CHAPTER VI

3648 Words
CHAPTER VI     GIOVANNI     Iyon gabi na iyon hindi makatulog si Gio, hindi pa rin talaga mawala sa isip niya ‘yung nangyari na itinulak siya ni Dean nu’ng nakita niya ito sa bar. Sumisilip na ‘yung liwanag sa labas pero ‘di pa rin siya dinadalaw ng antok. Tanong ito nang tanong sa sarili kung ano bang nagawa niya, may nasabi ba siyang mali? “Dean,” lang naman ang sinabi niya, a? Mali ba ‘yung tono niya? Inalala din niya ‘yung huling pagkikita nila sa FFF. Nu’ng audition, iniwan naman nila ang isa’t isa na ok sila. Sabi pa nga ni Dean sa kaniya “I’ll remember you, Giovanni,” I’ll remember you pala ha, sarkastikong bulong ni Gio. Hindi na niya pinilit matulog dahil sumasakit na ‘yung mata niya kakapikit. Naligo na lang siya saka lumabas ng kaniyang villa. Umaasa si Gio na pag naarawan na ulit siya baka mawala na 'yung inis niya. Teka, dapat baka kasi siyang mainis? Oo naman. Itulak ka ba naman? Saka kilala naman siya ni Dean, e? Bakit kung umasta si Dean, e, parang may gagawin si Gio na masama sa kaniya? Alam naman niya ang lugar niya, na simpleng tao lang siya at super start si Dean. ‘Di na kailangang ipaaalala ng mga linyang "Get of off me!" Oo na. Siya na 'yung sikat. Siya na 'yung untouchable. Parang ilang saglit ay nabura 'yung imahe ni Dean na nabuo niya nu'ng auditions. Ibang-iba 'yung Dean na 'yun. Kahit naka-disguise, mabait. Matapang kasi kayang magpaka-vulnerable sa taong kakakilala pa lang. 'Yung Dean na umakbay sa kaniya, nanlibre sa kaniya, 'yung Dean na relatable, 'yung Dean na may problema, 'yung Dean na tao, nawala lahat. Parang sa isang iglap siya na 'yung artistang Dean na ang taas-taas. Habang naglalakad siya sa dalampasigan, at habang dinadalaw ng mga alon ang kaniyang talampakan, tinanong niya ang liwanag na papasikat pa lang sa dulo ng dagat. Ganoon ba talaga? Ganoon nga siguro talaga. Naisip niya ang mama niya. Ok pa kaya siya sa Hong Kong? Nakonsensya tuloy siya na hindi man lang niya natignan 'yung reply nito sa mensahe niya bago lumipad patungo dito. Tinanaw niya ang asul at berdeng tubig ng karagatan. Siguro sa kabilang dulo nito naroon ang kaniyang ina. Pero napakalayo at tila napakaraming daluyong pa ang kaniyang kailangang suungin mahagkan lang muli ang bisig ng ina. Hindi naman hahayaan ng Papa si Mama na mag-abroad. Kung hindi lang ito namatay agad. Matutuwa panigurado si Geraldine kung narito sa isla. Mahilig pa naman ‘yun sa mga ganitong adventure. Naalala niya ‘yung isa sa mga paborito niyang alaala kasama ang kapatid. Naligo sila noon sa ilog kasama ang papa nila. Maya-maya nawala si Gio. Akala nina Geraldine at ng papa nila ay nalunod na ito kaya lumangoy ang papa niya sa ilog kahit ‘di naman ito talaga maliligo doon. Ilag saglit lumitaw na si Gio, nilapitan siya ng ama at ni Gerldine, iyak nang iyak. Nag-alala raw ito sa kuya niya. Noong pinapagalitan na siya ng ama saka niya ipinakita ‘yung sugat nito sa binti, kinagat daw siya ng halimaw sa gilid ng ilog. Paniwalang-paniwala ang ama, e, peke lang naman ang sugat noon ni Gio. Galing lang ‘yung sugat sa tiniris niyang bunga ng kung anong prutas sa mga halaman sa gilid ng ilog. Pero paniwalang-paniwala ito dahil umaarte si Gio na nasasaktan. Iyon ang mga unang panahon na naniwala si Gio na kaya niyang paniwalain ‘yung mga tao sa kaniyang nararamdaman kahit ‘di naman totoo. Dahil sa kapilyuhang iyon, naisip niya na baka kaya niya ngang umarte at maging artista.   Sa paglalakad ni Gio doon niya natuklasan na talagang maliit pa lang na bahagi ng isla ang occupied. Malaking bahagi pa rin ang ‘virgin’. May patungo sa kakahuyan, naroon din ang paakyat sa talampasan. Sa ‘di kalayuan, may nakita siyang pigura. Hindi niya maipagkakaila na si Frida iyon. Kita na niya ang pamosong buzz cut nito. Natatamaan din ng sikat ng araw ang kaniyang mga piercing sa mukha dahilan upang parang may kinang lagi ang mukha nito. Kahit sa malayo nakikita niya ang mga tattoo ni Frida sa braso. Pero bago niya tawagin ang pangalan ni Frida napansin niyang umiiyak ito. Napayuko si Gio sa likod nga mga puno doon malapit sa dalampasigan. Kung tutuusin ang layo na nito sa resort at bar sa Isla Anima. Saka niya napagtanto na ang tagal na rin pala niyang naglalakad kanina. Mula sa malayo, pinanood ni Gio si Frida. Ayaw naman niyang maging creepy at magmukhang stalker pero hindi niya mapigilang alamin at ma-concern sa kalagayan ni Frida. Ayaw din naman niyang abalahin ito at mukhang malalim at importante ang iniisip. Besides, soul-searching naman talaga ang ipinunta niya rito hindi naman makipag-kaibigan sa mga kapwa nagso-soul searching. Nakaupo si Frida sa mga buhangin habang nakatitig sa malayo. Ilang saglit, lumuluha na ito, humihikbi. Nag-alala si Gio. Gustung-gusto niya itong lapitan. ‘Di niya alam kung bakit parang bigla ay nag-aalala siya rito? Dahil ba sa ginawang kabaitan nito sa kaniya noong unang gabi sa Isla Anima? Dahil ba sa mga naging usapan nila? Dahil ba sa nabuo nilang koneksyon sa isa’t isa kahit sandali pa lang silang nagkakilala? Naalala niya ‘yung mga kwento at personalidad ni Frida. She seems to be a strong independent woman. Pero ngayon mula sa malayo, ibinaba ni Frida ang mga pader nito sa paligid niya. Hindi na muna siya ‘yung imahe niya na malakas at palaban. Parang ‘di ‘yun ‘yung Frida na iiyak. Nagulat si Gio nang biglang magsisigaw si Frida. Hindi niya maintidihan kung anong inuusal nito. Pero sa bawat sigaw nito, nararamdaman niya ‘yung sakit. Bumilis ang t***k ni Gio. Hindi niya alam kung magpa-panic siya. Hindi niya alam gagawin. Kaunti na lang tatakbo na siya para yakapin si Frida at patahanin, at sabihing magiging ayos din ang lahat. “Aaaaahhhhhh,” palahaw ni Frida. Saka ito napaupong muli sa buhangin. Unti-unti nang kumakalma. Palapit na sana si Gio pero naalala niya ‘yung sinabi sa kaniya ni Frida noong magkatabi sila sa dalampasigan, na naririto siya upang maghilom ng mga sugat. Siguro nga mas marami pang pinagdadaanan si Frida. Sapat na siguro para sa kaniya na ang mga alon ang makarinig ng kaniyang naghihilom na puso. Hindi naman si Frida si Gio, pero naramdaman niya ‘yung sakit sa sigaw nito. Wala naman sa kaniyang makakarinig, e. Feeling ni Gio, siya lang ang nakasaki sa pagkakataong iyon. Tumayo na si Frida sa kinauupuan at nagpunas ng luha. Mukhang babalik na ito sa villa niya. Nag-panic si Gio, paano kung malaman niyang nandito siya? Baka magalit si Frida kasi parang na-invade na rin niya ang privacy nito. “Gio?” Shit. Nakita na niya. “Ah, eh,” nauutal na sabi ni Gio. Nag-iisip siya ng ipapalusot. Ayaw niyang aminin na nakita niya si Frida na nagmo-moment kanina. “Anong ginagawa mo rito?” “Uhm, wala naman, Frida. Naglalakad-lakad lang,” Nakangiti si Frida sa kaniya. Gano’n pa rin. Maaliwalas pa rin. Puro pa rin ang mga ngiti nito. Parang walang nangyari kanina, parang hindi siya umiyak nang malala dahil halos wala nang bakas ng luha. Dahil na rin siguro natural sa kaniya ang ganoong aura na masiyahin.  “Pabalik ka na ba sa villa? Hatid na kita,” iyon na lang sinabi ni Gio bilang pag-iiwas sa usapan na nandoon siya. “Sweet naman. Salamat,” Nang magkasabay na sila maglakad akala ni Gio nakalusot na siya. “Nakita mo ko, ‘no?” kalmadong tanong ni Frida. “Uhm,” “Ok lang naman. Aminin mo na.” “Sorry, ‘di ko sinasadya. Dapat pupuntahan talaga kita pero kasi--” “Di mo naman kailangan mag-sorry. Ok lang,” binigyan ng ngiti si Frida si Gio. ‘Wag mo ‘kong binibigyan ng mga ganiyang ngiti Frida, please, isip ni Gio. “Ok, sabi mo, e.” Tahimik silang naglakad sa tabing-dagat. Kung may makakakita sa kanila mapagkakamalan talaga silang magkasintahan. ‘Di nila alam hindi naman talaga sila magkaanu-ano. Na wala naman talagang namamagitan sa kanilang dalawa. Siguro. “Nagulat ka ba?” pagbasag ni Frida sa katahimikan. Ilang segundo bago ma-gets ni Gio ang itinatanong ni Frida. “Oo, actually. ‘Di ko akalaing may ganoong side ka. Kasi sa image mo parang ikaw ‘yung kahit anong gawin ‘di masasaktan, e.” “Facade ko lang naman ‘to. Lahat naman ng tao, may emosyon, may hangganan, at darating sa punto na kailangan mong ilabas lahat ng naipon diyan sa puso mo,” Saka tinuro ni Frida ang puso ni Gio. Humawak ito saglit sa kaniyang dibdib. Parang nakuryente saglit si Gio dahilan para bumilis ang t***k ng puso niya. “Ba’t parang nate-tense ka, Gio?” medyo natatawang sabi ni Frida. “Ah, wala. Tense, hindi a!” pagpapalusot ni Gio. Sa likod ng isip ni Gio, madali lang naman ‘to. Gaya lang din ‘to ng ibang nararamdaman niya dati. Kayang-kaya niyang pigilan. Ilang taon nga niya nakaya, bakit naman siya papalya sa pagpigil sa kung anong nararamdaman niya ngayon kay Frida. “So, kumusta ka?” tanong ni Frida. “Ako?” saka naalala ni Gio ‘yung nangyari kagabi. Si Dean. “Actually wala pa akong tulog. ‘Di ako makatulog. Ewan ko kung bakit?” “Ako rin, di pa ako nakakatulog. May tinulungan pa akong guy kaninang madaling araw dahil sa sobrang kalasingan,” Iisa lang naman ang nasa isip nila. Si Dean. Pero hindi nila iyon babanggitin sa isa’t isa. Mananatiling anonymous si Dean sa kanilang dalawa. “Pwede bang magtanong?” “Ano ‘yun,” sagot ni Frida. Feeling ni Gio, may sagot sa lahat ng katanungan ang mga katulad ni Frida. Lalo na’t writer pa ‘to. “Kapag ba may na-meet kang tao, ta’s nagkaroon kayo ng connection sa maikling panahon then nagkita kayo, anong gagawin mo?” “Ako? Definitely I’d say hi! Kung nandon naman na ‘yung connection na na-form niyo, ‘di ba dapat ipagpasalamat niyo sa tadhana na nagkita kayo ulit, na pinagtagpo kayo,” sabi ni Frida. “Malay niyo may ibig sabihin pala kung bakit kayo nagkita ulit.” “Ah, so definitely hindi mo siya itataboy na parang hindi mo siya kilala?” ‘Of course not! I have no reason naman para itaboy ‘yung tao, pwera na lang siguro kung nakalimutan na niya ako at hindi talaga totoo ‘yung connection na nabuo namin sa unang pagkikita. It happens tho.” Sa sinabi ni Frida lalo lang naguluhan si Gio. Sa buong paglalakad nila hanggang sa maihatid ni Gio si Frida villa nito at makauwi sa sarili niyang villa ay iniisip ni Gio na baka nga hindi totoo kung ano man ‘yung pinagsaluhang espesyal na pagkakataon nila ni Dean noong audition. Baka nga. Naghahalo-halo ‘yung inis ni Gio at panghihinayang. Tama siguro si Frida baka nakalimutan na rin talaga siya ni Dean. Hindi niya naman ito masisisi kung ganoon. Sino lang ba si Gio? Pero bakit kasi sasabihin ni Dean ‘yung “I’ll remember you, Giovanni,”? Ang babaw ba na pinanghahawakan niya ‘yung mga linyang iyon? Pero bakit kasi kahit isiksik niya sa isang sulok ng kaniyang utak iyong alaala na iyon, pilit na kumakawala? O baka naman pag-arte lang ang lahat. Isang act lang ang lahat? s**t. Bakit ba ito naiisip ni Gio? Gusto na lang talaga niyang kalimutan si Dean, at kay Frida na lang ibaling ang kaniyang atensyon. Pero tama ba ang kaniyang nararamdaman? Dapat ba siyang magbunyi kasi alam niya sa sarili niya na unti-unti siyang naa-attract kay Frida? ‘Di man maamin ni Gio sa sarili, pero alam niyang hindi na siya naa-attract sa babae pero bakit kay Frida? Kahit naman ganoon ‘yon at bisexual, babae pa rin siya? O baka mali si Gio tungkol sa sarili niya? Na baka hindi talaga siya ‘yung inaakalang siya.     FRIDA     Pagkatapos mailabas ni Frida lahat ng kaniyang nararamdaman saka pa lang niya naramdaman ‘yung antok. Hindi naman niya talaga inaalala kung nakita man siya ni Gio o hindi. Wala naman siyang pakialam. Si Gio naman ‘yun. Komportable naman siya sa tao at saka sino bang nagsabi na magkikita pa sila pagkatapos ng kaniyang bakasyon sa Isla Anima? Para ayaw pa niya tuloy tuloy umalis at bumalik sa Maynila. Parang gusto pa niyang mag-stay sa isla at ipakilala pa kay Gio ang sarili. Wait, iyon ba talaga ang kaniyang goal kung bakit siya naroon? ‘Di ba’t ang sarili talaga niya ang pakay niya? May something kay Gio na komportable siyang magbukas ng sarili. Ganoon naman siya sa ibang tao bilang isang indibidwal na komportable sa sariling balat, pero kay Gio parang lahat ng tungkol kay Frida bago sa kaniya? Nakaka-miss ‘yung pakiramdam na makita ka ng isang tao bilang bago, na hangaan, na maging hindi pang-karaniwan. Iyon ba talaga ang katauhan ni Frida? Pagdating niya sa villa, nakita niya ang laptop niya na hindi pa pala niya naisasara mula pa kagabi. Naroon pa rin ang hindi niya matapos-tapos ng script sa pelikula. Bukod sa inaaral pa lang niya ang tamang pagsulat nito, hirap siyang umapuhap ng mga magagandang ideya. Nang pahiga na siya napansin niya ang boquet ng rosas sa kama. Kanino naman manggagaling ‘to? Labindalawang sariwa at mapupulang rosas. May nakaipit na sulat. “Thank you, -- Dean” Simpleng thank you note lang ‘yun pero bakit parang nawala ‘yung pagod niya? Nawala rin ‘yung antok niya. s**t. Sa lagay ng mga bulaklak mukhang kadadala lang nito sa kaniyang kama. Lumabas siya ng villa, nagbabaka-sakaling naroon pa ‘yung nagdala o baka si Dean. Walang tao sa silid. Tumungo siya ng infirmary ng isla at nalamang umalis na rin si Dean doon. Tinanong niya sa nurse kung saan ‘yung villa ni Dean at ng mga kasama nito pero hindi niya sinabi kahit nagmakaawa na si Frida dahil bawal daw iyon. Halos mawalan ng pag-asa si Frida. Naalala niya na sinabi rin ni Dean na huling gabi na nila mamaya ng mga kasama nito. Ilang oras na lang pala si Dean dito sa isla. Hindi maiwasang malungkot ni Frida. Bumalik na lang siya sa kanilang villa, hopeless, at hawak-hawak ang boquet ng rosas. Nagf-flashback pa rin sa isipan niya ‘yung mukha ni Dean habang nagkekwento ito noong nasa infirmary sila. Gustong puntahan ulit ito ni Frida, pero bakit nga ba? Magpapasalamat sa bulaklak, e, ‘di ba ‘yung bulaklak ay yung pasasalamat ni Dean sa kaniya? “Looking for me?” narinig sa ‘di kalayuan ni Frida bago pumasok sa villa. Pamilyar ang boses. Nilingon niya ito. Nakangiti si Dean sa ‘di kalayuan. Lalo siyang gumwapo Nakasuot ito ng puting polo at nakabukas ang unang dalawang butones mula sa kaniyang leeg kaya nakikita ni Frida ang hugis ng well-toned na dibdib nito. Bagay ang beige shorts sa kaniyang pang-itaas. Perfect ang beach look nito. Malayung-malayo na sa wasted nitong itsura noong madaling-araw. Ginantihan ito ng ngiti ni Frida. Akala niya sa TV na lang niya ulit makikita si Dean. “Hi,” sa unang pagkakataon tila nab-blanko si Frida. “Thank you pala rito,” sa niya itinaas ‘yung boquet ng rosas. “Ah, wala ‘yun. I should be the one thanking you. Thank you kagabi.” Biglang naging nakakailang ang atmospera. “Oops, that sounded wrong,” Napatawa si Frida. Gets niya. “I mean thank you sa pagtulong sa akin. Kung wala ka baka kung ano nang nagyari sa akin.” Saka biglang naalala ni Frida ‘yung mga inuusal ni Dean bago ito mawala ng malay at bago niya saklolohan. “Huwag po, please. Huwag po, please.” Naglakad sila sa dalampasigan. ‘Di nila ininda ang sikat ng araw. Sapat na ang presensya ng isa’t isa upang manatili. “Hindi ko na maalala ‘yung huling beses na nakatanggap ako ng bulaklak. Ang weird pala ng feeling,” “Ha,” nagtaka si Dean sa sinabi ni Frida. Sa isip niya, ganoon ba nai-intimidate ‘yung mga lalaki sa kaniya? Siguro kasi dahil sa look ni Frida. “I mean, nakakatanggap naman ako. Pero usually ako ‘yung nagbibigay,” “What do you mean?” lalong nalito si Dean. “Sa ex-girlfriend ko,” biglang may lungkot sa tono ni Frida. “Oh,” kaya pala, sa isip ni Dean. “So, you’re a lesbian? Sayang,” “No, I’m bisexual,” sabi ni Frida. “Saka anong sayang? Walang sayang. Kahit lesbian man ako, never magiging sayang lalo na kung isinasabuhay ko ang katotohanan ko,” Napangiti si Dean sa sagot niya. ‘Di niya rin alam kung bakit niya nasabi ‘yung ‘sayang’. Mali ‘yun. Parang nakalimutan ni Dean na ‘yun din halos ‘yung mga salitang sinasabi niya sa mga tao noong nag-out siya as gay sa publiko. “Saka, dapat alam mo ‘yan. Alam kong maraming pangba-bash ang natanggap mo nu’ng nag-out ka,” dagdag ni Frida. “Yeah, sorry. Nawala lang ako bigla sa sarili, sabi na lang ni Dean.” Naalala niya ‘yung unang TV guesting niya bilang out. He ended that interview with an advice sa mga tao hindi kailangan magmadali, wala dapat pressure to come out sa closet. At ‘wag matakot na to live their own truth.Hindi iyon itinuro ng manager niya o kung sino man sa kanyang team or production. Sa kaniya talaga nanggaling ‘yung mga salitang iyon. “So, anong balak mo? Babalik na pala kayo ng Manila tonight?” “Actually, hindi ako sasama sa kanila pabalik,” tinignan ni Frida si Dean, nagliliwanag ang binata dahil sa sinag ng araw sa kaniyang likuran. Lalong nakikita ‘yung pagkakulay tsokolate ng kaniyang mata. “Nagpaiwan ako. I feel like kailangan ko rin ng time sa sarili ko.” “Wow, soul searching din?” Kung may dala lang na camera si Frida hindi niya pagsasawaan kuhanan ng litrato si Dean. Parang kahit anong anggulo, gwapo pa rin siya. Umupo sila sa isang tabi. Ibinaba niya muna sa buhangin ang boquet ng rosas. Inilapit din nila ang kanilang mga talampakan sa mga dumarating na alon. Tila naging pamilyar ulit kay Frida ang eksena. Naalala niya tuloy si Gio. “More like hindi rin kasi ako komportable na may kasama. Especially direk, and people like him,” saka nakwento ni Dean ‘yung about sa kasama niyang direktor at ang co-actor niyang si Jeremy. “I had a history kasi with--” halatang pinipili ni Dean ang mga salita. “I like to think na naka-move on na ako pero may mga times talaga na nati-trigger. Tinaggap ko pa rin ‘yung project na ‘to despite the history. Parang gusto ko rin malaman kung naka-move on na ako. And may gusto lang din akong patunayan sa mga nag-reject sa akin. Iyon talaga. Then after that, tapos na talaga ako.” Saka naikwento ni Dean ‘yung nangyari sa auditions niya sa Filipinas Film Festival, ‘yung disguise at ‘yung rejection sa kaniya. Matamang nakikinig si Frida. Kahit gaano niya kagusto na nagsasalita at nagkekwento, it’s always nice na makinig din paminsan-minsan. Tinititigan niya ang mga mata ni Dean habang nakatitig sa dagat at sa mga parating na alon. Iniisip niya kung umaarte lang ‘to pero hindi. Ibang-iba ito sa Dean na nakikita at napapanood niya sa TV at Film. “I heard you,” sabi ni Frida kay Dean, “Before ka nagpass-out you were crying out for help.” Iniingatan ni Frida ang mga salita pero sa kaniyang sorpresa kalmado lang itong tinaggap ni Dean. “I was raped when I was 17.” Napanganga sa gulat si Frida. Napahawak din siya sa braso nito. Gusto niyang yakapin si Dean. Kahit ‘wag na niya ikwento. Hindi naman kailangan, e. “No, it’s ok,” ngumiti si Dean. Hanga si Frida sa katapangan nito. Tatlong taon pa lang iyon. Maaaring sariwa pa ang mga sugat. “Parte ‘to ng proseso ko. “Before that, I was 15. A director used to masturbate infront of me. I was so scared. Pero he never hurt me. Akala ko iyon na ‘yung pinakamalala. I was 17 when a producer took advantage of me. I was forcing myself to believe na walang gagawa sa ‘kin no’n. I trusted the people around me, especially him. He was so kind to me. Lahat. Never akong nastress sa set or na-pressure kasi lagi niya akong ina-assure. He gained my trust again even after my experience noong 15 years old ako. Ganoon siya ka-manipulative. Then one day, before the launch of the movie sa South Korea magkasama kami sa hotel. Natulog kami hanggang nagising na lang ako ng madaling araw na he was doing something to me. We were in a foreign country then haharap ka sa maraming tao at media kinabukasan. I can’t just run away. Especially, noong lumalakas ‘yung buzz sa movie namin,” napabuntong-hininga na lang si Dean. Yumakap si Frida. May mga luha sa kaniyang mukha. She used to interview rape victims before sa mga naging volunteer projects niya. Hindi bago ang istorya ni Dean pero sa tuwing makakarinig siya nito, hindi niya naiiwasang maiyak. Hindi lang dahil sa awa kung hindi dahil katapangan nila na maikwento ang masalimuot na parte ng kanilang buhay. Walang kahit anong malisya, niyakap ni Frida si Dean bilang kaibigan. “Ikaw naman pinapaiyak mo ‘ko, e,” biro ni Dean. Tumingala ito upang ‘di tumulo ang luha. Saka ito tumayo. “Tara,” saka nito inabot ang kamay ni Frida. “Saan--” saka hinablot ‘to ni Dean papuntang dagat. Saka sila parang mga batang nagbasaan habang sinasalubong ang mga maliliit na alon. Naghabulan sila, gaya sa mga pelikula pero hindi bilang magkasintahan. Sinubukan nilang lumangoy pero ‘di sila lumayo at tumungo sa malalim na parte. Naroon lamang sila at hindi hinahayaang mapalayo sa isa’t isa. Kaunti ang tao sa paligid. Mabibilang lang sa daliri. At karamihan naman doon wala ring pakialam sa kanila. Walang nakakilala kay Dean na ibang tao. Wala ring nakakilala kay Frida. Sinamantala nila ang sandaling kalayaan mula sa mapanghusgang mata ng publiko. Nang mapagod ay umahon na rin sila. “I needed this,” usal ni Dean nang pabalik na sila sa mga villa nila. Bitbit na rin ni Frida ‘yung boquet na bigay sa kaniya ni Dean “I missed having this kind of moment with someone,” Nang marinig ni Dean iyon ay tila nagkaroon siya ng pag-asa. Pero hindi niya inaamin sa sarili. Para kasing mali. Mali talaga! “Yie, nai-inlove na siya sa akin,” biro ni Frida habang natatawa. Biglang nailang si Dean, “Excuse me, I’m gay,” tumingin sa malayo si Dean para iiwas ang mukhang namumula. “‘Di tayo talo.” “You’ll never know. Always remember that gender is fluid,” makahulugang sabi ni Frida habang inaamoy ang mga rosas. “One day straight ka, then the next day… hindi na pala. Same with you,” Ayaw pansinin ni Dean ‘yung mga sinabi ni Frida. Totoo kaya ‘yun? E, galing kay Frida, siguro totoo nga? O baka naman hindi. Syempre, mas kilala pa rin niya ang sarili. Habang naglalakad may nakasalubong silang pamilyar ng pigura. Nagkasabay sa pagsasalita sina Frida at Dean “Gio!” masayang bati ni Frida. “Giovanni?” nagtatakang sabi ni Dean. Nagkatinginan sina Dean at Frida saglit. Kilala nila ang isa’t isa? Paano? Saan? Pero kung may isang pinaka-nalilito sa pangyayari at pagkakataon, iyon ay si Gio. Napahinto siya sa paglalakad. Pabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Bakit sila magkasama? Bakit may hawak na boquet ng rosas si Frida? Bakit basang-basa sila? Bakit parang kilala na nila ‘yung isa’t isa? Gay si Dean, ‘di ba? Anong ibig sabihin nito? Bakit parang ngayon ay nakilala ni Dean si Gio? Nakalimutan na ba niya ‘yung ginawa nito sa kaniyang pagtulak sa bar? Parang nabingi si Gio sa dami ng tanong sa kaniyang utak. Tumalikod siya at tumakbo palayo kina Dean at Frida.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD