CHAPTER XVI
GIO
Halo ang kaba at excitement ni Gio habang papasok siya sa bahay ni Dean. Bago muna iyon ay namangha muna siya sa laki ng bahay nito. Ganito siguro talaga ‘pag sikat na artista at malaki na ang kinita at naipon. Nangingibabaw ang kulay puti sa interior ng bahay ni Dean kaya malinis tignan. Mukhang ‘di masyadong nagagamit ang mga furniture dahil kakaunti lang ang nakatira. Si Dean lang at ilang kasambahay. Malaki nga ang bahay ngunit parang lungkot ng atmospera.
Pero noong hapong iyon, alam niyang mapupuno ito ng mga boses, mga salita nila nina Dean, Frida, direk Erik at manager ni Dean na si Marjorie. Alam niyang mahaba-haba ang magiging usapan sa pagitan nila.
Sabik na siya muling makita sina Frida at Dean. Akala kasi ni Gio huli na talaga ang sa isla. Na iiwanan na nila lahat ng alaala at pati na rin ang pagkakaibigan doon. Pero tila patuloy silang pinag-uugnay ng tadhana ngunit hindi sigurado si Gio kung gusto niya ang paraan na ginawa ng tadhana.
Nakatingin silang lahat pagpasok ni Gio sa bahay ni Dean. Lahat sila nakaupo na sa living room at siya na lang ang hinihintay. Parang nasa isang mahalagang pulong silang lahat.
Hindi niya mabasa ang ekspresyon nina Frida at Dean. Hindi rin ito makatingin nang diretso sa kaniya. Abala ito sa pagtingin sa mga cellphone nila. Siguro’y tinitignan ang mga recent na news, updates at mga reaksyon ng mga tao sa kanilang video.
Sa totoo lang gusto niyang magalit. Mabigat pa ang kaniyang pakiramdam na nawalan siya ng trabaho dahil sa kanila. Aminado naman siyang may kasalanan din siya sa sitwasyon pero bakit kailangang pati siya madamay? Bakit pati ang personal na buhay plano niya kailangang masira?
Inisip na lang niya nandito siya para ayusin ang mga bagay at inalis na sa isip ang mga posibilidad ng rekoneksyon sa kanilang dalawa.
“There you are,” sabi ni Marjorie saka pinaupo si Gio kasama sila. “So, pumayag ako sa isang late night talk show na magpapa-interview ka for the first time, Dean.”
Lahat sila ay nakikinig ng maayos kay Marjorie.
“Pero before that, kailangan muna naming malaman lahat ng nangyari. Mula sa simula, at least for us ni direk kasi for sure alam niyo naman lahat ng iyon. At we will not deny na kayo nga ang nasa video,” napatingin si Marjorie kay Frida.
Alam na rin ni Gio kung bakit. Ang interpretation kasi ng media sa ambush interview ni Frida ay itinaggi nito ang mga involvement sa video kahit naman malinaw na siya ang naroon.
Nagtinginan silang tatlo saglit, pero hindi na iyong tinginan nila noong nasa Isla Anima sila na puno ng pagkagusto sa isa’t isa. This time, they look at each other coldly, na parang hindi sila magkakaibigan, na parang walang espesyal na koneksyon sa kanilang tatlo.
Ganito nga ba talaga kabilis mawala ang isang bagay na mabilis ding ibinigay? Tanong ni Gio sa sarili.
FRIDA
Nagprisinta si Frida na siya na ang magkekwento ng lahat ng nangyari. Hindi muna niya inisip lahat ng sinasabi ng mga tao sa social media. Mas mahalaga ‘to. Everything that will happen after this will dictate the course of their lives. Huminga siya ng malalim.
“So, I first met Gio sa Isla Anima. It was my third day. It was his first day. I approached him,” tahimik na pagkekwento ni Frida. Lumingon ito saglit kay Gio. Walang ekspresyon. Pareho nilang inaalala ang mga unang nangyari sa isla. “I approached him because I was feeling lonely and I needed someone to talk to.
“He was nice to me though a little bit reserved at first pero noong nagsimula akong mag-open sa kaniya we kinda…connected. Naka-relate kami sa isa’t isa.”
Katahimikan.
“And nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang gabi. Nagpaalam na sa isa’t isa. And then that madaling-araw I met Dean. Lasing na lasing siya noon.”
Tumaas ang ulo ni Dean at nagkatinginan sila ni Frida at direk. Naalala ni direk na that was the night na nag-iinuman sila nila Jeremy sa villa nila.
“He passed out and I brought him sa infirmary. Noong nagising siya we talked. We opened up--”
“Ganoon ka ba talaga sa lahat ng bago mong nakikilalang tao?” Medyo nawiwirduhan si Marjorie kay Frida.
“Uhm, yeah. I guess I’m an open book. Sa totoo lang naman, I was on a deserted island with almost everyone soul searching--”
‘Soul searching? Naniniwala pa kayo doon? Kayo talagang mga bata kayo,” komento ni direk.
Napaigtad si Frida sa salitang ‘bata’. She’s not a kid anymore. Hindi na lang niya ito pinansin saka ipinagpatuloy ang kwento.
“So, I feel like that was a safe space for people struggling with their own identity.
“That was how the friendship started. I met them separately over the course of the vacation and then one day nalaman ko na lang na they knew each other na pala even before Isla Anima,” nilingon niya pareho ang dalawang binata. “They met ata sa isang audition.”
“Audition,” nabigla si Marjorie. ‘Di nga pala niya ito alam. Tinignan niya si Dean na parang nanghihingi ng paliwanag kung bakit hindi niya ito alam.
Wala nang nagawa si Dean kung hindi umamin. Hindi na ito ang oras para maglihim pa. “Sa Filipinas Film Festival.”
Sabay na nagbigay ng reaksyon sina Marjorie at direk.
“What? How come na hindi ko ‘to alam?”
“I was there. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?” tanong ni direk habang hindi pa rin makapaniwala.
“Naka-disguise siya,” sabat ni Gio.
Lahat sila ngayon ay nakatingin kay Dean.
“I was trying to prove something,” paliwanag ni Dean.
“You don’t have to prove anything,” sabi ni direk.
“Hindi niyo naiintidihan,” sabi ni Dean. “And me not making it through the auditions prove something.”
“Pero paanong…nevermind.” Hindi makapaniwala si direk sa sinabi ni Dean. How come na ang isang katulad ni Dean ay hindi makakapasok sa auditions. Natahimik na lang siya at hinayaan na magkwento na lang si Frida.
“So, doon pala kayo nagkakilala sa auditions?” sabi ni Marjorie. Tumango naman ang dalawang binata,
“And then, after knowing that,” hindi na binaggit ni Frida na may nangyari pang kaunting sigalot sa kanilang tatlo upon Gio knowing Frida at Dean knew each other. That was personal at dapat manatili na lang sa kanilang tatlo. “We hung out a lot. And then nagsimula ‘yung connection sa aming tatlo. One night after the bonfire, we got really drunk. And then nagpunta kami sa party, then uminom ulit and then that happened.”
Umiling-iling si Marjorie.
“But…we knew everything that was happening,” pag-amin ni Frida. “We may be drunk but…it was consensual. Ginusto naming tatlo.” Saglit ay kinabahan si Frida na baka tumutol sina Dean at Gio. Buti ay mataman lang itong nakikinig. Tahimik at walang protesta sa kaniyang mga sinabi.
“So, that was it,” sabi ni Marjorie.
“Mayroon pa pala, after that night. We felt guilty of everything that happened. People around us started acting weird. Hindi namin alam kung nago-overthink lang kami or something pero ngayong nangyayari na lahat ‘to just confirmed that everything na inaakala namin ay totoo. At hindi ito makakatulong sa future plans namin kaya we made a decision to end everything there sa isla.”
“So, that was your breakup-ish sa situation?” sabi ni direk.
Ang absurd mapakinggan ng word na break-up gayong wala namang naging opisyal na sila.
“Pero how come the media are telling na dineny mo raw ang mga accusations?” tanong ni direk kay Frida.
“I did not. Ang dami-dami nilang tanong and I don’t know which one to answer. And then someone asked something,” nagdalawang-isip si Frida kung dapat pa bang malaman ito nina Marjorie and direk Erik. Si Dean at Gio lang ang nakakaalam nito. “I had to say no.”
“What was the question?” tanong ni Marjorie.
“Hindi na importante iyun. We just need her to--” singit ni Dean dahil pakiramdam niya ay hindi na komportable si Frida na pag-usapan pa pati ang personal niyang mga motibasyon at plano.
“Dean,” babala ni Marjorie. “We need to know everything para malaman natin kung papaano ang gagawin.”
“It’s alright, Dean,” sabi ni Frida. Pinilit niyang bawiin ang composure saka nagkwentong muli. “Someone accused us na kami raw ang nag-leak ng video para maging relevant kami and that was not true. Bakit naman namin gagawin iyon, ‘di ba?…I mean ako personally. To be honest, my image in the literary community is on the rocks. And nagpunta ako sa isla to soul search and to finally figure out how I can gain back the respect of my peers, colleagues, my fans and such. They thought that that was a desperate move to ask for attention. And that was not true.”
“You don’t need to do that,” sabi ni direk Erik kay Frida sa tonong nagpapayo. He was sincere. “I mean, you don’t to please everyone in your industry. Some will like you and some will not. It’s part of life.”
“Pleasing everyone is not my plan,” pagpapaliwanag ni Frida. Na-misinterpret siya ni direk. “You know, I was respected once in my…you know what? Forget about it.” Pagod na rin si Frida na magpaliwanag pa sa sarili. Sumuko muna siya. Gusto na lang muna niyang matapos ang lahat ng ito.
DEAN
“So, this is what we’re gonna do,” panimula ni Marjorie.
Ito naman talaga ang nagustuhan ni Dean sa kaniyang manager. Kaya niyang i-maintain ang composure under pressure. She’s tough and she will always know what to do lalo na sa mga ganitong sitwasyon.
“First, sa susunod na Biyernes magsh-shoot ng talk show. Live ‘yun. Dapat na nandoon ka Dean,” sabi ni Marjorie. “At ikaw rin, Frida.”
“What?” nabigla si Frida sinabi nito. Ganoon din ang iba sa kanila. Bakit kailangan pang sumama ni Frida? Para ma-bash pang lalo? Hangga’t maaari gusto ni Dean na ilayo sa public eye si Frida para ma-protektahan ito. Hayaang siya na lang ang pagdiskitahan ng mga tao.
“I’ve researched about you. You’re very well-spoken and known sa community ninyo. And I think you can handle it,”
“But you know na we can’t control what will other people will think of her,” sabi ni Dean.
“Dean, kailangan niyang aminin na siya ‘yung nasa video at mali ang interpretation ng media. I’m sure she can handle it.”
Napatingin si Dean kay Frida. Mukhang pinag-iisipan ang mungkahi ni Marjorie.
“Okay, I’ll do it,” sabi ni Frida.
“But you need to remove all these,” sabi ni Direk habang iminumwestra niya ang mga piercings sa mukha ni Frida.
“No,” matalim ang boses ni Frida. “This is who I am. At hindi ako maga-adjust for them.”
“Ok, sabi mo, e,” sumuko na rin si direk. That moment alam na niyang Frida is a strong woman.
“Ok, Gio will stay out of this picture,” tahimik lang si Gio sa tabi. “Para ‘di na rin siya masyadong ma-expose sa public eye, though, nangyari na nga ito.”
Nagi-guilty pa rin si Dean na nawalan ng trabaho si Gio. His image will forever be tarnished because of this scandal. Ang tanong, makakahanap pa kaya siya ng matinong trabaho after this issue? Alam niya sa sarili na he needs to do something for Gio. He can’t just let him go away with this na walang redemption man lang o maging normal muli ang buhay. Posible pa kaya iyon?
“Sasabihin niyo na kayo nga ang nasa video. You will simply confirm it.”
“But people will ask. Dean hooked up with a woman…and he’s gay,” sabi ni direk.
“Yeah, that’s why you need to tell them that--”
“Gender is fluid,” sabi ni Frida. “Na everything is not permanent. One day you think you’re straight and then the next day you think you’re not na. It’s complex. I’m bisexual and people who know me already know that. I’m a gender advocate so I can make a brief explanation about it.”
“Good,” sabi ni Marjorie. “But Uncle Boy will ask,” patungkol ni Marjorie sa host ng late night talk show. “What’s the deal with the both of you.”
Napaisip si Dean dito. Sasabihin ba nilang magpartner sila? Paano si Gio? E, kasama rin naman siya sa isyu.
“You can’t tell them na you’re together. Paano naman siya,” sabi ni direk sabay turo kay Gio. Tahimik lang ito at tila iniisip din kung anong pwede niya upang mapadali ang sitwasyon.
“Should we tell them that it was a mistake?” tanong ni Marjorie.
Napabuntung-hininga si Gio. A mistake? Was it?
Napaisip si Dean. Hindi iyon isang pagkakamali. Ginusto nila iyon pare-pareho. Frustrated na rin si Frida. Bakit ba sila napunta sa sitwasyong kailangan pa nilang ikonsidera ang sasabihin ng ibang tao?
“No,” sabi ni Frida.
“E, anong sasabihin ninyo?”
Saka napagtanto ni Frida na mas malawak na ang audience dito, sa platform ni Dean. Hindi ito katulad ng writing community na slightly mas bukas sa ganitong klase ng konbersasyon. Hindi ito kasing bukas niya sa mga ganitong usapin.
“Maybe we can say na it’s consensual. Na ginusto namin,” sabi ni Frida.
Narinig niya ang sarkastikong tawa ni direk, “And you expect people to believe that? Ano na lang ang magiging epekto niyan sa endorsements ni Dean? Na he’s into two persons at the same time? You think the public will accept that kind of relationship? Ugh, kids nowadays.”
Napatahimik silang lahat. Kahit mahirap pakinggan they need to consider what direk said. Ilang saglit ay binasag ni Gio ang kaniyang katahimikaa.
“Pwede niyo namang sabihing na you’re a couple. Hayaan niyo na lang ako. Sabihin niyo na lang na gusto niyo na lang sumubok ng bago that night at hindi niyo nagustuhan so…kinalimutan niyo na lang din ako after.”
Nagulat si Dean sa sinabi ni Gio dahil alam niyang may katotohanan sa sinabi niya lalo na sa parte na kinalimutan na lang siya after. It was his birthday.
“Gio,” sabi ni Dean.
“Haharapin natin ‘to together,” sabi ni Frida.
“He’s right,” sabi ni Marjorie. “It was the safest choice.”
Napatanga silang lahat.
Bigla, naawa si Dean kay Gio. Ganoon din si Frida. Matapos ang lahat ng nangyari sa buhay ni Gio, matapos niyang mawalan ng trabaho, siya pa ngayon itong mababalewala, sa pangalawang pagkakataon.
Ang nasa isip lang naman ni Gio ay hindi na palalain ang problema. Dean and Frida are public figures at mas mabuti nang ihiwalay na niya ang sarili sa kanila para mawala na rin siya sa mata ng publiko.
Nagpaalam muna si Gio na lalabas ng bahay upang magpahangin. He needed a break.
DEAN
Pagkatapos ng mga napagkasunduan ay nagpahanda si Dean ng makakain sa mga kasamabahay niya. Nag-uusap sa isang banda sina Marjorie at Frida. Bini-brief kung paano ang mga setup sa mgaganitong interviews sa TV lalo’t hindi pa sanay sa ganoong klase ng audience si Frida.
“You could have told me na mago-audition ka sa FFF,” banggit ni direk Erik kay Dean.
“For what?” may bitterness sa boses ni Dean. “Para magkaroon ng free pass?”
“No,” sabi ni direk. “Hindi sa ganoon. My point is kung gusto mo ng role directors and producers will be glad to offer you one.”
“Hindi mo ‘ko naiintindihan, direk,”
“Edi, ipaintindi mo sa akin,”
Napatahimik muli si Dean. Hindi niya alam kung paano sisimulan magkwento.
“People have been telling me na I have been relying on my looks sa buong career ko,” panimula ni Dean.
Umupo silang muli sa living room at nagpakuha ng wine si Dean sa kasambahay niya. Nakinig naman si direk sa sasabihin niya.
“I wanted to prove them wrong. No, I want to prove something sa sarili ko. Na I have talent. Na magaling ako. Na deserve ko ‘yung mga recognition sa akin dati. Na hindi ako puro looks lang. You know I was starting to love the profession I am in pero bawat araw, may dahilan ako para hindi gawin ‘to
“But I guess, after that auditions…It answered my question. With a disguise, I am nothing.”
“You know, that’s not true, Dean. Naniniwala ako sa talent mo,” pang-aalo ni direk sa kaniya.
“And this happened. Gio lost his job. Frida’s will not be able to gain back her reputation. It’s all ruined.”
“Magtiwala ka lang. Maiaayos natin ‘to,” positibo pa rin si direk. “Nakausap ko ang mga producers natin. We can turn this into a positive thing. If handled correctly, mas iingay ang pangalan mo. Mas maraming magkakainteres sa film. Mas kikita tayo.”
Hindi alam ni Dean kung anong ire-react niya sa sinabi ni direk. Ethical ba ‘yun? ‘Yun ba ang dapat isipin gayong may dalawang taong nasira dahil sa isyu? Ano ‘yun, siya lang ang magbe-benefit? Pero bago pa siya makasagot kay direk pumasok sa loob ng bahay si Gio. Nagmamadali na kuhanin ang kaniyang bag. He was crying.
Naalarma si Dean sa pagkakita na umiiyak si Gio.
“Anong nangyari?” tanong agad niya. Lumapit agad dito si Frida.
Please, no more bad news. Please, isip ni Dean.
“Nalaman ng mama ko. Tumawag sa akin ‘yung amo niya sa Hong Kong. Itinakbo raw sa ospital si mama…no’ng nalaman niya ‘yung balita,” Gio was crying hard.
“s**t,” sabi ni Dean. “s**t, s**t, s**t!”
Napailing na lang si Marjorie at si direk sa ibinalita ni Gio.
“I’m sorry, Gio,” sabi ni Frida pero hindi makapagsalita si Gio dahil iyak ito nang iyak.
Isa lang ang alam ni Frida at Dean ngayon. Kailangan sila ni Gio.