SUNSHINE Pinawi ng kirot mula sa aking likuran ang mahimbing kong pagkakatulog. Kahit na masakit ang aking likod, ay maaliwalas akong nag-unat ng aking braso dahil ngayon na lang ulit ako nakatulog ng mahimbing. Unti-unti kong binuksan ang mga mata. Unang sumilay sa akin ang liwanag ng chandelier. Marahan akong naupo sa ibabaw ng kama, bumabalot sa akin ang makapal na kumot. Nilisan ko ang kama saka diretsong lumabas at nagtungo sa opisina ni MC. Kumunot ang aking noo, nang hindi ko makita si MC sa parehong silid. Nasaan na kaya siya? Paano na kaya ang ipinangako niya sa akin? Hawak ang laylayan ng aking damit, tahimik akong naglakad palabas ng opisina. Kaliwa't kanan ang aking tingin sa bawat silid na aking madadanan, nagbabakasakaling isa sa mga kwarto ang tinungo ni MC. Ngayon an

