CHAPTER XXXI DEAN Unang napansin ni Dean na parang abandonado na ang gusali. Ito ‘yung nakalagay sa address na ibinigay ni Diether sa kaniya upang ma-meet ‘yung agent na matutulungan sana siya na makabalik sa pag-arte. May mga nakita naman siya iilan-ilan na tao ang labas-masok sa building kaya pinasok na rin niya. He asked the person in the lobby kung saan ang address at itinuro naman sa kaniya. Sumakay na siya ng elevator. Ipinaalala niya sa sarili na hindi ito katulad ng show business sa Pilipinas. International na ‘to. Maaaring kung makakuha man siya ng project in the future, buong mundo na ang kaniyang magiging audience. Mas marami nang makakakita sa kaniya. Mas maraming pwedeng magmahal at umayaw sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy naging baguhan siya sa mga ganito.

