Shun Gray Williams
Nakita ko ang bahagyang pagtigas ng katawan ni Selena matapos marinig ang sinabi ng babae.
“What are you looking at, huh? jerk!” sabi ng babae sa akin.
“Ang sama mo makatingin ah!” galit na sabi naman sa akin ng lalaki.
“K-kuya tara na,” sabi ni Selena habang nakayuko at bahagyang hinihila ang manggas ng aking damit.
“Do you want to look cool in front of your sister?” maangas na sabi nito at nagpunta sa aking harapan.
For someone that’s picking a fight, masyado siyang defenseless. He closed the distance and came in front of me like it’s nothing—parang wala siyang konsepto ng danger, or maybe he thinks he is the danger.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga weak spot nito sa kanyang katawan, but still I focus on his neck.
If I snapped that neck, I would really feel great, isip-isip ko.
At doon… dumampi sa utak ko ang boses na ayaw ko nang marinig.
“Don’t ever fight.”
These words echoed in my ear—the words that Captain Limuel told me.
I just ignored him and sighed.
“How dare you!” galit na sigaw nito sa akin at agad na hinawakan ang kwelyo ng aking uniform.
“I’ll kill you, jerk!” dagdag pa nitong sigaw at itinaas ang kanyang kanang kamay na akmang sasampalin ako.
Gay, sabi ko sa aking isipan—hindi dahil insulto, pero dahil sa sobrang theatrical ng kilos niya. Parang pelikula. Parang gusto niyang may audience. Gusto niyang magmukhang malakas.
Pero ang problema… meron siyang audience.
“I’M SORRY!”
Agad akong napatingin nang marinig ko ang malakas na sigaw ng aking kapatid. Ramdam ko ang takot at kaba sa boses nito. Tila nanlamig ako nang makita itong nakayuko.
“Please itigil mo na ’to, hindi sinasadya ng kapatid ko na tingnan ka ng ganun.”
Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang mga balikat habang nakayuko at nagmamakaawa—parang gusto niyang lumiit hanggang mawala sa paningin nila. Parang gusto niyang maging hangin.
“My brother was living abroad for a long time before coming here, kaya hindi niya pa alam ang mga culture dito,” dagdag pa nito. Although I haven’t seen her eyes and face because of how much bowed her head is, I still managed to catch the shaking in her voice.
“And so?” rinig kong sagot ng babae.
“HAHAHAHA! Wala akong pakialam if this fucker lived abroad,” galit na sigaw ng lalaki habang hawak-hawak pa rin ang aking kwelyo.
Napatingin ako kay Selena. Nakatingin na ito sa akin. Nanginginig ang kanyang mga labi, kitang-kita ang takot sa kanyang mga mata na nadagdagan pa dahil sa pagkaputla nito.
May pakiramdam akong humigpit ang dibdib ko—hindi dahil sa kamay sa kwelyo ko, kundi dahil sa kapatid kong humihingi ng paumanhin sa mga taong hindi naman dapat kinakatakutan.
Hindi dapat siya yumuyuko sa mga ganitong tao.
Mabilis kong inilipat sa kabilang kamay ko ang iba pang eco bag na hawak ko, at pabalyang inalis ang kamay ng lalaking nakahawak sa aking kwelyo.
“ACK!” daing nito.
Of course, dadaing ka talaga sa akin dahil sinadya kong tamaan ang vital parts ng braso mo. Kahit hindi halata sa ibang tao, alam ko kung saan dudulas ang buto, saan may ugat na kapag napiga ay magbibigay ng “tingling” pain hanggang balikat. Hindi ko siya sinaktan nang todo—enough lang para matanggal ang kapit.
“What the hell did you just do?” mas lalo itong nagalit, kitang-kita na ang pamumula ng kanyang mukha.
Mabilis akong tumalikod dito, lumapit ako kay Selena.
“K-kuya?” namumutla pa ring sabi nito.
Nginitian ko siya—ngiting may assurance, ‘yong klase ng ngiti na pinipilit kong maging normal, maging kuya, maging tao.
“Wait for me here,” sabi ko sa kanya, at dahan-dahang inilagay sa kanyang ulo ang aking panyo upang matakpan nito ang kanyang mga mata.
“W-wai—”
“Shhh… don’t worry about me,” mahinang sabi ko rito.
Hindi ko alam kung mas para sa kanya ba ’yon o para sa sarili ko.
Habang dala-dala pa rin ang mga eco bag na naglalaman ng mga groceries na binili namin, muli kong hinarap ang tatlong taong nagpapahirap sa kapatid ko.
“You fucker!” sigaw sa akin ng lalaking nakahawak sa aking kwelyo kanina.
Agad itong sumugod sa akin.
“Tch.” nasabi ko na lang at agad itong tinadyakan.
Walang wind-up. Walang babala. One clean movement—heel-first, sa tamang angle. Hindi ko tinamaan ang dibdib niya para hindi huminto ang hininga niya at mamatay. Tinamaan ko siya sa bandang tagiliran para lumipad siya palayo.
Mabilis naman itong tumalsik sa mga basurahan, hindi na ito gumalaw pa pero kita ko ang mukha nito na nagdurugo ang ilong.
“Sorry, Captain,” nasabi ko na lang sa hangin, “for breaking my promise.”
Sa gilid ng paningin ko, may nagulat na sigaw ng mga dumadaan. May nagsabi ng “Grabe!” May nagmura. May mga taong napahinto. May mga mata.
Pero wala akong pakialam sa kanila.
Ang mahalaga… hindi na nila hawak ang kapatid ko.
“F-f**k! What the hell!”
Captain Limuel (Military Camp in America)
“Captain!”
I immediately looked at the one who called me. The training ground was hot, dusty, and loud—sigaw ng mga recruits, kalampag ng metal, at ’yong tunog ng boots na sabay-sabay humahampas sa lupa.
“Didn’t you say it was today?”
“What do you mean?” I asked.
“What I mean is today was the first day of school of Shun,” he said smiling.
“Yes, it is,” I answered him.
“We educated him for a year,” sabi ni Captain Limuel habang nakapamulsa at nakatingin sa malayo, “but still I can’t help but feel worried.”
I know that since even I felt worried about Shun too.
“He lived for 10 years in a place full of bloods and guns,” dagdag niya, “I hope he can adjust there well.”
“Well, he’ll definitely gonna be fine,” I said, trying to sound confident, “I taught him myself after all.”
“You think so?” he asked, eyebrows slightly raised.
“Yes!” sagot ko, almost too quickly.
Captain Limuel chuckled—hindi ’yong tumatawang masaya, kundi ’yong tumatawang parang alam niyang may kulang pa rin.
“Then teach him this again,” sabi niya, serious now. “Don’t ever fight unless you have no choice. You’re not in the field anymore. You’re going home.”
“Home,” I repeated, like the word was unfamiliar.
“Yes,” he replied. “And you have a sister there. Don’t bring war into her life.”
Shun Gray Williams
The other guy rushed towards me, and using my other hand, I smacked his head and kicked him straight which sent him to their comrades. Now they are both in the garbage section, where they truly belong.
Hindi ko siya tinadyakan para patayin. Tinadyakan ko siya para tumigil. May pagkakaiba.
Ang katawan ng tao parang mapa. Kapag alam mo kung saan ang mga landmark—joints, nerves, tendons—madali mo silang patumbahin. Hindi kailangan ng sobrang lakas. Kailangan mo lang ng tamang lugar at tamang timing.
Tahimik ang paligid nang ilang segundo. Parang may dumaan na hangin na nagdala ng katahimikan.
Then… narinig ko ang mahina pero nanginginig na boses ng babae.
“A-ano… anong…?”
Now that the girl is the only one left, I looked at her. Ramdam ko ang takot mula sa kanya. Ang kanyang ignoranteng mukha kanina ay nabalot ng takot. Bahagya na rin itong namutla.
Hindi na siya makasigaw. Hindi na rin siya makagalaw. Ang mga daliri niya, nakakulot sa gilid ng damit niya, para bang gusto niyang iangat ang sarili niya palayo sa realidad.
“Kuya?”
My eyes shifted to my sister. I saw her remove the handkerchief I put on her. Mali—hindi siya dapat tumingin.
Pero nakita ko rin ang dahilan kung bakit niya inalis: gusto niyang siguraduhin na okay ako.
At doon… may tumusok na guilt sa loob ko.
Again, I looked at the girl coldly as if giving her a warning—which made her body stiff.
Hindi ko na siya kailangan saktan. Enough na ang tingin. Enough na ang memory na iiwan ko sa kanya: na hindi lahat ng taong mukhang tahimik ay pwedeng apihin.
After doing that, marahan akong naglakad pabalik sa pwesto kong saan naroroon ang aking kapatid.
“I’m sorry, nagulat ka ba?” mahinahong tanong ko sa kanya.
“Ha?” parang nahuli siya sa sarili niyang paghinga.
“Nothing, let’s go?” sabi ko rito habang nakangiti.
Ngumiti rin siya sa akin, pilit pero totoo. “Yep, tara na!”
Napangiti na lang ako rito. Ramdam ko ang tingin ng babae sa akin pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad kasama ang aking kapatid.
Habang naglalakad kami, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga mata sa likod namin. May mga bulungan. May mga taong naglalabas ng cellphone—siguro nagvi-video, siguro tumatawag, siguro nagpopost.
Sa ibang lugar, I would’ve erased witnesses.
Pero nandito ako. Sa Pilipinas. Sa isang normal na kalsada. Sa tabi ng kapatid kong nanginginig pa.
Normal. Kailangan kong maging normal.