CHAPTER XXI GIO “You’re AB Negative,” wika ng doktor kay Gio. Nakahinga siya nang maluwag. Buti na lang talaga. After a few questions and tests, kinuhanan na rin siya ng dugo ng mga nurses. Nauna na si Dean na natapos at nakabalik na sa silid ni Frida. “Kumusta?” tanong ni Marjorie sa kaniya pagpasok sa silid ni Frida. Nakita niya si Dean na tahimik sa isang sulok at kumakain. Wala na rin si Frida sa silid dahil dinala na ito sa isang room kung saan ipapasa na sa kaniya ang dugo. Nakaramdam ng kaunting hilo si Gio. “Ok naman. AB Negative din ako. Nakapagbigay na rin ako ng dugo.” Napalingon si Dean sa kaniya. He gave him a look na nakahinga siya nang maluwag. Kahit papaano ay malaki ang pag-asa na mapabalik si Frida nang normal. “Naku, kumain ka muna. Bumili ako ng makak

