CHAPTER XXX DEAN Aminado naman si Dean na naghihinayang siya noong una para kay Gio at sa trabahong napili nito. Nakatapos si Gio ng college, at paniguradong may ibang opportunity na pwedeng naghihintay sa kaniya kung hindi lang siya nagmamadali. Hindi naman sa hinahamak niya ang trabaho ng isang barista sa coffee shop, it’s just that there could’ve been other work na mas fit para kay Gio na magagamit niya ang mga natutunan sa kolehiyo. Pero halos nagbago naman ang pagtingin ni Dean noong minsang umuwi si Gio at nagkwento tungkol sa kaniyang mga mga katrabaho. “Alam niyo ba, noong sinabi ko na throuple tayo, wala silang any weird na reactions. As in sobrang normal lang. Kaya sobrang naging komportable na rin ako agad sa kanila,” pagkekwento ni Gio. Masaya siya para dito. M

