SUNSHINE Kaunti akong napaatras nang tumayo ang lalaki mula sa inuupuan nitong sofa. "Good morning. . .Michael's girlfriend?" sarkastikong tanong nito sa akin. Napaiwas ako nang tingin dahil sa hiyang naramdaman. "Uhm. . .good morning po," utal kong tugon. "Well, i have to leave now. Good bye, young lady." Yumuko ito at nagbigay galang na lalong nagpainit ng aking mukha. Hindi naman ako isang makapangyarihan o isang prensesa pero ginagalang nila ako na parang gano'n––talagang nakakahiya at nakakataranta tuwing may yuyuko sa aking harapan na parang isa akong parte ng royal family. Bumaling ang lalaki kay MC saka ngumiti, ngunit ang ngiti niya ay hindi pangkaraniwan. Para bang nang-aasar. "I'm going, my little brother. Good luck," maikling turan nito na sinamaan lang ng tingin ni MC. P

