Chapter 49 Natapos ang misa. Nagbigay kami ng mensahe kay Tita at lahat ay emosyonal pa rin. Panay ang pag-iyak ni Tito at ang mga mata nito ay bakas na ang pagkabalisa. Natatakot at nag-aalala ako para sa kanya. Ang hiling ko lang ay sana ay hindi siya matulad kay Daddy noong nawala si Mommy. He has two children and my father only has me. Sana ay hindi masaksihan nila Shanaia na maging miserable siya katulad ng nasaksihan ko kay Daddy. "If I can only freeze the time," ani Shanaia habang ang mga mata ay nasa labas. Tumatakbo ang kotse at ililibing na si Tita. Jayden is sitting in front of us habang si Tito ay may sariling sasakyan. Maraming tao rin ang sumama sa paglilibing kay Mommy at hindi maiwasan ng lahat ang tuloy tuloy na pagluha. Bumuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang mal

