CHAPTER XVIII

3236 Words
CHAPTER XVIII     GIO   Noong gabing nalaman ni Gio na isinugod ang kaniyang mama sa ospital, hindi siya nakatulog. Nakatulala lang siya sa kisame ng guest room ni Dean. Hindi na kasi siya noon pinabalik sa kaniyang apartment. Marami namang espasyo sa bahay ni Dean. Doon din natulog si Frida at Marjorie sa magkahiwalay na bedroom. Ang sabi lang sa kaniya noong among intsik ay binabantayan nila ang mama ni Gio sa ospital. Buti na lang ay mabait ito. Wala pa siyang lakas ng loob na sabihin kay Geraldine ang nangyari, kahit nga ‘yung sa video hindi pa rin niya diretsong nasasagot ang tanong ng kapatid. Kapag nalamaman nila iyon, parang nag-out na rin si Gio sa kanila. ‘Di pa siya handa. ‘Di niya alam kung magiging handa ba siya kahit kailan. Kasi naman, hindi naman niya ito iniisip lalo na noong sinusubukan niyang mag-artista. Walang plano kasi repressed lahat ng thoughts niya about identity. Kaya parang biglaan ang lahat. Ang bilis agad ng mga pangyayari. Kinabukasan, matapos makatulog ng ilang oras, tumawag muli ang intsik na amo ng kaniyang ina. Nagising na raw ito. Nakahinga nang maluwag si Gio saka sinubukan tawagan ang ina sa messenger call. “Hello, ‘ma,” Hindi mabasa ni Gio ang eskpresyon sa mukha ng ina. Kumakabog ang kaniyang dibdib. Pero hindi na niya inisip iyon, mas mahalagang malaman niya ang kalagayan ng ina. “Hello, ‘nak,” iisa ang tono ng boses nito. “Kumusta ka?” “Mukhang ok naman na. Lalabas na rin siguro ako mamaya. ‘Di naman masyadong malala. Kumusta kapatid mo?” Hindi rin alam ni Gio. Hindi pa niya nakukumusta. Napansin niyang hindi siya matignan ng ina niya ni sa video. Laging nakalayo ang tingin. Ilang saglit ay pinatay na nito ang video. Sa call na lang sila nag-usap. Parang hinihiwa ang puso ni Gio. Alam niyang naging mahirap para sa ina ang pagtanggap sa kung sino siya lalo na’t napakarami na rin siguro nitong nabasa online. Hindi niya alam kung matatanggap pa siya nito. “‘Di ko pa po nakakausap si Geraldine. Mamaya po siguro.” sabi ni Gio. Pinipigilan niyang pumiyok. Ayaw niyang umiyak. Ayaw na niyang umiyak. “Sorry po, ‘ma.” Saglit na katahimikan ang namayani. Buti na lang din walang video para hindi na makita ng ina niya ang kaniyang ekspresyon. “Kumusta ang trabaho mo?” Ito na ‘yung mga isa sa kinatatakutan na tanong ni Gio. Paano niya sasabihin? “‘Ma, hahanap na lang po siguro ako ng bago.” Alam na ng ina niya ang nangyari. Hindi naman ito tanga. Nalalaman niya agad ang ibig sabihin sa tono pa lang ng boses ng anak. Talagang hindi lang niya inaasahan na ganoon si Gio. “Ayusin mo ‘yung buhay mo,” iisa muli ang tono ng kaniyang ina. And just that, sira na naman ang buhay ni Gio. Naliligaw na naman siya. Hinayaan niyang tumulo ang kaniyang luha. Tahimik siyang umiyak. Nagpaalam na rin sila sa isa’t isa. Babalik na rin daw agad sa trabaho ang ina dahil kailangan. ‘Di naman siya pwedeng huminto. “Hello, kuya,” si Geraldine. Saka ikinwento ni Gio lahat ng nangyari sa ina. Na nabalitaan na nito ang tungkol sa video. Na isinugod ito sa ospital. Sinabi na rin niya na nawalan siya ng trabaho dahil, oo, siya nga ‘yung nasa video. Tahimik lang nakikinig si Geraldine sa lahat ng sinabi ng kuya niya na parang alam na niya lahat. “Anong plano mo, kuya?” eto lang ang tanging isinagot niya sa lahat. Napabuntong-hininga si Gio. Tuyo na ang mga luha niya noong umiyak siya kanina pagkatapos nilang mag-usap ng ina. “Hindi ko pa alam. Nandito pa ako kina Dean,” sabi ni Gio. Inaasahan niyang masasabik si Geraldine dahil kilala nito ang artistang si Dean pero wala. Normal lang ang boses ng bunsong kapatid. Halatang disappointed din siya sa kuya niya. “Tinatantya pa namin ang sitwasyon. Lilipas din ‘to. Makakahanap din ako ng bagong trabaho. Hindi naman na kasi bata si Geraldine para ‘di maintindihan ang lahat ng ‘to. She’s mature enough to know all the consequences of being involved in a situation like this. After all, she’s a smart girl. Days passed by sa bahay ni Dean. Halos nagkukulong lang sila sa kwarto at paminsan-minsan lang nagkikita sa tuwing kakausapin sila ni Marjorie regarding the recent developments at kung anong changes at madadagdag sa plano. Halos 24/7 may naghihintay na media sa labas ng bahay ni Dean kaya ‘di rin sila makalabas nila nina Frida. Sabik ang mga ito na makuha ang mga unang statement ng tatlo na magkakasama. May nag-timbre kasi yata na magkakasama sila ngayon kasama ang manager ni Dean. Sabi ni Marjorie, mas mabuting ‘yung appearance nila sa interview ang una nilang opisyal na paglilinaw sa publiko. At mas maganda nang sama-sama sila sa iisang bahay nang mas kontrolado nila ang sitwasyon. They’re stuck in Dean’s mansion. Napaka-ironic na magkakalapit na sila pero parang ang layu-layo nila sa isa’t isa. Hindi nila alam kung tama bang mag-usap sila or mag-bond gaya noong ginawa nila sa Isla Anima lalo na’t ipit sila sa ganitong sitwasyon. Dumating ang araw ng interview. Tanghali pa lang ay bumyahe na sina Dean, Frida at Marjorie papuntang studio. Tumango lang si Gio sa kanila bilang good luck. Alam niya na mamayang gabi lang ay they will be ‘official’ na couple. ‘Yun ang plano para ‘di mabigyan ng masamang imahe si Dean. ‘Di pwede, kasi may darating itong project. Sinusugan ang desisyon na ito ni direk Erik dahil na rin sa mga pressures ng mga producers ng gagawin nilang. “So, nag-audition ka rin pala sa FFF,” sabi ni direk kay Gio sa kaniya noong nakaalis na sina Dean. “Opo,” magalang na sagot ng binata. “Did you get in?” “Opo, noong unang round. Noong pangalawa na, phone interview, sabi nila matanda na pala ako for the role,” kwento ni Gio. “Ang rude, ‘no? Matapos ka nilang magustuhan noong audition, hindi pa pala sapat. Mga paasa,” sabi ni direk. Alam na ni Gio ang mga ganiyang kwento. Sanay na siya diyan. Manhid na. Saka isa pa, iniwan na niya ‘yan sa nakaraan. “Mas malupit pa dyan ang showbiz, buti na lang hindi mo na itinuloy, well, ‘yun ang kwento sa akin ni Dean. Tamang desisyon ‘yan,” Ngumiti lang nang matipid si Gio sa direktor. Marami pa siyang dapat isipin. Hindi na deserve ng mga thoughts tungkol sa pag-aartista ang espasyo sa kaniyang utak. They’re in a middle of a crisis. Pero kahit ganoon kailangan pa rin ni Gio isipin ang hinaharap. Sinubukan niyang mag-apply online. Nagsend lang siya nang nagsend ng mga resume sa bawat makikita niyang job hiring sa f*******: at sa iba pang mga sites tulad ng Jobstreet at Indeed. Kailangan na niyang makapagtrabaho dahil paubos na rin ang mga savings niya. Mas nahihiya na siya ngayon na manghingi ng pera sa ina. Lalo na’t kung ang huling linya nito sa kaniya ay “ayusin mo ang buhay mo.” Noong gumabi na, inabangan na niya sa TV ang Late Nights with Uncle Boy. Tahimik siyang nanood. Lahat naman ng ito ay planado na pero naawa siya kay Frida sa huling parte ng interview. Tama naman ang kaniyang mga punto. Malinaw niya ring nakita ang mga awkward moments ni Frida sa camera pati na rin ang tensyon. She’s not an actress kaya ‘di niya maitatago iyon. Samantalang si Dean, handled it very well. Pero nakaramdam din si Gio ng pagkairita kay Dean na he seems so calm and happy pa na nangyari ang video. He’s capitalizing on it. Sinasadya ba niya ito? Si Dean ba na nakilala niya sa isla ang nagsasalita sa interview o si Dean na artista? He’s 50/50. Hati ang assessment ni Gio. Nang makita niya na in-announce na nila Dean at Frida na they’re together, nakaramdamn ng kirot si Gio sa kaniyang puso. Hindi ito selos. Ito ‘yung pakiramdam na maiwan, na mabalewala. Parang gusto niyang ipagdamot si Dean kay Frida kasi una silang nagkakilala. Parang gusto niya ring ipagdamot si Frida kay Dean dahil una rin silang nagkakilala. Pero siya na ‘yung nagsakripisyo para sa dalawang mahalagang tao sa kanila. Worth it nga ba? Na sa sandaling panahon na pinagsamahan nila ay handa na siyang masaktan para sa mas ikaaayos ng sitwasyon? Pagkatapos ng interview, hindi niya napigilan ang sarili na magbukas ng mga social media. Curious siya na malaman kung ano na ang mga iniisip ng ibang tao. Gumana nga ba ang plano nila? Sa totoo lang pinagbawalan sila nina Marjorie na magbukas ng social media para ‘di na lalo mastress pero ‘di niya talaga mapigilan. Gusto lang naman ni Gio na malaman kung epektibo nga ba ang pag-amin nila Frida at Dean sa interview. Nagbasa siya ng mga posts sa f*******: at Twitter. Habang #1 trending naman sa Philippines ang #DeanValliLateNightWithUncleBoy at number 2 sa trending list ang ‘Frida’. Si Frida. “At least, inamin na nila, ‘di ba? Salute to their honesty.” “They were in the moment. Tao lang sila. Consensual naman, e.” “Dean looks hotter kissing another girl, tho. Ganda rin ni ate,” “Omg, nabasa ko ‘yung novel niyang Frida De Guzman na ‘yan. Maganda nga ‘yung colorless. Hindi ko lang inexpect na masasangkot siya sa ganito. I’m still a fan naman of her book.” Naiisip ni Gio habang binabasa ang mga posts at tweets ay mukhang epektibo nga. Hanggang sa makita niya ang isang shared post. 700 shares, at bawat segundo ay dumarami pa. “Nasa Isla Anima rin kami noong nando’n ‘yung artistang si Dean Valli saka kasama niya ‘yung babae na writer na kalbo na maraming tattoo. Mukha siyang adik, lol. I believe kasama rin namin sila noong party noong gabi. ‘Di ako pwedeng magkamali kasi minsan lang ‘yung party na ‘yun sa isla. Hindi namin sila nahuli sa akto sa dance floor pero noong kinabukasan nakita namin siya na galing sa infirmary. Umaga yon. Nakita rin namin na marami pala siyang mga sugat at benda sa katawan. Mukang sariwan pa mga sugat niya at medyo iika-ika maglakad. Akala namin ng friend ko naaksidente lang or smth pero noong malaman namin na may s*x video pala, naloka us.Hindi natin alam kung ano pang ginawa nila after the video. Grabe, ganoon ba talaga ang fetish ng babaeng yan? Di na nakuntento na dalawang lalaki yung umaano sa kaniya tas more ang sugat pa niya. Ang lala. #WagTularan.”   Pagkayaring basahin ni Gio, umabot na ang post sa 2000 shares. Nanginginig sa galit si Gio. Gusto niyang magcomment pero pinipigilan niya ang sarili. Ni-report na lang niya ang post pero miya’t miya naman ay may nagse-share. He feels hopeless. Putangina. May nabasa pa siyang isa. 10k reactions. 2.5k shares and counting. This time may larawan ni Frida sa post na nakatalikod. Naalala ni Gio ang kapaligiran sa picture. Malapit iyon sa infirmary. Nakatalikod si Frida at kita ang mga sugat at benda niya sa binti, braso at leeg. “Frida De Guzman is such a disgrace. Imagine advocating for women’s and lgbt rights, and writing a book about it, tas malalaman ng mga tao na she’s into two men at yung isa pa ay openly-gay. She’s beyond hypocrite and crazy. At eto pa, ha. She’s into b**m. Grabe yung mga sugat How come na you’re a feminist tapos fetish mo pala ang sinasaktan at sinusugatan sa kama.What the f**k di ba? Anong klase pang-aakit kaya ang ginawa niya kay Dean Valli? Really, makikipag hook up sa artista para lang maging relevant? Typical Frida. Hindi na dapat ako magulat. After reading her other books? Trash.”   Gio was fuming with anger. Wala siyang magawa. Hindi siya pwedeng basta magpdala sa emosyon lalo’t si Frida ito. Natatakot siyang may maikilos na mali. Putangina, putangina, putangina, wala kayong alam sa tunay na nangyari, isip ni Gio. Nabasa na kaya ‘to nila Frida? s**t.   May isa pang post. 1.3k shares. “Ako lang ba? Pero there’s something fishy about the interview nina Dean Valli at nung writer na si Frida. One month pa lang sila pero ‘trying’ out for something new na sila? Threesome agad? Wow, dinaig pa nila mga couples na halos isang dekada na para mag ‘try ng bago’ Uy, napaghahalataan. Mukhang fake lang yata ‘yung relasyon nila talaga. Kunwari they’re together para di masira ang image ni Dean. Magkano kaya binayad kay Frida? Magkaka-career pa kaya ‘yang si ate? LOL. Good luck sa kaniya.”     It’s all over Gio’s timeline. May mga memes pa na silang tatlo ang nasa litrato at kung anu-anong mga salita ang nakalagay. s**t, bakit parang mas lumala pa yata? Sa Twitter, kasama na rin sa trending list ang #fridadeguzmanisoverparty “She’s a hypocrite.” “Burn her books,” saka may video na sinusunog ang libro niya. Putangina. The people are overreacting. Naalala ni Gio si Frida. Kung makikilala niyo lang siya, hindi siya ganiyan. Hindi maiwasan ni Gio na maluha para kay Frida. Naalala niya kung paaano siya dinamayan ni Frida, inalagaan, inalalayan, sila ni Dean. Kung paano si Frida ‘yung laging gumagabay sa kanila, sa usapan, sa kulitan. Kung paano siya lagi ang matalino at source ng mga bagong kaalaman nila ni Dean. She’s a strong and intelligent woman. Mabuting tao si Frida. And to see all these, parang hinihiwa na rin ‘yung puso ni Gio na makita na iniinsulto ng mga tao si Frida. “Advocate pa more? LGBT rights my ass, tapos you were trying to ‘convert’ Dean para lang matikman mo? Plus with some guy pa?” “We don’t believe you. Frida De Guzman Is Over” “WAG TULARAN #FridaHypocrite” “Srsly, Frida Is Over? Sino ba siya? Was she even relevant?” “Totoo naman ‘yung sinabi ni Frida, e, na babae talaga lagi ang talo sa mga ganitong sitwasyon. Na ‘yung lalaki hindi laging naja-judge. Kawawa naman si Frida.” May reply sa tweet na nasa itaas. “Gurl, desisyon niya iyan. Sabi nga nila consensual e. E bakit kailangan pang gawin. Nakakahiya. Kinain niya lahat ng mga bagay na ina-advocate niya. Ang laswa niya, srsly. Strong woman pa more.” Bumukas ang gate sa labas. Napansin ni Gio ang mga ilaw sa bintana. May papasok na kotse. Narito na sila Frida at Dean. Pagbukas ng pinto sa mansion, nakita agad nila si Gio sa living room. He’s on his phone and he’s crying.         FRIDA       Mabilis na tumakbo si Frida papunta kay Gio. Alam niyang problemado pa rin ito dahil sa trabaho at sa pamilya niya noong mga nakaraang araw. “Bakit, anong nangyari?” tanong niya agad kay Gio. Inabot ng binata ang cellphone kay Frida. Tumingin din si Dean dito. Si Marjorie ay abala sa pagtingin sa cellphone nito. Hindi na niya napigil ang tatlo dahil siya rin ay curious at kinakabahan sa magiging reception sa interview. Habang nababasa ni Frida lahat ng mga nabasa na ni Gio, nagsimula siyang manginig. Matapos niyang maging tapat sa interview, sa harap ng madla, sa harap ng kamera na hindi niya alam kung ilang milyong mga tao ang nanonood sa kaniya, ang humusga at kumampi sa kaniya. Wala pa man ding sinasabi si Frida, napaiyak na ito. Inalo siya ni Dean. Saka siya sumigaw nang malakas na malakas na, “Aaaaaaaaah!” dahil sa frustration. Napaupo ito sa sala, at saka umiyak nang umiyak. Inaalo na siya nina Dean at Gio at habang nagpakuha naman nang maiinom si Marjorie sa mga kasambahay. “Wala silang alam, they know nothing. Hindi ‘yun totoo,” paulit-ulit na sinabi ito ni Frida sa sarili at sa mga tao sa kaniyang paligid. “Frida, sorry,” sabi ni Gio. “‘Wag kang mag-sorry, please.” Naramdaman niyang hindi makapagsalita si Dean sa mga nangyayari. Pakiramdam kasi nito ay may kasalanan siya, lalo na’t hindi siya ganoon nag-ingat sa interview. “Bakit ako lang? Bakit ako lang ‘yung may kasalanan?” tanong ni Frida. Walang makapagsalita. Alam ni Dean at Gio na halos si Frida ang sumasalo nang lahat ng pang-iinsulto ng madla. Binigyan siya ng maiinom na juice ni Marjorie. Tinanggihan niya ito. Guilty rin si Marjorie. ‘Di pa rin mawala ang luha ni Frida, habang iiling-iling sa sitwasyon. Ilang minuto ng katahimikan. “Wala na. I will never be able to redeem myself.” “Frida, ‘wag mong sabihin ‘yan. Maaayos din ang lahat,” sabi ni Dean. “Sa ‘yo, oo. Hindi mo ‘ko naiintindihan, Dean. Kasi hindi naman ikaw ‘yung naba-bash, e.Ako ‘yung babae kaya putangina, ako lang ‘yung may kasalanan dito. Habang ikaw, mapagkakakitaan mo pa ‘tong issue,” saka nag-walk-out si Frida at nagtungo sa silid nito sa guest room. Doon niya ipinagpatuloy ang pag-iyak at unti-unting pagtanggap na galit na galit sa kaniya ang mga tao at hindi niya alam ang gagawin That interview was kind of their solution to everything. Para ma-klaro na ang lahat. Naging tapat siya. Pinasinungalingan niya ang sinabi ng media na dineny niya ang involvement sa video. Siya ‘yun. Para maging malinis na lahat. Pero iba ang isinisigaw ng mga tao sa f*******: lalo na sa Twitter. Dumarami pa rin ang mga shares at kahit reported na, may magka-copy paste naman. Trending pa rin siya sa Twitter. Siya na ngayon ang number one. Gusto niyang maglabas ng statement. Buhay na niya ito. Hindi na niya kailangan ng basbas ni Marjorie since ok naman na si Dean. Nagsimula siyang mag-type ng f*******: post. “Hi. This is Frida De Guzman and I would like to say something.   Yes, ako po ang nasa video with Dean Valli and Gio Cruz. ‘Yung napanood niyo sa latest episode ng Late Nights With Uncle Boy, naroon na lahat. Naging tapat ako sa mga sinabi ko. At paninindigan ko lahat ‘yun.   Nabasa ko rin ‘yung post tungkol sa mga sugat ko. Before that day, naaksidente ako habang pababa kami from hiking pero ok naman na ang sitwasyon ko that time since mabilis lang naman gumaling ang mga sugat ko.   Galing ako infirmary noong nakuhanan ako ng picture dahil nagpatulong ako magpalinis ng sugat at hindi gaya ng iniisip ninyo.   I mayb be in a dire situation right now but I am trying to be ok.   I just hope we are mature enough not to comment on things we don’t have full knowledge on and refrain on attacking someone else’s persona.   We can be better than this.   And this too, shall pass.   - Frida.”   Posted.   Sa totoo lang ang dami pang gustong sabihin ni Frida pero kinompose na lang niya ang sarili at hindi na pinansin ang mga insulto at pag-atake sa p********e niya. Kahit sobra na. Kailangan niyang magpakatatag. Napatanong na lang siya sa sarili kung ano ba ang naging kasalanan niya sa nakaraan para danasin ang lahat ng ‘to. Malala pa ay pangalawang beses na ito. Iniyak na lang niya muna ang lahat ng masasakit na salita hanggang siya ay makatulog.           DEAN     “‘Ma, kumusta po?” Kausap ni Dean ang mga magulang sa phone. Hatinggabi na. Nakapasok na sa mga guest room sina Marjorie, Frida at Gio sa bahay niya. Wala naman siyang problem sa pagpapatuloy sa kanila lalo na’t ngayon lang talaga halos nagkatao sa bahay niya. Once in a blue moon lang magkaroon ng ingay rito. “Na-cancel ang flight namin ng Dad mo. Next month na namin balak umuwi. Ano, anak? Ano nang lagay mo? Nakita na namin sa balita ang lahat. Napanood na rin namin ‘yung interview mo with Uncle Boy? Anak, sumunod ka na lang kasi sa amin dito sa London. Akala ko ba ayaw mo nang mag-artista?” “Ok naman na ako, ‘ma.” “Sigurado ka ba? Alalang-alala kami ng Daddy mo sa ‘yo,” “‘Ma, kaya ko naman na sarili ko. Alam mo naman ang showbiz, normal lang ‘to. And besides, makakabuti pa nga ‘to sa next project ko, e.” “Nako, Dean. Basta, uuwi kami dyan next month. Kailangan namin makita in person na ok ka. Kumusta ‘yung dalawa,” pagtukoy ng nanay ni Dean kina Frida at Gio. “E, medyo hindi pa ok, ‘ma, e. Pero nandito sila sa bahay. Sabi kasi ni Marjorie para daw mas kontrolado namin ang sitwasyon.” “Sige, ‘nak. Basta expect us next month. Busy ang Daddy mo ngayon pero tatawag din daw siya sa ‘yo soon.” Understanding naman ang parents niya. Pero ang ugali kasi noon sa tawag lang mabait pero kapag personal na, doon siya pagsasabihan at sesermunan nang todo. ‘Di bale, next month pa naman ang uwi nila. Habang papasok siyang muli sa kaniyang bahay nakita niya na papalapit sa kaniya si Marjorie. Nagmamadali ito. Napansin niya sa mukha nito ang ekspresyon na parang stressed na stressed ito. This is unusual. “Dean,” simula ni Marjorie. “We got a major problem,” Shit, please, ano naman ‘to, isip ni Dean.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD