CHAPTER XX GIO Trigger Warning: Suicide “Kinuha ko ‘yung mga cellphones ninyo kasi gusto ko na sabay-sabay nating makita ‘yung mga headlines ngayon,” panimula ni Marjorie. Nasa living room na silang lahat. “It’s not good, sinasabi ko na sa inyo,” dagdag ni Marjorie habang iniaabot ang mag cellphones nilang tatlo. Nawalan tuloy sila ng gana buksan ito. Hinayaan na lang nila na si Marjorie ang magkwento ng mga nakita niya at ng kanilang sitwasyon sa kasalukuyan. “So, there’s this post na naging viral. Na-pickup din siya ng media,” sabi ni Marjorie. ‘Di maipinta ang mga mukha nilang tatlo. “Ang sabi, dahil hindi raw natin itinuloy ‘yung paghahanap sa nag-video ay maaari daw na nasa sa inyong tatlo ang nag-upload no’n. Sabi rin nila na maaaring nag-hire lang din daw kayo

