KABANATA TATLO

1731 Words
Shun Gray Williams Maaga natapos ang klase. Dahil halos magkapareho ang schedule namin ng kapatid kong si Selena, napagdesisyunan kong maghintay na lang sa labas ng campus. “Shun, gusto mo bang sumama sa ’kin? Let’s play a game sa nearby café,” aya ni Oliver habang naghahanda akong umalis. “May plano ako—kasama ko ’yung kapatid ko,” mabilis kong tanggi. “Ah, ganun ba? Sige, next time na lang,” nakangiting sabi niya. Tumango ako at naglakad na diretso papunta sa gate. Doon ko pinili tumayo—sa lugar na may kaunting lilim, sapat para makita ko ang mga palabas ng campus, at sapat din para hindi ako masyadong mapansin. Pero kahit anong iwas ko, parang may laging sumusunod na tingin. “Ang gwapo niya talaga…” “Totoo. Balita ko, he’s from America. No wonder ang fluent niya sa English.” “Paano mo nalaman? First day pa lang niya ini-stalk mo na?” “No! Classmate ko siya. Tapos during the activity, narinig ko boses niya.” Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Ibinaling ko ang tingin sa kalsada at bahagyang ibinaba ang ulo, kunwari may tinitingnan sa phone. Hindi ba nila alam na rinig ko? O alam nila—at mas gusto lang nilang marinig ko? Huminga ako nang dahan-dahan. Sanay na ako sa ganitong usapan. Sa America, ibang klase lang ang packaging—mas “subtle,” pero pareho pa rin ang epekto: parang may label ka bago ka pa makilala. Hindi ko naman kasalanang gano’n ako magsalita. Hindi ko kasalanang lumaki ako sa ibang lugar. At lalong hindi ko kasalanan kung bakit kailangan kong bumalik dito—sa lugar na halos ngayon ko lang tatawaging “pamilya.” “Kuya!” Napalingon ako agad sa direksyong pinanggalingan ng boses ni Selena. Nakita ko siyang papalapit, nakangiti, parang walang bigat ang araw. Natural ang aura niya—yung tipong kahit pagod, parang may dalang liwanag. Ngumiti rin ako, pero naputol iyon nang mapansin ko ang gasgas sa tuhod niya. “Anong nangyari?” tanong ko, tumitig sa sugat. “Wala ’to. Hindi kasi ako tumitingin kanina, ayon—nadapa ako sa hagdan. Lucky nasa last step na ako,” sagot niya, nakangiti pa rin na parang wala lang. May kung anong humigpit sa dibdib ko. Gusto kong sermunan siya, gusto kong sabihing mag-ingat siya. Pero iba ang dating kapag sinabi ko—parang wala akong karapatang mag-utos. Bago lang ako sa buhay niya. Bago lang ako sa lahat ng ’to. “Ganun ba,” mahinahon kong sabi. Hindi na ako nagtanong pa, pero sinigurado kong mas mabagal ang lakad ko para makasabay siya. “Oo nga pala, Kuya,” sabi niya, mas magaan ang tono, “hindi mo ako kailangan hintayin pag-uwian. If you make friends and they invite you sometimes, you don’t have to walk me home.” Napatingin ako sa kanya. Ang totoo, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na hindi lang ito tungkol sa “paghatid.” Para sa ’kin, parang ito na lang yung siguradong parte ng araw—yung may kasabay ako, yung may uuwian akong hindi lang bahay. “Okay lang,” sagot ko. “Minsan… gusto ko lang talagang maglakad kasama ka.” Ngumiti siya, parang may naintindihan kahit hindi ko sinabi nang buo. “Ikaw ha! Sige. Dahil ginusto mo ’yan, samahan mo muna ako sa supermarket. Kailangan kong bumili ng lulutuin para sa ulam natin.” “Yeah, let’s go,” sabi ko, at mas naging totoo ang ngiti ko. “So, how was your first day, Kuya?” Ramdam ko ang excitement sa boses niya. “Nothing much. Introductions lang… and overview ng lessons,” sagot ko. “Ikaw, kumusta?” Nakita ko ang saglit na pagkawala ng ngiti niya—parang may dumaan na anino sa mukha. Mabilis, pero malinaw. “May problema?” agad kong tanong, hindi ko napigilan. Bumalik ang ngiti niya, tumingin sa ’kin. “Okay lang din naman.” “That’s good to know,” sagot ko, pero hindi ko pinilit. May mga pagkakataong mas mainam maghintay kaysa magtanong nang paulit-ulit. Kung gusto niyang sabihin, sasabihin niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad, at sa bawat hakbang, pakiramdam ko unti-unting lumuluwag ang hangin sa paligid ko—parang mas kaya kong huminga kapag kasama ko siya. Selena Williams Naging tahimik ang paglalakad namin pagkatapos ng usapan, pero hindi siya yung awkward na katahimikan. Mas parang… pahinga. Maya-maya, nakarating din kami sa supermarket. “Let me,” sabi agad ni Kuya nang aabutin ko sana ang push cart. Nginitian ko siya at naglakad na papunta sa meat section. Ramdam ko si Kuya sa likod ko, marahang itinutulak ang cart, parang ayaw niyang madaliin ang kahit ano. “Which one do you prefer, Kuya?” tanong ko habang kumukuha ng beef at pork. “Beef or pork?” “Anything is fine,” sagot niya. Napasimangot ako. Anything is fine? Wala namang “anything is fine” sa meat section. Chos. “Pork,” dagdag niya pagkatapos, kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako agad—reflex, kasi finally may sagot na malinaw. “Mukha kang binagsakan ng langit after I told you that anything is fine,” sabi niya, may halong biro. Tinaasan ko siya ng kilay. Siya naman, bahagyang napangiti—yung tipong pilit niyang tinatago pero hindi niya kayang pigilan. At kahit pakiramdam ko, wala na yung awkwardness sa pagitan naming dalawa… alam kong may dahilan. Siguro dahil sa nangyari kahapon. Flashback “Selena, apo,” sabi ni Lola, sabay abot ng ATM card. “Samahan mo si Kuya mo sa pagbili ng mga gagamitin niya para sa school.” Tinanggap ko agad at tumingin kay Kuya. Nakatingin lang siya sa amin—tahimik, parang iniisip kung dapat ba siyang tumanggap. “I don’t think I need many things,” sabi niya kay Lola. “I still have money with me. And I was only planning to buy a few notebooks.” “Okay lang ’yun, apo,” nakangiting sabi ni Lola. “Hayaan mo akong bumawi.” Tapos tumingin siya kay Kuya na parang pinapakalma. “Si Selena, kumpleto na ang gamit niyan, kaya masasamahan ka niyang bumili. Huwag kang mag-alala sa pera—marami tayong savings, okay?” Tumingin si Kuya sa ’kin. Tinanguan ko siya at sinenyasan na hayaan na lang si Lola. “Okay, Lola,” sagot niya. Napangiti ako nang makita ko ang laking ngiti ni Lola—at kahit si Kuya, ngumiti rin. “So, let’s go? Sa mall na lang tayo since evening na. Wala na tayong mabibilhan sa palengke,” sabi ko. Tumango siya. “Lola, alis na po kami,” sabi ko. “Sige, mag-iingat kayo, mga apo,” sagot ni Lola. Nauna akong lumabas ng bahay, ramdam kong nakasunod lang siya. Naglakad kami papunta sa hintayan ng e-jeep. Tahimik lang kami hanggang sa makasakay—at dahil rush hour, punuan. Nakatayo na lang kami. Hindi ako katangkaran kaya hindi ko maabot ang hawakan. “Sa akin ka humawak,” sabi ni Kuya. Sa takot na baka matumba ako, sinunod ko na lang. Pagdating sa mall, dali-dali akong bumaba, at ramdam ko pa ring nakasunod siya sa likod. “Okay ka lang ba, Kuya?” tanong ko agad. Kahit hindi siya nagsasalita, pansin ko yung ilang babae—pilit idinidikit ang sarili kay Kuya. Kitang-kita ko. Mabuti pa ata mag-taxi na lang kami mamaya… o maglakad, sabi ko sa isip ko. “Yes, I’m fine,” sagot niya. Ngumiti ako at naglakad na papasok ng mall. Tahimik lang kami papunta sa bookstore. “It’s awkward, right?” bigla niyang sabi. “H-ha? Hindi naman…” mabilis kong sagot. “Medyo lang…” “Don’t worry,” sagot niya. “I also feel nervous.” Napatingin ako sa kanya; diretso lang ang tingin niya sa daan. “Actually, after so many years,” sabi niya, “hindi ko alam na may pamilya pa pala ako dito sa Pilipinas. I only found out recently… and honestly, I don’t even know what to do.” Unti-unting nawala yung kaba sa dibdib ko. “Kuya,” sabi ko, “it’s okay to feel at a loss. Basta if you need something, you can tell me or Grandma. Hindi mo kailangan solohin lahat para lang maintindihan.” Ngumiti siya—mas totoo, mas maluwag. “Tama ka. I have you and Grandma with me.” Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. “Yes. So let’s go—before the store closes,” sabi ko, sabay hila sa kanya papasok ng bookstore, nakangiti. Flashback ends Dahil sa nangyari kahapon, parang nawala yung awkwardness. Siguro kasi nasabi niya na sa ’kin kahit paano yung nararamdaman niya. “I remember Grandma said gusto niya raw ng apple,” sabi ni Kuya. Napatingin ako sa kanya. Shoook. Oo nga. “Buti na lang ipinaalala mo,” sabi ko, napapailing. “Muntik ko na naman makalimutan.” Naglakad ako papunta sa fruit section. Sumunod siya habang tulak-tulak ang cart. Naglagay na rin ako ng iba pang rekado para sa hapunan at almusal bukas. Pagkatapos naming mamili, nagbayad na kami. Dahil hindi naman kalayuan ang bahay, naglakad na lang kami pauwi. “Ako na diyan,” sabi ni Kuya, sabay agaw ng isang eco bag. “Kuya,” natatawa kong sabi, “gulay lang ’to, kalma.” Nakatingin ako sa kamay niya—puno na rin ng eco bag na may laman ng mga pinamili ko kanina—pero parang ayaw pa rin niyang magpahinga. Bigla akong natigilan nang makarinig ako ng bahagyang tawanan sa parteng bahagi kung saan nadaanan namin ang isang convenience store. "Oy! Si Selena!" rinig kong sabi ng isa rito, alam ko kung kaninong boses 'yon. "Sino yon?" rinig kong tanong ng isa pa. "Alam mo yung school slave ni Ava?" nonchalant na sagot nito, "Oy, Selena, who's that hottie beside you? Your boyfriend?" "No, this is my brother," diretsong sagot ko sa kanya. "Your friend?" tanong ni Kuya sa akin, sinagot ko na lang siya ng isang tango at bahagyang hinila ang kanyang sleeve. "Friend? HAHAH, dream on," sabi ni Nica, "Over my dead body, I will never be friends with someone loser like you." Tila binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan, hindi p'wedeng malaman ni Kuya ang nangyayare sa akin sa school. Hangga't maaari ay ayaw kong mag alala ito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD