Naalimpungatan si Bernie nang gumalaw sa kaniyang tabi ang kaniyang anak na si Sonny. Napangiti pa siya nang makitang napakasarap ng tulog nito sa kaniyang tabi. Matagal na panahon rin niyang hindi nasilayan ng ganito ang kaniyang anak. Bukod sa palagi siyang nasa ibang bansa, bihira niyang mahiram ito kay Sophie kapag nasa bakasyon siya dahil sa school nito. Hinaplos niya ang buhok ng natutulog niyang anak at saka ito hinalikan sa noo nito. Mayamaya’y naisip niyang bigla ang oras, susunduin nga pala niya si Ayen ngayon mula sa trabaho nito. Dahan-dahan siyang kumilos patayo sa kama ng kaniyang anak upang hindi niya ito magising. Agad niyang hinagilap ang kaniyang cellphone at tsinek ang oras. Nasapo niya ang kaniyang noo nang makitang umaga na pala. “s**t!” mahinang usal pa niya saka n

