CHAPTER VII
FRIDA
Hindi alam ni Frida ang gagawin sa sandaling iyon. Biglang ang daming tanong. Hahabulin ba niya si Gio? Ang totoo nga nasabik siya na makita si Gio at gusto niya rin ipakilala si Dean dito. Teka, bakit ba kasi siya tumakbo? At kung huhusgahan ang ekspresyon ni Gio, bakit parang nagseselos ito?
Ilang segundo lang, hindi na nila matanaw ang pigura ni Gio. Wala pa ring nagsasalita kina Frida at Dean. Nagpatuloy na lang silang maglakad.
“That was weird,” bulong ni Frida.
“Wait, you know Giovanni?” biglang tanong ni Dean.
Nilingon ito ni Frida, “You mean Gio? Yeah. I met him on his first day here. Ikaw rin?”
“I know him--” naputol ang sasabihin ni Dean sa biglang tanong ni Frida.
“Pero bakit siya tatakbo? Ok naman kami noong huli naming pag-uusap. Bakit parang, I don’t know,” sabi ni Frida.
“I met him before sa auditions sa Filipinas Film Festival--”
Napanganga si Frida. Unti-unti lumalapat ang mga piraso ng puzzle sa kaniyang utak.
“Oh my god, Dean,” nanlalaki ang mata nito sa binata. “Ikaw ‘yung nakwento niya sa ‘kin na sikat na actor na nakasabay niya sa auditions na crush niya--”
“Wait, what?” nagulat si Dean sa sinabi ni Frida.
“Uh, oh,” biglang napatikom ng bibig si Frida. s**t, that wasn’t my story to tell, isip ni Frida. Lihim siyang nag-sorry kay Gio. “Uhm, I mean nakakwentuhan ko rin kasi si Gio about stuff. You know, life, career, ganyan. Saka kung bakit siya nandito. I mean ‘yung parang sa ‘tin. We kinda connect din kasi.”
Mukhang kumbinsido naman si Dean sa paliwanag ni Frida. Pero hindi maaalis sa isip niya ‘yung salitang ‘crush’ na aksidenteng nasabi ni Frida. ‘Crush’ pala Giovanni, ha?
Saka biglang naalala ni Dean ‘yung eksena sa bar no’ng lasing siya.
“s**t!” napasigaw si Dean. “It can’t be!”
“Why? Anong problema?” Nagulat si Frida kay Dean. Parang siya lang din kanina at naramdaman na niyang may aaminin ding tagpo si Dean na kasama si Gio. Hindi nga lang niya alam kung maganda ‘yun o hindi.
“He was the guy!”
“Ano? Linawin mo nga, Dean.”
“‘Yung kinekwento ko sa ‘yo, before you found me na unconscious.”
“Oh, the guy na sabi mong who attacked you? What the f**k?”
“No, no, no. He didn’t do anything,” malinaw nang lahat kay Dean. He’s in trouble. “He hugged me when he saw me and I didn’t recognize him so…I pushed him.”
“Omg, what have you done?” nag-aalalang tanong ni Frida.
“s**t, s**t. I was triggered kasi. Like nu’ng niyakap niya ko parang biglang bumalik ‘yung mga alaala when I was in Korea… and then I ran.”
Frida feels sorry for Gio. And then Dean, too.
“f**k, I have to do something. I didn’t mean to push him. Look, I was drunk and then--”
“Shhh,” inalo muna ni Frida si Dean dahil mukhang nagpa-panic na ito.
“But why would he run?”
Walang nakasagot sa tanong na iyon hanggang sa makabalik si Frida sa villa nito at si Dean sa bago niyang solo villa. Nagpaalam muna si Frida kay Dean dahil wala pa itong tulog. Bago sila maghiwalay, napagusapan nilang kung sinoman ang unang makakakita kay Gio ay kakausapin ito at susubukang tanungin kung anong nangyari.
GIO
Tumakbo siya nang mabilis na parang hinahabol siya ng mga emosyong hindi naman niya dapat maramdaman. Saka niya napagtanto na nasa parte na siya ng isla ngayon kung saan niya nakita sa Frida na nagmo-moment.
Hinabol muna niya ang hininga bago umupo sa mga buhangin. Tinitigan ang paligid upang masigurado kung totoo ang lahat at hindi isang panaginip. Totoo pa naman ang mga rock formation sa ‘di kalayuan at ang paghampas dito ng mga alon. Totoo pa naman ang naiibang kulay ng buhangin sa tuwing ito’y mababasa ng tubig-dagat, ang mga puno sa kaniyang likuran, at ang daan papunta sa talampasan sa likod nito.
Humiga siya sa buhangin at tumitig sa asul na langit. Saka niya tinanong ang sarili, bakit ba ako tumakbo?
Hindi niya naapuhap ang mga sagot sa langit. Hindi naman niya kailangang sagutin. Teka, bakit ba niya hinahayaang maapektuhan siya ng mga emosyong konektado sa ibang tao? ‘Di ba, nandito siya sa dahil sa sarili niya? Para mabigyan ang sarili ng pagkakataon para sa mag-transisyon sa panibagong yugto ng kaniyang buhay?
O posible bang ang transisyon na ito ay mapuno rin ng mga mga emosyong ‘di niya inaasahan?
Kumalma na siya matapos ang ilang saglit. Nang makaramdam na siya ng gutom bumalik na siya sa kaniyang villa. Paniguradong naroon na ang kaniyang pagkain. Dinala na ‘yun ng guide.
Pero kahit anong gawing pangdi-distract niya sa sarili sa para lang mawala na ‘yung mga naramdaman niya. Lumipas ang dalawang araw na nag-pokus siya sa sarili niya. Sa umaga, naliligo siya sa dagat. Mag-isa. Lumalangoy. Mag-isa. Sandali lang, umitim na ang kaniyang kompleksyon. Naisip niya noong una na dapat hindi na siya nagbabad sa araw. Pero naalala niyang hindi naman na siya mago-audition o pupunta sa mga casting calls, hindi na niya kailangang alagaan ang balat. Nagpapahid naman siya ng moisturizer para hindi tuluyang masunog ang kaniyang balat.
Napagtanto niya na naging obses siya dati sa pagpapaputi dahil ang tingin ng mainstream media sa mapuputi ay mas kaaya-aya. Mas maganda, mas gwapo, at mas malinis tignan. Kaya samu’t sari din ang mga whitening products sa merkado. Hindi nila alam na walang masama at pangit kung kayumanggi o mas dark ang kulay ng balat.
Noong humarap nga siya sa salamin, sa tingin niya mas bagay sa kaniya ang tan. Siguro kung ganito ang kulay niya baka mas maraming roles ang nakuha niya, biro niya sa sarili.
Sa tanghali nasa villa lang siya. Minsan humihiga at natutulog siya sa beach lounge chair. Nakashades at nakatitig lang sa langit.
Inisip niya ang kaniyang pagod, hindi lang ng mga nakaraang buwan at taon, kung hindi ‘yung pagod ng kaniyang kaluluwa. Huminga siya. Nilasap niya ang bawat kalayaan at kapayapaan ng bawat bagay sa kaniyang paligid.
Sinadya niyang iwasan ang bar sa isla. Parang ayaw niya munang makakita ng tao. O baka ayaw niya lang makita sina Dean at Frida, dahil takot siya sa kung anong maaaring maramdaman?
Isang gabi, dahil maalinsangan ang panahon lumabas siya ng villa upang maligo. Medyo delikado maligo ng gabi sa dagat pero wala na siyang pakialam. Hindi rin naman malakas ang mga alon.
Nang papalapit na siya sa mga alon, may papalapit na anino sa kaniya. ‘Di niyamaaninag dahil madilim na rin. ‘Yung guide siguro, pero naipadala naman na sa kaniya ang hapunan kanina. Busog na siya. Sino naman kaya ‘to?
Papatangkad nang papatangkad ang pigura. Parang alam na niya ang sagot kung sino ito.
“I’ve been looking for you,” pamilyar ang boses. Siya nga. Parang ilang saglit napuno ang atmospera ng matapang nitong pabango. Ngayon ‘di siya nagreklamo sa amoy nito. Kaunti pa ay masasanay na siya sa amoy nito.
“Ikaw lang pala,” mahinang sabi ni Gio pero sapat na para marinig ni Dean.
Dahil sa liwanang ng buwan naaninag niya ang mukha ni Dean. Hindi na ito katulad ng mukha ni Dean noong nakita niya sa bar. Naroon ulit ang nang-uusisa at inosente nitong mga mata. Gusto niyang magalit sa nilalang na ‘to pero bakit ‘di niya magawa? Bakit parang ‘pag tinititigan lang siya, handa na siyang patawarin kahit ano mang pagkakasala nito?
“Sungit mo naman,” parang bata ang boses ni Dean. Sinasadya niya bang magpa-cute?
“Ano bang ginagawa mo rito?” Nakatayo na si Gio sa dalampasigan. Sumasalat na ang mga alon sa kaniyang tuhod.
“Hinahanap nga kita,” sabi ni Dean. Habang lumalapit si Dean sa puwesto ni Gio, lumalayo naman si Gio. “Wala ka kasi sa bar, ilang araw na kitang hinihintay doon.
“Teka, bakit ka ba lumalayo sa ‘kin?” biglang tanong ni Dean.
Ayaw muna kitang makita, isip ni Gio.
“‘Wag mong sabihing nangliliit ka?” natawa si Dean
Napangiti si Gio, pero hindi niya ito pinakita kay Dean at itinago na lang sa dilim.
Naalala niya pala, isip ni Gio.
“Lapit ka na rito sa ‘kin,” pakiusap ni Dean.
Huminto sa paglalakad si Gio. Nilingon niya si Dean. Naroon muli ang nangungusap nitong mga mata. Sige na nga, isip ni Gio. Lumapit ito sa kaniya. Nangliliit na naman siya pero ‘di na niya inisip. Pareho na silang nakatayo sa dagat habang mga may mga along kumikiliti sa kanilang mga binti. Pareho silang nakatitig sa buwan sa ‘di kalayuan.
“I’m sorry,” usal ni Dean. “I was drunk and I didn’t recognize you,”
Hindi sumagot si Gio. Niyapos silang pareho ng madalang at malamig na hangin.
“Ang totoo niyan, I was triggered.” Tinignan ni Gio si Dean. Gusto niyang marinig ang magiging paliwanag nito.
Saka kinwento ni Dean ‘yung trauma at ‘yung nangyaring rape sa kaniya. Wala naman siyang ibang maaaring dahilan at paliwanag kung hindi iyon. Doon na lang sa totoo. Saka isa pa, iba rin ang pakiramdam sa kaniya kapag naike-kwento niya iyon sa ibang tao. Nababawasan ang bigat ng bagahe na kaniyang dinadala.
Pagkatapos niyang magkwento ilang minuto rin silang tahimik. Hinayaan nila ang mga sarili na maging isa sa mga alon, at mga bituin sa langit.
“Thanks for telling me,” sabi ni Gio.
Dahil sa pagkekwento ni Dean na iyon lalo lang napalapit ang loob ni Gio dito. Bumalik nang muli ang mga mabuting imahe ni Dean sa kaniya na nabuo noong FFF auditions. Naroon ‘yung thought na dahil kilala mo na ‘yung tao, at nalaman mo na rin ang kaniyang madilim na nakaraan, ang kaniyang bubog, parang iyong mga bagay na malalaman mo pa sa kaniya ay extra na lang. Dahil ang lahat naman ng ito ay konektado.
“Paano ba ‘yan kilala mo na ‘ko,” sabi ni Dean.
“Kilala mo na rin naman ako, a,” sagot ni Gio.
“So,”
“So?”
“Edi, thank you,” seryosong sabi ni Dean. “for not judging me agad and for hearing my side.”
“Ba’t naman kita huhusgahan agad-agad?”
“Akala ko kasi galit ka, e.”
“Not really,” sabi ni Gio. “Hindi ko magagawang magalit sa ‘yo,” bulong ni Gio.
“What?”
“Narinig mo ‘ko, ‘wag kang ano,” medyo sarkastikong sabi ni Gio.
“Yiieee,” pang-uuyam ni Dean. “Galit na siya ulit.”
“‘Di, a!”
Muling namayani ang katahimikan. Kung kanina mabigat ang atmospera, ngayon unti-unti itong gumagaan. Payapang nakadungaw sa langit ang buwan at mga bituin at nanonood sa dalawang binata. Tila nasasabik ang mga alon sa kanilang harapan na hagkan ang dalawa.
“I have an idea,” sabi bigla ni Dean. “Let’s have some fun.”
“Ano naman ‘yan?”
“Pero promise mo muna you’d do it,” nakatingin nang muli si Dean. May nakaambang ngiti ito sa kaniyang mukha. Nasabik si Gio.
“Nako, baka kung ano ‘yan, ha?” tanong muna ni Gio. Ayaw naman niyang pahalata na lahat naman handa siyang gawin basta para kay Dean.
“Basta, enjoy ‘to,” pangangako ni Dean. “Say yes, please?”
Hinawakan ni Dean ‘yung mga kamay ni Gio na parang nagmamakaawa. s**t. O parang nagpo-propose. Gio was slightly taken aback. Nailang siya bigla kaya napasabi na siya ng ‘yes’.
“Yehey!” parang bata na naman si Gio. “Let’s go skinny-dipping!”
“Baliw ka ba?” hindi makapaniwala si Gio. Kinabahan siya bigla, pero sa loob-loob niya, nasasabik siya. “Baka may makakita sa atin!”
“Wala ‘yan! Tignan mo ‘yung paligid, o? Wala nang tao. Hatinggabi na.”
Nilingon ni Gio ang kaniyang likuran. Malayo sila sa mga villa. Halos parang tuldok na lang din ang mga ilaw sa bar. Ang mga ilaw na lang sa puno at ang liwanag ng buwan at mga bituin ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.
Bago pa makaangal ulit si Gio, paglingon niya hinuhubad na ni Dean ang suot nitong polo.
“Seryoso ka ba?”
“Oo! Tara na.”
Tumambad kay Gio ang katawan ni Dean. s**t. Sa isang pelikula lang ito ni Dean unang nakita pero ngayon mas toned na ang mga muscles at abs ni Dean. Parang nililok ang katawan nito ng isang mahusay na iskultor. Maingat sa detalye ay at bawat sulok ng obra maestra. Napasinghap si Gio pero ‘di niya pinahalata. Sabik na sabik na si Dean na parang batang unang beses maliligo sa ulan.
“What are you waiting for? Hubad na!” sigaw ni Dean at bigla nitong hinubad na rin ang kaniyang shorts. s**t. Wala na siyang suot-suot ngayon. Nakita niya iyon kaya napalingon siya sa malayo at napalunok. Ramdam ni Gio na parang uminit ang paligid kahit umiihip naman ang hangin. “Huy, nahiya ka pa!”
Saka nagtatakbo si Dean sa mas malalim na parte. Hanggang baiwang na nito ang nalubog sa tubig. Inaaya pa rin siya nito. Naaakit na si Gio na samahan si Dean. Pipigilan ba niya? Babalik na ba siya sa villa?
“Hey, you promised me,” paninita ni Dean sa ‘di-kalayuan. “Gusto mo pa yatang hubaran kita, e? Yieeee, andyan na ‘ko!”
“Huy, hindi a!” Nag-panic saglit si Gio. Kung maliwanag lang, kitang-kita na ang pamumula ni Gio. “Eto na, wait!” Para hindi na lumapit pa si Dean.
Hinubad na rin lahat ng suot ni Gio. Initsa niya sa mga buhangin ang suot niyang t-shirt at beach shorts. He’s fully naked already just like Dean. Wala na siyang pakialam. Sawa na siyang magpigil. At noong gabing iyon, pinalaya niya ang kaniyang sarili.
“I told you it’s gonna be fun!” Nagbasaan silang dalawa. Naghabulan habang sinasalubong ng mga alon. Wala silang tigil sa pagsigaw dahil sa tuwa, hindi lamang sa ligayang nararamdaman kung hindi sa kalayaang ipinagkaloob ng pagkakataon.
Ilang saglit ay ambang bubuhatin ni Dean si Gio.
“Huy, teka sa’n mo ‘ko dadalhin?”
“Dadalhin kita sa malalim, shorty!”
“Anong shorty ka riyan!”
Nang yumakap si Dean upang buhatin si Gio, kumalas ito bigla dahil na rin nakikiliti si Gio sa tuwing sasalat si Dean dito. Pero hindi sumuko si Dean kaya’t hinabol niya nang hinabol si Gio hanggang sa madapa ito nang madapa dahil sa alon sa dalampasigan. Tawa lang sila nang tawa sa kanilang ginagawa.
Ilang minuto pa’y bumalik na sila sa dalampasigan. They’re still fully naked. Minsan hindi maiwasan ni Gio na sulyapan iyon. Hindi niya mapigilan. Iniiwas lang niya lagi ang tingin sa tuwing nariyan na ang mga mata ni Dean. Baka asarin na naman siya. Si Dean naman, walang pakialam. He seems so confident sa katawan niya. Kahit yata makita siya ng ibang tao, he won’t mind.
Humiga sila sa mga buhangin habang hinahabol ang hininga. Damang-dama ng bawat balat sa kanilang katawan ang buhangin at tubig sa dagat. Sapat na ang init ng isa’t isa upang labanan ang lamig ng paligid.
“That was fun,” sabi ni Dean.
“Yeah,”
Ilang minuto silang nanatili. Unti-unting nako-conscious si Gio sa hubad niyang katawan. Parang kahit anong sandali ay may titigas na parte nito. Buti na lang binasag ni Dean ang katahimikan. Nakadapa na ito at nakalapit ang ulo sa kaniya. Tumingala si Gio upang salubungin ang mga mata ni Dean.
“So, you know Frida?”
“Yeah, nakausap ko siya noong unang araw ko rito.”
“Anong napagkwentuhan ninyo?” curious na tanog ni Dean.
“Buhay, kung bakit kami nandito sa Isla Anima.”
“Ano pa?”
“Interrogation ba ‘to?” pagbibiro na Gio.
“Mahihiya ka pa ba,” bakit parang mas lumalapit ang mukha ni Dean kay Gio. “E, nakita mo naman na lahat sa ‘kin.” Saka binigyan ni Dean ng pilyong ngiti si Gio.
Awtomatikong inilayo ni Gio ang mukha ni kay Dean dahil sa hiya. Pinagtawanan ulit siya nito. Nagpumilit muli si Dean na magkwento si Gio.
Nagkwento si Gio tungkol sa una nilang pagkikita ni Frida. Nakatingin siya sa langit hindi kay Gio. Pakiramdam niya kasi malulusaw siya sa titig nito. Pero nararamdaman niyang nakatingin si Dean sa mata niya habang nagkekwento siya. Hindi niya muna sinabi iyong nakita niya si Frida na nagmo-moment mag-isa.
“And you know what, we kind of connected. Ang weird pero, hindi ko alam She’s something,” sabi ni Gio.
“Yeah, right.”
“E, kayo? Mukhang matagal na kayong magkakilala, a?” tinutukoy ni Gio ‘yung nakita niya silang dalawa na tila galing lang din sa paliligo sa dagat. Bigla, napaisip si Gio kung nag-skinny dipping din ba sila ni Frida. Wait, tanghali iyon. Maliwanag pa. Imposible. Pero sandali, knowing how open and liberated si Frida baka ginawa nila. “So, nag-skinny-dipping din kayo, gano’n?”
“Yie, nagseselos siya,” biro ni Dean.
“‘Di, a.”
“Pero to answer your question, no, hindi kami nag-skinny-dipping ni Frida,” nakahinga nang maluwag si Gio. “First time ko actually mag-skinny-dipping. I got the idea from the script of our project. And then naisip ko, since first time ko, I want it to be real.”
Muling sinalubong ni Gio ang tingin ni Dean. Ilang saglit silang nagkakatitigan. Parehong bumilis ang t***k ng dalawang binata. Napatingin siya sa labi ni Dean ngunit itinaas niya muli ang tingin sa mga mata nito. Naramdaman ni Gio na may papatigas sa kaniyang katawan kaya biglang itong bumangon at umupo na lang sa buhangin.
Tumabi sa kaniya si Dean at itinuloy ang pagkekwento. Nakwento niya kay Gio na si Frida pala ang tumulong sa kaniya noong nawalan ito ng malay dahil sa trigger at pagkalasing.
“And you know what, I think naramdaman ko rin ‘yung naramdaman mo towards her,” nagkatinginan silang dalawa. Surprisingly, dapat makakaramdam si Gio ng pagseselos pero…wala. Napatanong tuloy siya sa sarili kung romantic ‘yung nararamdaman niya kay Dean o kay Frida, o baka naman it’s more than that.
Naging masaya si Gio nang malaman na may last project pa si Dean. Nakwento rin kasi ni Dean ‘yung tungkol sa may gusto siyang patunayan sa mga producers na hindi tumanggap sa kaniya sa FFF auditions.
“Last na talaga ‘to. Pagkatapos, wala na.”
“So, kailan ang shooting?”
“Next month. Attend lang kami ng last series of workshops, then rehearsals then shoot na,” sabi ni Dean. Biglang nagkaroon ng ideya ito. “Oh, wait I can recommend you to direk Eric. He can include you to the cast. Pwedeng ito na ‘yung break mo!”
Naisip na iyon ni Gio noong sabihin pa lang ni Dean ang tungkol sa project nito. Pero, hindi na siguro. Napangiti na lang si Gio sa malayo. Saka niya kinwento kay Dean kung bakit hindi na pwede. Sinimulan niya noong hindi rin siya nakuha sa role after nu’ng interview with the casting director sa FFF auditions maybe because of his age, ‘yung iyak niya pagkatapos noon, ‘yung pangako niya sa ina na huli na iyon, ‘yung sinabi sa kaniya ng amerikanong boss, iyong trabahong kaniyang tinanggap at naghihintay sa kaniya at kung bakit siya andito sa Isla Anima.
“So, para kalimutan na lahat?”
“Oo.”
“You did great pa rin naman,” sabi ni Dean.
Limang taon. Para sa wala. Napabuntong-hininga na lang si Gio. Tanggap na niya. Tanggap na niya dapat. Siguro. Oo.
Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Pinanood din nila ang walang hanggan at walang kapaguran pagkumot ng mga alon sa dalampasigan. Idinantay ni Gio ang ulo nito sa balikat ni Dean.
Magpapahinga na ako, isip ni Gio. Pumikit siya pero para hindi matulog kung hindi para namnamin lang ang pahinga, ang tahanan sa bisig ni Dean.
Dito ka lang, sa isip ni Dean ngunit hindi ito lumabas sa kaniyang bibig.
Sa ‘di-kalayuan, nakita ni Frida lahat. Halos maubos niya ang isang kaha ng yosi habang tahimik na nanonood sa dalawang binatang nakaramdam siya ng dalisay na koneksyon. Napangiti siya. Para siyang nanonood ng isang napakagandang pelikula.
Kinuhanan niya ito ng litrato mula sa kaniyang cellphone. Hindi naman niya ia-upload dahil wala rin namang signal. Memorabilia lamang ng dalawang nilalang sa isang pambihirang pagkakataon.
Bumalik na si Frida sa kaniyang villa. Ngayon, may ideya na siya para sa isinusulat niyang pelikula.