CHAPTER XV

2549 Words
CHAPTER XV     GIO     Damang-dama ni Gio ang lamig ng buong conference room. Nag-iisa lang kasi siya sa loob habang naghihintay sa kaniyang supervisor. Magmi-meet daw sila ng 10:00 AM. Hindi pa rin niya alam ang dahilan pero iba ang kaniyang kabang nararamdaman. Pinagpapawisan na ang kaniyang mga palad at hindi siya mapakali sa pag-upo at patgtayo sa pwesto. Anong nagawa niya? Pinilit niyang inisip kung may nagawa ba siyang mali sa mga reports at sa mga campaigns na tinulungan niyang binuo sa mga unang linggo niya sa trabaho. Lowbatt ang kaniyang cellphone. ‘Di niya kasi na-charge, pero bakit naman malo-lowbatt ‘yun, e, 60% pa ‘yun bago siya matulog. Ah, ‘di niya kasi napatay’yung WIFI kaya baka may mga apps na running sa background. ‘Di na niya nai-charge dahil sa pagmamadaling pumasok. Bakit nga kaya? ‘Di kaya-- Saka bumukas ang pinto ng silid. Pumasok ang isang babae na nasa 50s. Ito si Mrs. Geneva. Siya ‘yung tipong strikto at perfectionist na supervisor. ‘Yung klase ng boss na hindi masyadong nakikihalubilo sa mga subordinates dahil masyadong focused sa trabaho. May mga hawak itong papel. “Good morning, Ma’am,” bati ni Gio saka tumayo sa kinauupuan. Hindi siya pinansin ni Mrs. Geneva. Hinanap nito bigla ang remote at saka sinindihan ang TV sa loob ng silid. Nag-play ang isang clip ng news report tungkol sa eskandalo sa isla na umere kagabi. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Gio habang pinapanood niya ang video, at mas malala ay alam na ni Mrs. Geneva. Nag-play ang pamilyar na tagpo. Silamg tatlo nila Dean at Frida sa dancefloor nagsasayaw sa saliw ng kantang Love My Way, lasing na lasing, they were making out and naputol ito pagkatapos nilang makarating sa villa dahil sensitibo na ang nasa video. Hindi makagalaw si Gio sa kaniyang pwesto. Alam na rin kaya ng mga katrabaho niya? Bakit ba kasi hindi siya nanonood ng balita ‘pag gabi? f**k.  Sino namang gagawa noon? Sinong namang magvi-video sa kanila? Nangyari na nga ang pinakakinatatakutan niya, ang kinatatakutan nila Frida at Dean. Gusto niya biglang tumakbo palabas ng silid para takasan ang kahihiyang nadarama. Ang daming pumapasok sa utak ni Gio. Pilit niyang inalala ang gabi. Sino namang gagawa sa kanila no’n? Sino namang magtatangkang sumira sa kanila? At saka niya naalala. ‘Yung ilaw sa kaniyang peripheral vision. ‘Yung ilaw na halos laging nakasunod sa kanilang tatlo. ‘Di kaya-- “Mr. Cruz!” Napalakas ang boses ni Mrs. Geneva. Mukhang kanina pa niya tinatawag si Gio pero dahil tulala si Gio hindi niya ito narinig. “Po?” “Was this you?” halos manlisik ang mga mata ni Mrs. Geneva. Malinaw naman na si Gio ang nasa video kahit madilim. Siya iyon. Hindi maipagkakaila. Gusto niyang magalit. Gusto niya ring sigawan si Mrs. Geneva dahil obvious naman na siya iyong nasa video. Pero walang mga salitang lumabas sa bibig ni Gio. Napayuko lang siya. Gusto niyang maiyak at magalit at tumakbo at sumigaw. Napaupo si Mrs. Geneva sa isang silya at napahawak sa kaniyang sintido. “Kaninang umaga pagkapasok ko, halos mag-hang ‘yung aking computer dahil sa dami ng emails and notifications sa account ng company. They were sending screenshot from the video. Apparently, they already stalked you. They already knew about you. Halos lahat. Even the company you work for.” Iisa ang tono ng boses ni Mrs. Geneva. Pinakinggan lang ni Gio kung paano gumuho ang kaniyang mundo sa kaniyang harapan. “We can’t afford to have this kind of humiliation, Mr. Cruz. I am sorry I have to fire you.” Nilisan ni Mrs. Geneva ang conference hall at iniwan ang mga kailangang dokumentong pirmahan ni Gio para sa kaniyang pag-alis ng kompanya. Ganoon kabilis. Naramdaman niyang tumulo ang kaniyang luha. Habang pinipirmahan niya ang mga papel hindi niya maiwasang pagsisihan ang lahat. Dahil lang sa isang pagkakamali. Pagkakamali nga ba? Paglabas niya ng conference room, pinahiran niya agad ang luha dahil pinagtitinginan agad siya ng mga iba niyang officemates. s**t. “Oh my god, siya nga.” “s**t, threesome?” “Confirmed, siyang siya mo.” Binilisan ni Gio ang pagliligpit ng kaniyang mga gamit sa cubicle. Inilagay niya itong lahat sa kaniyang bag. Nakita niya na binigyan siya ng matipid at malungkot na ngiti ng katabi niya sa cubicle. Iyon ng kanilang unang interaksyon. Para bang awang-awa ito sa naging sitwasyon ni Gio. “Salamat,” bulong niya rito. Saka niya nilisan ang opisina at building. Pag-uwi niya sa kaniyang apartment inabot niya ang unan saka doon sumigaw. Halos malatin siya. Gusto niya lang ilabas lahat. Pumunta siya sa isla kasi gusto na niyang iwanan ang dating pangarap pero bakit ngayon na nagsisimula na siya ay ganito pa ang nangyari. Ano bang nagawa niyang mali? Ano bang kasalanan niya sa mundo para iparanas ito? Gusto niyang sisihin ang sarili kasi bakit hindi niya namalayan na may nagvi-video na pala sa kanila. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil nalasing siya. Gusto niyang sisihin ang sarili na bakit pa niya nakilala sina Frida at Dean. Wala naman sa plano ‘yun, e. Gusto niyang sisihin sina Dean at Frida. “Ang tanga tanga ko!” sigaw niya sa sarili. Inabot niya ang charger ng phone saka ito isinaksak upang magamit. Unang beses na magkaganoon ang notification sa kaniyang mga social media accounts Nakita niya ang mga balita, ang mga headlines, may nakita pa siyang photo niya na galing sa dati niyang commercial at edited kasama ang mga picture nina Frida at Dean ta’s may text na, “The more the merrier! PM me for link,” Inireport niya agad ang post na iyon at saka ang iba pa niyang nakita. Saka niya na-realize na halos walang magagawa iyon dahil kalat na kalat na ang nangyari. Nagpunta siya sa mga messages. Daan-daan ito. ‘Yung mga dati niyang kaklase at katrabaho ay may mensahe sa kaniya. Nagtatanong kung siya nga ba ‘yung nasa video. Hindi niya muna ito pinansin. May message sa kaniya si Geraldine. s**t. “Kuya, totoo ba na ikaw ‘yon? T_T” sabi lang nito. Ilang missed calls na rin pala mula kagabi ang ginawa nito sa kaniya. Seenzone. Hindi alam ni Gio ang sasabihin sa kapatid. s**t. Malala na ‘yung sitwasyon. Naisip niya ang kaniyang ina. Alam na kaya niya? Please, ‘wag muna. Kapag nalaman ng ina, malalaman na rin nito ang tunay na kasarian ni Gio. Pleas, ‘wag muna. Hindi pa handa si Gio para dito. Sa unang pagkakataon, hindi alam ni Gio kung ano ang gagawin.         FRIDA       Pang-apat na kaha na ni Frida ng sigarilyo. Hindi pa rin siya lumalabas ng apartment ni kumakain. Nag-panic attack na siya kanina. Ngayon pinapakalma na niya ang sarili. Wala na siyang nagawa. Nangyari na ang pinakakinatatakutan niya. She scrolled through her timeline. Hindi niya maiwasan na matukso na tignan kung anong iniisip ng ibang tao. There were memes. There were people who are trying to spread the video. May ilan siyang kakampi na kinukundena ang pagkakalat ng pribadong bidyo. Gusto niyang mag-post. Gusto niyang murahin ang mundo. Gusto niyang komentan lahat ng magpo-post o magbibiro tungkol sa bidyo pero ang sabi ng kaniyang literary agent ay ‘wag muna niyang pansinin. Natanggap na rin nito ang sitwasyon ni Frida. s**t happens. Iniisip na lang ngayon ni Frida na imposible nang mangyari lahat ng kaniyang gusto at pangarap. She’s hopeless. Sira na nga siya, lalo pang nasira. Wala nang redemption arc. Tapos na ang kaniyang kwento at trahedya ang ending nito. “This self-proclaimed feminist writer was involved in a three-way s*x scandal. ‘Yung isang ka-threesome nila ay si Dean Valli pa. He’s openly-gay actor. How dare she? Anong klaseng pang-aakit kaya ang ginawa nitong self-absorbed full of s**t wRitEr na ito? My god. What a slut.” sabi ng isang post. Kaagad itong in-angry react ni Frida dahil nanginig siya sa galit nang mabasa ito. Naluluha na rin siya. Gusto niyang magbasag o magwala. Putangina. Hindi pwede. Hindi pwede ‘to. Kailangan niyang may gawin. Pero bago iyon, tinanggal muna niya ang kaniyang reaction sa post. Kailangan niyang makita at makausap ulit si Dean at Gio. Kailangan nilang makaisip kung paano malilinis ang kanilang pangalan. Hindi susuko si Frida. Kinuha niya agad ang kaniyang bag saka dinala mga dapat na dalhin. She wore the baseball cap Gio gave her. Alam niyang madali siyang makikilalang mga tao sa publiko lalo na’t posted na ang kaniyang mukha all over the internet. Paglabas niya ng apartment may mga sasakyang nakaparada sa labas. Saka niya na-realize kung sino ito dahil sa logo na nakapinta sa mga ito. Logo iyon ng mga istasyon ng TV at news programs. Bago pa niya mapagtanto ang lahat at makabalik sa apartment pasugod na sa kaniyang ang mga reporters. The next thing she know may mga mikropono na malapit sa kaniyang mukha at nasisilaw na siya sa ilaw at dami ng kamera sa paligid. Lahat sila ay interesadong malaman ang side ni Frida tungkol sa eskandalo.       DEAN     Pinuntahan agad ni direk Erik si Dean sa bahay nito. Mag-isa lang doon si Dean dahil nasa ibang bansa ang mga magulang niya. Nalaman na ng mga ito ang tungkol sa eskandalo at nagsabi kay Dean na uuwi ito ng Pilipinas sa lalong madaling panahon. Naroon si Dean sa living room ng kaniyang mala-mansyong tinitirhan, mag-isang umiinom ng alak. Hindi pa kumakain ni naliligo. Wala ang mga kasambahay, o baka ayaw lang lumabas dahil natatakot sa kung anong gawin o masabi ng kanilang amo. “So, ito pala ‘yun,” sabi ni direk Erik sa kaniya. Hindi makatingin si Dean sa kaniya ng diretso. Tinutukoy ni direk ‘yung sitwasyon ni Dean na kaya pala ito hindi makapagpokus sa proyekto nila. Hindi pa rin nagsasalita si Dean. “Alam mo naman na halos normal na sa mga artista na masangkot sa mga ganitong scandal,” sabi ni Direk, umaasa na maaalo ng mga salita niya si Dean. “at alam mo rin na kailangan nating magpatuloy despite all these.” Uminom ng alak si Dean. “Hayaan mo, ilang linggo lang mawawala na rin ‘yan. Nakausap ko na rin naman na si Marjorie.” Ang manager ni Dean. “C’mon, Dean. Hindi naman pwede na ganyan ka na lang. Darating ang media. Kailangan nating planuhin ang mga isasagot mo sa bawat pwede nilang itanong.” Wala pa ring sagot si Dean. Ilang saglit ay dumating na rin si Marjorie sa bahay ni Dean. Kalmado naman ito dahil matagal na itong humahawak ng mga artista at alam niyang dagdag ito sa publicity ni Dean. Ang kailangan lang ay maiayos kung paano ito iha-handle. Nagalit naman na siya sa tawag kaninang umaga kay Dean kaya wala nang rason para magalit pa siya ngayon. Ang kailangan nilang gawin ay magplano. “We have to plan everything,” sabi ni Marjorie. She’s strong woman in her late 40s. Dati rin siyang artista in her teens pero nag-quit na at nagdesisyong magha-handle na lang mga talents. Isa na rito si Dean. “Lahat ng nagre-request ng interview, ti-nurn down ko muna,” panimula ni Marjorie. “Ngayon, we need to reach out to those two na kasama mo sa video--” “Marj, I don’t think kailangan pa ‘yan. We can settle this on our own and besides, those are hook-ups lang naman--” sa unang pagkakataon na nagsalita si Dean. “No! They’re not just hookups!” halos maisigaw ni Dean. Hindi basta-basta nakilala lang ni Dean si Gio at Frida. Hindi lang sila panandaliang kaligayahan sa isla. “E, ano pala ‘yun? ‘Di mo naman sinabi na you’re into girls na pala? People are confused right now!” sabi ni direk. “Pwede bang linawin mo ang ibig mong sabihin, Dean?” tanong ni Marjorie. Huming muna siya nang malalim, “They’re my friends,” “Friends lang? Parang ‘di yata ‘yun ang sinasabi ng video, Dean.” usal ni direk. “I mean, something more than that, I think.” “Oh my god, Dean. Ano, pagagalitin mo na naman ako. Nababaliw ka na ba? Dalawang tao? Ano ‘yun pareho mong jowa?” sabi ni Marjorie “Hindi niyo naiintidihan,” sabi ni Dean. f**k, he’s getting frustrated in this situation. Gusto niya na lang mapag-isa. Kahit gusto niyang ipaintindi kina direk at Marjorie hindi niya alam kung paano sasabihin. “Talagang hindi namin maiintindihan, Dean. You came out as gay and then people will see you making out with some weird writer girl--” “She’s not weird.” “Ok, fine! Sorry. And then, hindi lang sa isa. You were having s*x with two people. Sa porn mo lang mapapanood ‘yun,” sabi ni direk. “You don’t understand,” saka nag-walkout si Dean at nagpunta sa kwarto, Nagbukas siya ng cellphone at unang tumambad sa kaniya ay ang video clip ng isang ambush interview kay Frida. Napansin niya na she was wearing the baseball cap that Gio gave. Halatang tense ang mukha ni Frida at iniiwas ang sarili sa crowd ng reporters. Halos sabay-sabay ang mga tanong sa kaniya at hindi niya alam kung anong uunahing sagutin. “Totoo ba na ikaw ang nasa video kasama si Dean Valli?” “Ano pong masasabi niyo sa mga nangba-bash sa inyo?” “Any comments po sa kumakalat na video?” “Ma’am, can you confirm that you were the one who was on that video--” “Totoo po bang ang mga sabi-sabi na kayo rin mismo ang nag-upload ng video kasi, you specifically want to become relevant again in the liter--” Nagpintig ang tainga ni Frida at napasigaw ng “NO!” Saka niya hinawi ang mga grupo ng reporters sa kaniyang daan para makaabante.That reporter hit a nerve. Puro “No,” lang sagot ni Frida sa bwat tanong sa kaniya. Wala siyang naririnig. Parang in a moment nabingi siya at nawala sa sarili. Hindi ito ang pagkakakilala niya sa sarili niya. Ipinakita sa video na pumara si Frida ng taxi at nilisan ang lugar. Nagtaka si Dean sa nangyaring ambush interview. Walang-wala sa sarili si Frida. Anong tumatakbo sa isip niya? Nang mag-scroll pa si Dean sa kaniyang timeline ay may nakita siyang headline; “Feminist-writer denies involvement in three-way s*x scandal,” Napa-what the f**k na lang si Dean. s**t, lalong pinalala ng media ang situation. Alam na kaya ito ni Frida? Malinaw naman para kay Dean na hindi sinasadya ni Frida na sabihin ang “no” sa ambush interview. Alam ni Dean na ang sagot na iyon ay para sa tanong kung ginamit nila ang video para maging relevant si Frida sa literary scene. Hindi ito ang nangyari. Kilala niya si Frida at alam niya ang tunay na nangyari. Lumabas siyang muli sa kwarto upang balikan sina direk at ang kaniyang manager na nasa living room pa rin at kumakausap ng kanilang mga koneksyon. “Nakausap na ni Marj si Frida through her agent. Binigay na namin ang address mo and she’s on her way na rito,” salubong sa kaniya ni direk. “But the news,” sabi ni Dean. Saka niya ipinakit ang cellphone kay direk. “They’re saying na idineny niya. And it got a lot of comments.” It did. Pinakamarami ang angry reactions sa mismong post and people are telling na “Dineny pa niya e halatang-halatan naman na siya ‘yung nasa video. Matched lahat ng tattoo at piercings niya.” “f**k,” sabi na lang ni direk. Naroon si Marjorie sa isang sulok at may kausap. Nang matapos ay lumapit kina Dean. “I talked to Gio Cruz. Willing siya na pumunta ngayon dito. I gave him the address. He’ll be here in a few hours,” balita ni Marjorie. Nagkatitigan silang tatlo. “And oh, he mentioned na he just lost his job this morning.” “Putangina!” ‘yun na lang ang nasabi ni Dean. Nangyari na nga ang kinatatakutan niya. Nasira na nila ang mga plano ni Gio sa buhay. Inabot ni Dean ang isang vase sa mesa at inihagis at nabasag dahil sa frustration. Umalingawngaw sa buong bahay ang pagkabasag ng vase. “Dean, calm down!” sigaw ni Marjorie. Saka sumaklolo sa binata si direk. Hindi niya magawang masabik dahil alam niyang makikita na niyang muli sina Frida at Gio. Gio lost his job. Media are telling Frida denied the obvious. People are against them. They ruined each others’ plans. Somehow, sinisisi ni Dean ang sarili. They are in a deep s**t, isip ni Dean.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD