Chapter 36 Sumilip ako sa balcony ng kwarto ko at masinag pa ang araw. Bumuga ako ng hangin at kinuha ang hoodie na itim at saka ko sinuot ang black na cap sa aking ulo. Sinabit ko rin sa harap ng hoode ko ang sunglasses na binigay pa ni Jeremiah. I can't go outside with these things. Sa init ng balita sa amin ngayon ay sigurado ako na mahihirapan kami kung magpapakita kami sa mga tao. "Eliana, are you ready?" Dinig kong tanong ni Jeremiah sa labas ng aking kwarto habang kumakatok sa pinto. Agad ko naman kinuha ang sling bag ko bago ako marahan na tumakbo papunta sa pinto ng kwarto ko. "Yeah," sagot ko at bumuga ng hangin. Pinagmasdan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Natigilan ako nang makita ko na naka hoodie rin siyang itim at cap din na itim. What? Are we thinking the same? Napai

