Chapter 50 "ELIANA'S HOMEEEE!" Pagbukas ko pa lang ng pinto ng kotse ay agad ng nabalot ng malakas na pag sigaw ni Hailee ang aking mga tainga. Nasa pinto ito at mukhang kanina pa nag-aabang. Kunot noo ko siyang tiningnan hanggang sa ilang segundo pa ay sumulpot sila Sofia at Sonara na kasama si Manang. Their eyes went on me, at lahat ng kanilang mga mata ay excited na excited. Matipid akong ngumiti. It seems like they are waiting for me. Pakiramdam ko tuloy ay isang taon akong hindi umuwi sa mga reaksyon nila ngayon sa akin. "I miss you!" Malakas na sigaw ni Hailee at bago pa man ako makapagsalita ay mahigpit ako nitong niyakap. Before I could even let go in her arms, sunod sunod naman na sumugod si Sofia at Sonara at niyakap din ako. Now, we're all stuck with each other's arms. Mahina

