CHAPTER XVII
FRIDA
“Welcome to the pogram, Dean Valli and, of course, Ms. Frida De Guzman,” bati ni Uncle Boy sa kanilang dalawa. Kaunti lang ang tao sa studio. May mga ilang staff at camera crew ang busy sa kani-kanilang role sa set. Maraming ilaw ang nakatutok sa kanila. Mainit ang ambiance pero natatalo ng lamig sa studio. Sinadya niyang light lang ang make-up niya dahil ayaw niyang maiba nang husto ang itsura sa TV. She wants to be true to herself.
Ilang minuto rin bago siya naka-adjust sa setup sa mga ganitong interview. She looks at her side. Dean seems to be really comfortable in this kind of setup. Kalmado siya gayong alam nilang pareho na malala ang mga itatanong sa kanila pagkatapos ng ilang sandali.
“Good evening, Uncle Boy,” sabi ni Dean. Cool lang ang kaniyang aura. Presko, to say the least. It’s part of his image.
“Magandang gabi po, Uncle Boy,” sabi ni Frida. Malapit nang mawala ang kaniyang kaba.
“Now, can I just say that you’re a beautiful woman, Ms. Frida. Is it your first time in all these?” tanong agad ni Uncle Boy habang minimwestra ang paligid, patungkol sa karanasan sa TV.
“Well, I have done a lot of interviews and press conferences in the past. But with all these lights and this kind of audience. It’s my first time,” sabi ni Frida saka ngumiti.
“Sa mga hindi po nakakilala kay Ms. Frida. She’s the author of the best-selling and award-winning book, Colorless. I have read your book last year. It’s a lovely book,” komento ni Uncle Boy.
“Thank you po, Uncle Boy.”
“Curious lang ako, what’s the story behind all your tattoos and piercings? I’m sure you get that question a lot.”
“That’s true, Uncle Boy. Well, it’s…who I am. This is how I express myself. Lahat ng tattoos and piercings ko may story. ‘Yung iba naman ay reference sa mga paborito kong bagay,” naramdaman ni Frida na nagzu-zoom in ang camera sa kaniyang balat. Na-conscious siya bigla. “Like this tattoo in my wrist. It says Meraki pero in Greek characters. Ang meaning po nito is you do things with all your creativity, soul, passion and love.”
“Ganda,” sabi ni Uncle Boy. Lumingon naman siya kay Dean. “And you, Dean Valli. How are you?”
“I’m fine po. Medyo busy ngayon kasi may project kaming binubuo with direk Erik.”
“Yes, I know Erik. He’s a dear friend of mine. Mahusay na direktor,” mabilis na komento ni Uncle Boy. “Hindi na tayo magpapatumpik-tumpik pa. You are both here to address an issue,”
Naging tensyonado ang ere sa loob ng studio. Parang dumoble ang dami ng ilaw at kahit walang masyadong tao sa studio parang ang daming nakatingin sa kanila.
Naiilang na ngumiti sina Frida at Dean.
“Now, first question at I’m sure eto rin talaga ang hinihintay na masagot ng madla about sa inyo. Kayo nga ba ang nasa kumakalat na three-way s*x video scandal sa internet,” bigla ay mga mga still shots sa monitor sa kanilang background. Nailang si Frida sa pagkaka-flash noon.
Sasagot na sana si Frida at Dean nang, “Ang mga kasagutan sa pagbabalik ng ating programa, Late Nights with Uncle Boy!”
Natawa na lang silang dalawa. Ready na sila ng sumagot, e.
Nabawasan ang mga ilaw at biglang lumapit sa kanila ang mga Production Assistants at make-up artists upang i-retouch ang mga makeup nilang tatlo. Walang kumikibo. Gustong mag-open ni Frida ng conversation kay Uncle Boy habang commercial pero mukhang dapat i-reserve iyon ‘pag naka-ere na sila. Dean was silent. Uncle Boy is looking through his cue cards and questions.
Ilang saglit ay bumalik na muli sa ere ang live ng programa.
“Live na live pa rin po tayo ngayon here in our studio. I’m with Dean Valli at kasama ang ating special guest, the writer Ms. Frida De Guzman. Before the commerical I asked the both of you, kung kayo nga ba talaga ang nasa video.”
“Yes, Uncle Boy. Kami nga po ni Frida De Guzman ang nasa video. Wala na po kaming dapat i-deny since it’s kind of obvious na rin na kami iyon,”
“Right, pwede niyo ba kaming kwentuhan kung anong nangyari?”
Nagprisinta si Frida na siya ang magkwento. Napagdesisyon na nila Marjorie na hindi na masyadong magpagadetalyado. Kung ano na lang ang dapat malaman ng tao. Wala si direk Erik sa studio. Si Marjorie naman ay nasa dressing room. Doon siya nanonood through the TV sa silid.
“You know what Uncle Boy, ‘yun ‘yung mga gabi na gusto mo lang talaga mag-let go, pumarty and all that. We were on a bonfire noong gabing iyon with our…” nag-isip muna si Frida kung paano niya ia-address si Gio. “friend, Gio--”
“Whom I believe a former commercial model, right?”
“Yes, Uncle Boy,” ipinagpatuloy ni Frida ang kwento. “We opened up to each other. It was intimate but not sensual and then that night may party doon sa island. Of course, nagpunta kami. We got really drunk… and we did all that.”
“Do you have any clue kung sino ang nag-video? Namalayan niyo ba that you were being filmed?”
“Definitely, no, Uncle Boy,” si Dean naman ang sumagot. It’s part of their plan, maghalinhinan sa pagsagot para mas mukhang genuine. “You know naman the situation sa isang party. Madilim, maingay. Patay-sindi ang ilaw plus we were drunk pa. So, we really had no clue.”
“Fair. Do you have plans on pursuing the person behind the filming and the upload?”
“We did, at first, Uncle Boy. But the NBI told us na napakaliit ng pag-asa na ma-track namin kung sino ang nag-upload since paulit-ulit na ‘tong na -upload at na-delete sa social media. Wala na kaming nagawa. And besides, alam na rin naman ng tao,” paliwanag ni Dean. Bago kasi ang interview, sinubukan na nilang magpunta sa pulis, pero ganoon nga ang sinabi sa kanila kaya sumuko na lang sila agad.
“Pero pwede niyo bang ipaintindi pa kung paano kayo napunta sa ganoong sitwasyon?” tanong ni Uncle Boy.
Natahimik silang dalawa sa tanong na iyon. Inisip muna nila ang isasagot.
“Honestly, ‘di rin po namin alam. We were in the moment. Kapag nandoon ka naman na mahirap na rin talagang ipaliwanag,” sagot ni Frida.
“Right. But if I may ask? What’s the deal with the both of you?”
In-expect na nila ang tanong na ito. Kaya handa na rin silang sumagot.
“Ang kasagutan, sa pagbabalik ng ating programa,” biglang sabi ni Uncle Boy.
Same routine. Retouch ng make-up. Set up muli ng mga ilaw. A few people moving back and forth sa studio. Then in a snap. Live na ulit sila.
“Uncle Boy, Frida and I are together.” Then Dean grabbed Frida’s hands. It’s part of the act. Ngumiti sila pareho na parang masaya silang couple. “One month na kami.”
Kapani-kapaniwala ang pagsabi ni Dean na isang buwan na sila. Sinakyan lang ni Frida ang act.
To be honest, Frida wanted to hold his hands. To feel his palm on hers. Tight and genuine. Full of love. Pero this time, it was almost fake and opposite. Naroon pa rin naman ang pagtingin ni Frida kay Dean, pero ngayon bakit parang mali. Para silang nagpapanggap na hindi.
“Pero a few years ago. You came out as gay, right?” ‘di nagpahalata ng pagkagulat si Uncle Boy.
“Yes, I did,” naghintay si ang host ng paliwanag mula kay Dean. “And I guess I was wrong. I was young back then.”
“Are you aware of Dean’s identity?” tanong niya kay Frida.
“Yes, Uncle Boy. It’s just that gender is fluid. One day you think you’re straight and then the next you think you’re not na. I guess Dean is Fluid. That’s his identity. For the record, I am bisexual. Dean is my first…boyfriend. With Dean’s case, in the future, it may still change And it’s fine. People have to be ready in these kinds of conversation.”
“But we also have to accept that not all people are gonna be ok with that. Matanong ko pala, where is Gio in your relationship?”
Huminga nang malalim si Frida, “He’s…our friend. Uncle Boy, what we did that night was some sort of a trial and error. And…I guess. It stopped there. That’s all.”
“And you, Dean,” tanong ni Uncle Boy. “You were also…” sasabihin sana ni Uncle Boy na Dean was also making out with Gio in the video. Pero dahil hindi pwede sa TV hindi na niya sinabi. Na-gets naman ni Dean ang ibig niyang sabihin.
“Yes, Uncle Boy. It’s just that I love Frida. I realized that after the experience in the island.”
Napaigtad si Frida sa pagkakasabi ni Dean. Kahit gaano kaganda ‘yung napagsamahan nila ni Dean sa isla, pakiramdam niya na mali ang mga sinasabi ni Dean. Na hindi iyon tunay. Na part lang ‘yun ng act. It was all acting. At kailangan niya itong sakyan kung gusto pa niyang magkaroon ng pag-asa sa kaniyang career.
“Pero isa sa mga gumugulo pa rin sa mga isip ng ating mga manonood ay may mga news articles and clips floating online that you, Frida, denied you involvement sa video?…Ang kaniyang kasagutan, sa pagbabalik ng ating programa.”
Commercial na naman. Suddenly, Frida feels annoyed. Parang gusto na lang niya matapos ang lahat ng ‘to. Hindi ba pwedeng isang diretso na lang?
Live na muli sila.
“Uncle Boy, for the record, I did not deny the accusation. Ang totoo talaga niyan was a reporter asked me a sensitive question and I had to say no dahil hindi iyon totoo. And the media overreacted on my answer. They sensationalized everything kaya everyone was…” nagsisimula nang maging emosyonal si Frida. “hating me.”
“The question was, from our research team, you three were accused of uploading the video yourself to become more relevant.”
“That’s not true, Uncle Boy,” nanggigilid na ang mga luha ni Frida. It’s all coming back to her now. All the hate of the people and all her hardships to be on the top again.
“They were saying na you did this dahil gusto mo lang sumikat at maging relevant ulit?” tanong ni Uncle Boy. He’s unstoppable. Napansin niya si Frida na nagiging naluluha na. Nag-abot ito ng tissue sa kaniya. Hindi muna nakasagot si Frida. They gave her a moment. Inaalo rin siya ni Dean. “Bakit ka nagiging emosyonal?”
Huminga nang malalim si Frida. Ngumiti kahit may luha sa mata. Sa kaniya naka-zoom ang camera.
“Well, Uncle Boy. Hindi naman sikreto na hindi na ganoon kaganda ‘yung reputation ko sa community na kinabibilangan ko right now. Marami silang opinyon about me. But the thing is I have learned from that. And nakakalungkot lang na people really think that I will do that. Na I was desperate enough na ganoon ‘yung magiging paraan ko. No, Uncle Boy. I have a project right now na pinagtutuunan ko ng atensyon. At ‘yung muna siguro ang pagkakaabalahan ko.”
“We’re looking forward to that, Frida.” sabi ni Uncle Boy.
Tumigil na muna sa pag-iyak si Frida. Wala sa kaniya ang camera, na kay Dean naman.
“Kung may natutunan ka sa nangyari Dean, ano ‘yun?”
“Well, I guess, you can’t control what people will think. You just need to stop overthinking and live your life,” sabi ni Dean.
“And it’s still publicity, right?”
“Right, Uncle Boy. The more people will talk about it mas iingay ang project namin. After all, it’s me who is getting paid. The more they talk about me, the more I get rich,” napatawa na lang si Dean. Ganoon din si Uncle Boy.
And in this moment. Frida feels bad. How come nagagawa pang tumawa ni Dean after all what happened. Habang kanina umiiyak siya, siya naman ngayon ang tumatawa. Ang unfair lang.
Ang unfair na sa mga ganitong eskandalo ang babae lagi ang talo. And the she realized na ganoon din naman ang sitwasyon even before. Na babae lagi ang napapahiya, nashe-shame sa sitwasyon. Ang unfair na dahil lang lalaki sila, hindi sila ganoon nabibigyan ng puna ng lipunan.
And now, he’s laughing? Ang insensitive lang. Nakaramdam ng pagkainis si Frida.
“You know what, Uncle Boy. Baka nga tama ‘yung accusation nila, e. Na baka nga isa sa amin ang nag-upload, na baka nga ako? Lalo na’t may comeback project ako. Ang tagal ko ring hiatus,” medyo sarkastikong sabi ni Dean kay Uncle Boy.
Napa-what the f**k na lang si Frida sa kaniyang isip dahil sa sinabi ni Dean. Wala naman ito sa plano. At kahit biro iyon, hindi magandang biro ‘yon.
“Are you serious?” tanong ni Uncle Boy.
See, kahit ang host ay muntik nang maniwala.
“No, Uncle Boy. Biro lang.”
Napunta muli kay Frida ang atensyon. “How about you, anong pinakamahalagang natutunan mo sa nangyari, Frida?”
Nag-isip saglit si Frida. Naroon pa rin ang pagkainis niya, “That in this kind of scandals, babae lagi ang talo. Na kami lang lagi ‘yung masama, at nakakahiya at madumi,”
Napatingin si Dean dito. Nawala ang pagkakahawak nila sa kamay. Hindi ito ang naka-planong isagot ni Frida sa tanong. What the f**k is on her mind, isip ni Dean.
“Na ‘yung mga lalaki sa situation, wala lang. They can easily get away with it.This is how patriarchal soc--” bago pa matapo ang pangungusap ni Frida pinutol na siya ni Uncle Boy.
In a moment, iba ang aura nina Frida at Dean. Walang bakas na they’re together. Parang nagsasalita at kumikilos sila on their own and not as a couple.
The host knows na this is getting out of hand. Sinabi na ng host ang kaniyang closing spiels, nagpasalamat sa guests at natapos na ang programa.
Uncle Boy coldly thanks Frida and Dean off cam. Ilang saglit ay nasa dressing room na pareho ang dalawa. Hindi sila nag-uusap. Hindi rin sila magkahawak. After what happened, they just can’t.
“You both did a good job,” bati ni Marjorie sa kanilang dalawa kahit alam niyang may kaunting tensyon sa interview.
Ilang saglit ay inaya na niya itong umuwi sa bahay nina Dean. Pagod na rin sila.
Sa kotse na nila kinain ang meryendang binili ni Marjorie. Siya na rin ang nagmaneho ng kotse ni Dean.
“Frida, anong problema,” ‘di na nakatiis si Marjorie na itanong ito sa kaniya.
“Alam mo naman, e,” sabi ni Frida saka tumingin saglit kay Dean.
“Is this about what he said sa interview?” tanong ng manager.
Hindi sumagot si Frida. Nakita niyang nakikinig si Dean.
“That was Dean’s image. This is showbiz. Not everything you see on TV is real.”
Napansin niya na nakatingin si Dean sa kaniya. His eyes are now sincere. It was almost an apology. Eto ‘yung Dean na nakilala niya sa Isla Anima. Malayo ito sa Dean kanina sa interview.
“Sorry, if I offended you,” sabi ni Dean.
“Nakaka-frustrate lang. Kasi sa mga ganitong sitwasyon. Babae lagi ang talo. Samantalang ‘yung mga lalaki…I can’t believe na they can even capitalize on it. With all the publicity bullshit.” Napailing na lang si Frida.
“Ganoon talaga ang lipunan, Frida,” sabi ni Marjorie.
Well, f**k this society, isip ni Frida. Kahit mag-iyak-iyak pala siya kanina, talo pa rin siya. Siya pa rin ang ise-shame ng mga tao. Siya pa rin ang mali, ang malandi ang madumi, ang mababang babae.
Samantalang si Dean, magsa-succeed. Iingay ang pangalan. Kikita ang project. Kahit gustong maging masaya ni Frida sa maaaring positibong epekto ng isyu kay Dean, hindi niya magawa lalo na’t kung compromised ang sarili niyang kasiyahan.
Naisip niya si Gio. Tama naman na siguro’yung desisyon niya na i-detach ang sarili sa sitwasyon. Ok na ‘yun. Pero hindi pa rin nila magawang iwan ito, though, ginawa na nila technically ngayong public na ang ‘relationship’ nila ni Dean. Hindi pa rin ok si Gio dahil sa nangyari sa kaniyang ina. Kung may panahon na kailangan ni Gio ng mga kaibigan, ngayon iyon.
Pag-uwi nila sa bahay ni Dean, wala na si direk Erik doon. Umuwi muna raw sabi ng kasambahay.
Naroon pa rin si Gio. Nasa living room at mukhang abala sa kaniyang cellphone. Binalaan na siya ni Marjorie na ‘wag na masyadong magbuklat ng social media para hindi na ma-stress pero sinuway niya.
Paglapit dito nina Frida at Dean, nakita nilang lumuluha na naman si Gio.
May masama na namang balita.