CHAPTER XXII FRIDA Nagising si Frida dahil sa ingay na kaniyang naririnig sa labas. Bakit parang may mga sumisigaw? Nakasikat na ang araw pero parang ang daming tao na nagtitipun-tipon sa labas. ‘Di naman usual ang ganitong senaryo sa bahay ni Dean dahil karaniwan naman ay tahimik dito. Lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang dalawang kasambahay na parang natataranta. “Asan sina Marjorie saka si Dean?” tanong ni Frida. Nagkukuskos pa siya ng mata. “Maaga pong umalis para sa shoot nila sa pelikula,” sabi noong isang kasambahay. Napansin ni Frida si Gio na kakalabas ng kwarto. Mukha itong balisa at parang hindi maayos ang tulog dahil maitim ang paligid ng mata. “Anong nangyayari?” Saka sabay silang lumabas ni Gio sa bahay ni Dean upang tignan kung saan nanggagaling ang i

