CHAPTER XXIII FRIDA Lumipas ang mga araw na ang titig at atensyon ni Frida ay nasa listahan lang. Wala na siyang balita kina Dean at Gio. Paniguradong tumuloy na lang din sila sa kanilang buhay. As they should. Nakadalawa pa siyang session sa counselor at pinuntahan siya noon sa apartment. Bayad naman na ni Dean iyon kaya in-avail na rin niya. It went well as usual, at sinabi na lang niya rito na mas abala na siya sa ibang bagay kaya umaayos na rin ang estado ng kaniyang mental health. Patuloy pa ring lumalabas ang mga balita tungkol sa issue. May mga rumors na nga na break na raw sila ni Dean dahil nakita ng mga rallyista na umalis sila ni Gio sa bahay ng binata. Hindi na inisip ito ni Frida dahil masyadong interesante ang nasa listahan. Ito na ang magtuturo sa kaniya kung

