pagkakataon na iyon at ipinilit na they should still stick together depsite the clues and cruel stares of other people, magigigng masaya kaya siya ngayon? Magkakasama kaya sila? Isa pa, hindi naman napatunayan na may nakakita o nakaalam, ‘di ba? Siguro nga kung nagpaka-selfish siya hindi siya naiwan. Teka, e kaya nga siya nagpunta doon kasi ayaw na niyang maging makasarili, na iisipin na niya ang kapakanan ng ibang tao, ‘di ba? How ironic. And he made the right decision but why does it feel so wrong? Ano ba kasi ang endgoal niya? Sinubukan niyang alalahanin ang gusto niyang makamit niya noong nasa isla. Yes, I made the right decision, isip ni Gio. Pero ngayon, ‘di niya maiwasan na makaramdam ng kaunting galit kina Frida at Dean. Gano’n gano’n na lang pala. After all, iniwan lang siya sa ere. Ang toto niyan, nakita niya si Frida noong pauwi na pero nagkunwari siyang hindi niya ito napansin. He wanted her to feel kung paano ma-ignore, kung paano maiwan. Parang gusto niyang gumanti nang hindi nari-realize. Nagtago siya noon sa mga tao. He knows na gusto ni Frida na makita sila ni Dean one last time pero hindi niya hinayaan ito na mangyari. Nakita niya rin si Dean at nagkatitigan pa nga sila ng ilang segundo pero lumingon palayo agad si Gio. Nagpaalam naman na sila noong umagang iyon sa breakfast. Wala na dapat pag-usapan. Kung gusto man nilang makausap si Gio dapat hindi nila ginawa ang desisyong iyon. Gio was just being fair. “We may work behind all the campaign but still, we’re also ambassadors of our clients. We always have a responsibility to be a good example as brand ambassadors. After all laging nakakabit sa atin ang pangalan ng kompanya. So, if I were you, delete all the unnecessary shared posts or tweets on your social media account bago pa makita ni boss ‘yan.” sabi ng supervisor ni Gio sa kanialng team meeting. Wala naman dapat ipag-alala si Gio dahil madalang naman siyang mag-share ng kung anu-ano sa social media. Hindi naman niya ugali iyon. Pero somehow, kinabahan siya sa sinabi na iyon.     Sa isang evening news program ng isang TV station. Ang headline: Threesome video scandal, pinagpipyestahan sa internet. “Kumakalat ngayon sa internet ang isang malaswang video ng diumanong isang aktor at isang writer kasama ang isang dating commercial model sa isang isla.,” sabi ng news anchor. Saka bahagyang ipinakita sa screen ang ilang parte ng halos isang oras na putul-putol na video. “Makikita sa video na lasing na lasing ang tatlo at naghahalikan nang salitan sa gitna ng dance floor. Matutunghayan din na sinundan ito ng kumuha ng video papunta ng kanilang villa upang magtalik.” Makikita na mula sa bintana ng villa nag-video ang kumuha. Kitang-kita silang tatlo at ang mga mukha nila. “Hindi pa nakukuhanan ng panig ang mga hinihinalang nasa video. Sabi ng mga netizens malinaw naman na sina Dean Valli, award-winning actor, Frida De Guzman, isang writer at Giovanni Cruz na isang dating commercial model ang nasa video. Patuloy na makikipag-ugnayan ang istasyon sa mga nasabing sangkot upang makuha ang kanilang panig.” Namatay ang TV kung saan.   Kinabukasan, may memo na agad sa cubicle ni Gio na nag-uutos na makipagmeeting sa kaniyang mga supervisor. EXTREMELY URGENT ang label nito. Bakit kaya? Inisip niya kung anong maari niyang mali. Hindi niya napanood ang balita kagabi.   Tuluyan nang naglakas ng loob magbukas si Frida ng social media. Halos mag-hang ang kaniyang phone at laptop sa dami nito. Napakaraming mentions at tags sa kaniya sa i********:, f*******: at Twitter. Pati na rin sa email niya. Halos umabot ng isang libo ang bawat notifications sa bawat account. Hindi niya alam kung saan magsisimulang magbasa. Hindi niya rin napanood ang balita kagabi.   Nagising si Dean na may 85 missed calls sa kaniyang manager, 67 missed calls sa kaniyang direktor at 205 mula sa kaniyang mga kaanak, pamilya at kaibigan. Bakit kaya? Anong nangyayari? Hindi niya rin napanood ang balita kagabi.     Magkakalayo man silang tatlo, iisa ang kanilang kabang nararamdaman.                                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD