"Uh-oh!" anas ni Sasha sabay lunok. Tanging ang mga mata lang nito ang gumagalaw habang ginagala ang tingin sa mataong paligid. Napahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ng kanilang ina na kasalukuyan namang nakatingin nang may pag-aalala kay Duncan.
Bahagyang nakabuka ang bibig ni Duncan habang iginagala ang tingin sa mga taong masama ang tingin sa kanya. Kung naging laser beam lang ang titig ng mga ito ay malamang kanina pa siya natunaw na parang naupos na kandila at kumukulo na parang asido sa kinatatayuan. Nakipagtitigan siya kay Intergalactic Ambassador Master Gustavo Korondo na tahimik lang din na nakatayo sa gitna ng pulpita. Nasa mukha ng matanda ang galit at pagtataka.
Nakahinga si Duncan nang maluwag nang biglang may sumilay na ngiti sa labi ni Master Korondo. Muli nitong inilapit ang hawak na mikropono sa bibig. Iginala nito ang paningin sa buong kapulungan.
"Fellow Aliens, nakikita ko at nararamdaman ko sa aking puso na nagpupuyos ngayon sa galit ang inyong mga damdamin dahil sa malinaw na pagdududa ng isang batang Earthian na kasama natin ngayon," pahayag ng matanda. "Pero ako na ang nagsasabi sa inyo, brothers and sisters. Nagsisimula ang lahat sa pagdududa. Naging doubters tayong lahat bago naging believers, right? Alien?"
"ALIEN!"
"Samakatuwid, hindi dapat tayo magalit sa batang pangahas na ito bagkus ay dapat pa nga natin siyang kaawaan dahil malinaw naman na alam niya ang kanyang mga sinasabi pero hindi niya alam ang kanyang ginagawa."
Dumagundong ang nakabibinging palakpakan sa bawat sulok ng templo.
"Pero hanga ako sa batang ito dahil siya lang ang naglakas ng loob na hamunin ako para patunayan ang aking mga sinasabi. Obviously, he really wants to believe but doubt keeps him from doing so.
And I am here to help."
Muli itong tumingin sa direksyon ni Duncan.
"Bueno! Yaman din lamang na matagumpay mo nang nakuha ang atensyon ng lahat, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan, Earthian boy?" tanong ni Master Korondo sa bata. Sumulyap ito sa katabing mga Alien at may sinabi sa mga ito habang nakalayo ang hawak na mike. Tumango ang mga ito at mabilis na bumaba ng entablado at nagtungo sa kinaroroonan ni Duncan.
Pigil ang hininga na pinagmasdan ni Duncan ang mga ito habang papalapit sa kinaroroonan niya. Nakahinga siya nang maluwag nang makalapit at ilahad ng isang Alien ang bagay na hawak nito.
Nag-aalangang kinuha ni Duncan ang mike.
"There, now you don't have to shout. We can talk," pahayag ng matanda mula sa pulpita.
Walang maisagot si Duncan sa sinabi ng matanda. Hawak lang niya ang ibinigay na mike sa kanya at patingin-tingin kina Ma at Sasha.
"What's your name again, kid?"
Biglang lumitaw sa malaking screen ang mukha ni Duncan.
"Look, Ma! Kuya Duncan's on tv," bulalas ni Sasha sabay turo sa dambuhalang screen. "Artista ka na, Kuya Duncan!"
"I'm Duncan," maingat na sagot ni Duncan. Dumagundong ang boses niya at sandaling nagkaroon ng nakabibinging feedback. Napatakip ng tainga ang ilan sa mga nasa loob ng Templo. Sandaling inayos ng ilang Alien technicians ang ilan sa mga kable at saksakan na nasa gilid ng pulpita.
"Okay. Duncan," sabi ng matanda habang nakatingin ng mariin sa bata. "You want me to prove my claims, isn't it?"
Tumango si Duncan.
"Are you openminded, Duncan?"
"I guess I am, sir. But let me tell you. I'm not too open-minded."
"Very well," sabi ni Master Korondo. Muli itong tumingin sa mga tao. "Matalino ang batang ito." Tumango ito. "See it this way. Let Duncan speak on the behalf of all the doubters in this wonderful congregation. All your questions regarding Alienism will be asked by this boy and I assure you that all of you shall get a very satisfying answer from me. I will never double-talk like the other self-proclaimed 'prophets' and 'sons of God' and 'messiahs' and " messengers" living in this time and age. Never! As I always say, I am the only true mouthpiece and vessel of the Elohim. Alien?!"
"ALIEN!" sagot ng mga tao. Itinaas pa ng iba ang mga nakakuyom na kamao habang nakaturo sa kalangitan ang mga hintuturo. Ito ang hand sign ng Alienism.
"With all due respect, Mister Korondo-"
"It's Master Korondo, Duncan," nakangiting paalala ng matanda.
"With all due respect, Master Korondo, what are the, er, proofs to your claims?" magalang at maingat na tanong ni Duncan. Marami siyang nais na itanong sa matanda pero napagdesisyunan niyang huwag na itong batuhan ng mga mahihirap na katanungan dahil natatakot siya na baka kuyugin ng mga galit na Aliens kapag nagmukhang kahiya-hiya ang kanilang Father Alien sa harap ng lahat. Baka patayin siya ng mga ito. Kanina pa niya napapansin ang ilan sa mga Alien na may hawak na mga kakaibang armas. They looked like toy blaster cannons and guns. Marahil ay front lang nila yon para kunwari ay kasama ang mga ito sa costumes nila pero ang totoo ay talagang mga armas ito na kayang pumatay ng mga salbahe at matanong na bata.
Napangiti ang matanda sa mga tanong niya.
"Kausap mo na ang proof na hinahanap mo, Duncan."
"I-Ikaw?"
"Oo. Tama ka. Ako nga. Ako ang Huling Sugo ng Elohim. I assure you that everything I say is the truth and nothing but the whole truth. I guarantee it. I will give you my words. Not a single lie will ever reach your ears when speaking to me."
"I see. Thank you. That's all."
Palakpakang muli ang mga tao. Karamihan ay nakatingin sa kaniya nang may pang-uuyam. Ang iba ay tumatawa pa habang pinagmamasdan siya habang nakalahad ang isang kamay at hinihintay na kunin muli sa kaniya ang hawak na mike.
Kasapi ba talaga ako ng kinatatakutang Dead Duck Squad? Bakit ako natatakot magtanong? naisaloob ni Duncan sa gitna ng nakabibinging palakpakan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mike.
"But since I've gone this far, I still have more questions to ask, Master Korondo," mabilis na dagdag ni Duncan bago pa mahablot ng isang Alien ang mike.
Bumakas sa mukha ni Master Korondo ang pagkabigla sa mga sinabi ni Duncan lalo na sa tono ng pananalita niya na tila nawala na ang pag-aalilangan. Sumeryoso lalo ang mukha nito. Tila inihahanda ang sarili sa mga maaring itanong pa ng bata.
"Very well. Go ahead. I'm all ears, Duncan," malumanay na pahayag ng matanda. "Ask me what you want to know."
"Napakadali lang mag-claim na nakita o alam natin ang isang bagay. I don't think what you've just said is proof enough."
"What do you mean?"
"Kung sasabihin ko sa iyo na isang akong Anunnaki mula sa planetang Nibiru na nagbabalatkayo bilang isang batang lalaki at kaya kong manipulahin ang panahon, maniniwala ka ba sa akin?"
Hindi agad nakasagot si Master Korondo. Bahagyang naningkit ang mga mata nito habang pinagmamasdan ang bata.
Tahimik naman na nakikinig ang lahat sa nangyayaring argumento sa pagitan ng isang bata at matanda. Lahat ay hinihintay ang isasagot ng nasa pulpita. Lahat ng tingin ay nakadako ngayon sa natigilang matanda.
Napangiti si Master Korondo.
"Of course, that depends on the state of your mind while you were saying those things, Duncan. And I know that you were not telling the truth. You don't even believe what you yourself were saying, am I right?"
Tumingin ang lahat kay Duncan.
"Paano mo nasabi na hindi ako nagsasabi nang totoo?" ganting tanong ni Duncan.
Tumingin ang lahat sa matanda.
"Well, you already said that I know, right?"
Tumingin ang lahat kay Duncan.
"Okay, let me rephrase it. Bakit mo nasabi na nagsisinungaling ako?"
Tumingin ang lahat sa matanda.
"Well, una, dahil hindi ka mukhang Anunnaki mula sa planetang Nibiru. At pangalawa, walang sinuman ang kayang manipulahin ang panahon maliban na lang kung..." Sandaling natigilan ang matanda.
"Maliban na kang kung?"
"Maliban na lang kung gagabayan ka ng Elohim," pagtatapos ni Master Korondo. Muli nitong iginala ang tingin sa lahat. "Only the Elohim can manipulate the weather by means of a very sophisticated weather control device. They are far more advanced than us humans, technologically and mentally. Alien?!"
"ALIEN!"
"Pero Master Korondo, maaari ko ring ibalik sa iyo ang mga sinabi mo. Hindi ka mukhang isang intergalactic ambassador sa akin. Mukha ka lang isang tipikal na matanda na may... na may tungkod."
Karamihan sa mga Alien ay nagulat at na-offend sa pagiging straight-forward ni Duncan sa kanilang pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan.
"Am I? Then I suppose looks can be deceiving, eh?" medyo natatawang pahayag ni Master Korondo datapwa't mababakas sa tono ng pananalita nito ang bahagyang galit.
"Yes. And my disguise really works. You have no idea that I really am an Anunnaki from planet Nibiru because my looks deceives your naked eyes."
Sandaling natigilan ang matanda. Bahagyang umasim ang mukha nito.
"Hmm. Very well. I think you have a point. But just bear in mind that here I am, standing higher than you. If I am lying as you are obviously implying now then why am I here talking to this hundreds of good people before me? Why? If I'm a liar then I should have been in my own hometown still selling motor parts, right?"
"I don't know, Master Korondo. I can't really answer it. I have no way of knowing their reasons for... believing you."
"Then let me answer that for you, Earthian boy," pahayag ng matanda. "They are here because they know that I'm telling the truth, the whole truth and nothing but the truth! I can even pass a polygraph test without doubt."
"Although polygraph test is a false science. It cannot be relied upon," pagkaklaro ni Duncan.
Lalong umasim ang mukha ng matanda sa narinig.
"So now you think you are wiser with that idea, eh?"
"Not really, sir. I was just stating a fact, Master Korondo."
Napabuntong-hininga ang matanda.
"Don't get me wrong, Earthian boy. I admire your critical thinking. I really do. Like I said, we all used to be doubters before we became a believers. And I am here in front of you all to tell you that I really am the Elohim's Last Messenger.An Intergalactic Ambassador. A Prophet that was sent here to help enhance your spiritual growth so you may come to understand the ways of the Elohim."
"ALIEN!" muling sigawan.
"So you want us to just believe you? Without showing us any proofs?" tanong muli ni Duncan.
"The proofs you're looking for is me as I have said. And you as well. We are the creation of the Elohim. We ourselves are the living proofs, Earthian boy."
"How about the creation of the Invisible Pink Unicorn? Or I can also say that we are the creations of the Flying Spaghetti Monster."
"Believe what you want, Earthian boy. But you cannot deny the trace of the Elohim that is in you. In all of us."
Nagsisimula ng sumakit ang ulo ni Duncan. Ngayon talaga niya napagtanto na tama ang sinabi ng evolutionary biologist na si Richard Dawkins. It's really a waste of time arguing with someone who believes that the Earth is a flat disk when you are a geologist. Napabuntong hininga na lang siya.
"In the Bible, it says in Genesis, 'Lalangin natin ang tao ayon sa ating larawan,' ", ani Master Korondo habang nakatingin kay Duncan. "Nilalang tayo ayon sa kanilang larawan. Sinong sila? Ang sagot ay ang Elohim." Iginala nito ang paningin sa kapulungan. "Nais kong linawin na ang Elohim ay ang plural form ng Eloha na nangangahulugang 'sila na dumating mula sa langit'. Or 'those who came from the sky' ."
Bahagyang humina ang tugtog ng organ. Malamang ay upang klarong marinig ng lahat ang mga susunod pang sasabihin ng matanda.
Lumitaw sa malaking screen ang CGI ng isang patay na planeta.
"Noong nasa murang edad pa lang ang Earth, dumating ang Elohim gamit ang kanilang mga spaceship. Ang Earth ay orihinal na walang buhay, na may makapal na ulap at mababaw na dagat, ngunit ang Elohim ay dumating, hinawi ang mga ulap, inilantad ang mga dagat sa sikat ng araw, itinayo ang isang malaking kontinente, at nag-synthesize ng isang pandaigdigang ecosystem. Ang solar astronomy, terraformation, nanotechnology, at genetic engineering ay nagbigay-daan sa Elohim na iakma ang buhay sa thermal at chemical makeup ng Earth."
Tahimik ang lahat.
"Nilikha nila ang mga tao sa pamamagitan ng genetical engineering. Minanipula nila ang mga genome ng ilang mammal at inilagay ang kanilang mga DNA at tayo ang produkto nito. Nilikha tayo sa kanilang sariling imahe. Kaya tayo ay higit na matalino kaysa sa iba pang mga hayop."
"Naniniwala kayo sa human evolution?" tanong ni Duncan.
"Yes I do. And my thousands of followers as well."
"So you don't believe in God?"
"I believe in God, silly Earthian boy," pagkaklaro ni Master Korondo. "In this case, Gods. The Elohim. But they're not the typical stereotyped kind of Gods that you see on tv and read in bedtime stories. We Aliens regards Elohim as gods in the sense that they are our Creators. We don't believe in a supernatural kind of gods."
Kumunot ang noo ni Duncan.
Napangisi si Master Korondo.
"You looked confused, Earthian boy. Let me clarify. The Elohim are also humans like us. But far more advanced in technology and mental capacities. They are telephatic as well as telekinetic. They can use one hundred percent of their brain capacity.
"Mukhang maliliit na tao ang Elohim. Kung kaya madalas silang mapagkamalang mga anghel, kerubin at diyos.
"Elohim are an advance race of extra-terrestrials. As far as this planet is concerned. We have their DNA. We are part of them.
"May kakayahan silang tumawid sa iba pang mga kalawakan gamit ang mga kumplikadong teknolohiya na maaaring lumikha ng mga wormhole at spaceship na maaaring maglakbay sa bilis ng liwanag."
Halos lahat ng mga taong bagong anyaya, mapabata at matanda, ay pawang mga nakanganga habang tahimik na nakikinig sa sinasabi ni Master Korondo.
"Nang dumami ang mga tao at lumaganap ang kasamaan, hindi ito nagustuhan ng Elohim," pagpapatuloy pa ni Master Korondo. "Kaya napagkaisahan nilang linisin ang planeta sa pamamagitan ng bahang-gunaw. Bago nila isinagawa ang paglilinis ay kinuha nila ang DNA nina Noah at ng lahat ng mga hayop sa planeta to preserve them so that every creatures that ever walks the Earth, big and small, shall repopulate the planet again."
"Preserved their DNAs?" maang na tanong ni Duncan. Napakamot siya sa ulo.
"Verily verily I say unto you. Yes. Preserved their DNA. After the Elohim flooded the Earth they cloned Noah and the other animals."
"What?!" bulalas ni Duncan. Muntik niyang mabitiwan ang hawak na mike. "So are you implying that we are products of cloning process?"
"In a way, yes, Earthian boy." Napangiti ang matanda. "But don't worry. We are not clones. Or not anymore. Just the product of it."
"And by the way, are you saying that the story of Noah's Ark was a metaphorical one?" giit ni Tesla habang nakakunot ang noo. "I mean, not literal?"
"Not metaphorical," tugon ng matanda sabay ngiti. "The Ark was actually a spaceship. Ang kanilang mga likha ay nasaksihan ng ilang sinaunang tao noong unang panahon. Nakita nila kung paanong dumating ang mga ito mula sa langit at dahil doon ay tinawag silang Elohim. Itinuring ng mga sinaunang tao ang kanilang mataas na teknolohiya bilang mga supernatural at ang mga dayuhan mismo bilang mga diyos. Sa parehong paraan na kung maaari nating balikan ang nakaraan, sabihin nating isang libong taon mula ngayon, ituturing tayong lahat bilang mga diyos ng mga sinaunang tao para sa pagkakaroon ng mga teknolohiyan. Technologies that we only took for granted."
"The Tower of Babel was actually a rocketship that was supposed to reach the creators' planet but the Elohim did not allow it to happen.
The Garden of Eden, a large laboratory that was based on an artificially constructed island.
The Great Flood was actually a byproduct of a nuclear missile explosion sent down by the Elohim causing colossal tidal waves. Nuclear missiles din ang dahilan ng pagkawasak ng Sodoma at Gomorra. And...
And the Virgin Birth was actually the product of artificial insemination performed by the Elohim."
Hindi makapagsalita si Duncan. Parang gusto ng sumabog ng utak niya sa mga naririnig.
"Only extraterrestrial intervention can explain the higher technological knowledge presumed to be essential for the production of ancient artifacts such as the Egyptian pyramids, Stonehenge and the Moai of Easter Island."
"And Pumapunku. And the ancient Baghdad electric batteries! And- ," masiglang bulalas ni Sasha sa kinatatayuan. Sinulyapan ito ni Duncan at pinandilatan.
"You see, kaloob ng Elohim ang teknolohiya at relihiyon ng sinaunang sibilisasyon. Tinulungan sila ng mga ito," pagpapatuloy pa ni Master Korondo.
"But just because we can't figure out how those ancient civilization built stuff doesn't mean they got help from aliens," giit ni Duncan.
"But as the Intergalactic Ambassador of the Elohim I'm telling you they did," matatag na pahayag ng matanda. "They really did. You can take my words." Muli nitong ginala ang paningin sa kapulungan. "And now the end of days is almost near. They are coming to judge us. And don't be afraid, my dear brethrens! They are going to destroy the Earth, yes. But they will take us with them to their planet, our new home. Our real home. And we shall live there together.
Forever. Alien?!"
"ALIEN!" magiting na sigawan ng mga tao sabay taas ng mga kamay at turo sa madilim na kalangitan.
"And how can you live eternally? How can you explain that?" tanong ni Duncan.
Muling ngumiti si Master Korondo sabay tinging muli sa kanya.
"By means of scientific cloning, Earthian boy," sagot ni Master Korondo. "Right now, the advanced supercomputers of the Elohim are recording the DNA and memories of every human beings. When they release this information for the coming Resurrection, people will be brought back from the dead and the judgments upon them would be realized based on actions in their past life." Lalo itong napangiti. "The same way they resurrected Jesus by cloning him."
"The same Jesus who walks on water? The one that ascended to heaven?"
"But of course, silly Earthian boy. Who else?" sagot ng matanda. "Jesus was also an Intergalactic Ambassador back then. The Elohim helped him perform those alleged 'miracles'.
"Walking on water and ascension in the sky can be explained scientifically. The Elohim mothership was hiding above the clouds and was actually sending an anti-gravity beam to Jesus without His disciples knowing it.
"Moses managed to split the sea at the time of Exodus with the help of Elohim too.
"By cloning us, we will achieved eternal lives."
"But how can you be certain that if we are to be cloned we will still be us? The real us?"
"What do you mean, Earthian boy?"
"I mean, let's say that they can clone you when you, er, die. Your clone will look amazingly identical to you but you're still in the casket...dead."
"If you were talking about the scientific cloning process available in this infant technology of ours then I can't agree more. Yes. We can only clone someone using their DNA and or cell and then create through it someone identical to that someone. His physiology, phenotype, traits, behaviour etc. But it will be another someone not the original someone.
"But I am talking about the Cloning process of the Elohim, Earthian boy. I already said it. Their technology is far more advanced than ours by about twenty-five thousand years. They can clone us. By the combination of complex accelerated growth process and some form of mind transfer they can give us eternal life." Ngumiti ang matanda at tumingin sa mga tao. "ALIEN, brethrens?!"
"ALIEN!"
"Master Korondo, how can you possibly knew all about these?" tanong ni Duncan.
"I know because I am the Last Intergalactic Ambassador of the Elohim, Earthian boy," sagot ng matanda. "How many times do I have to tell you?"
"Given that you really are a legit Intergalactic Ambassador, what I meant was, how did you obtain those knowledges? How did the Elohim communicate with you to tell you all of these?" taas ang isang kilay na paglilinaw ni Duncan. "Given that you really are telling the truth, that is."
Bahagyang nagliwanag ang mukha ni Master Korondo.
"That's a very good question, Earthian boy," ani ng matanda. "As it happen, the Elohim visited me decades ago."
Namangha ang halos lahat ng nakikinig.
Biglang nag-register sa malaking screen ang larawan ng Mayon Volcano.
"Nang umakyat ako sa isang liblib na lugar sa loob ng bunganga ng Bulkang Mayon, isang hugis kampanang spaceship ang marahang bumaba mula sa langit palapit sa akin. Isang extra-terrestrial na nilalang ang lumabas mula sa sasakyang iyon at sinabi sa akin na siya ay dumating para kausapin ako." Napapikit si Master Korondo. "Sinabi niya sa akin na ang kanyang pangalan ay Yahweh. Binigyan niya ako ng isang mensahe at sinabi sa akin na ito ang aking misyon- na ipasa ang mensaheng ito sa mga tao sa Lupa.
"Dinala niya ako sa kanilang planeta at doon ay nakita ko sina Jesus, Muhammad, Buddha at Moses. Napakaganda ng lugar na iyon, my brothers. Isang paraiso. They are all harmonious and peaceful beings, free of money, war and sickness. At kung ang Earth ay magiging mapayapa, nais nilang bumisita rito."
"Sinabi nila sa akin na magtayo ng isang residential embassy para mapuntahan nila pagdating ng Araw ng Paghuhukom." Muli dumilat ang matanda. "As you can see, you are all standing on our state-of-the-art embassy as well as our Temple.
"This place is the safest place you could be when the Apocalypse finally arrived."
"So can we pray for- "
"Pray? No, Earthian boy. We don't pray," paglilinaw ng matanda. "Praying is useless. An apparent exercise for futility. Praying is like talking to dead air or to yourself. No. We don't pray. We telepathize."
"T-Telepathize?"
Natawa ang matanda sa nakikitang reaksyon ni Duncan.
"Don't worry, Earthian boy. I'm not telepathic. I can't read your mind. Let alone speak on your mind. Only the Elohim can do those things."
"So they can talk to you...through telepathy?"
"You're a smart boy. Any more questions?"
Tatango sana si Duncan pero nang mapansin niya ang mga mapanindig-balahibong titig na pinupukol sa kanya ng ilang mga Alien ay agad na nagbago ang kanyang isip. Damn, those spaceguys are acting strange, naisaloob niya.
"No more, Master Korondo," maingat at magalang na sagot ni Duncan sabay ngiti.
Ngumiti rin ang matanda sabay tingin sa mga tao.
"Bueno, brethrens. This turns out to be a good evening. We wish that some if not all of you have decided to join our religious organization. For those of you who will, you are most welcome here." Tumingin si Master Korondo sa isang babae na nakasuot ng pulang gown na nasa isang sulok ng pulpita. Tinanguan ito ng matanda. Agad na lumapit ang babae at kinuha ang hawak nitong mike.
"Sa mga gusto pong magpa-convert sa aming religion mangyari po lamang na magtungo po sa mga nakahimpil na registration desk para magpatala," magalang na pahayag ng babae sa lahat. "At bago po kayo umalis ay may kaunti po kaming inihandang salu-salo para po sa lahat. Magandang gabi po, Aliens and Earthians."
Palakpakan ang mga tao at ang iba ay nagtaas pa ng mga kamay gamit ang Alien sign.
Muling nagsagawa ng fireworks display ang mga Alien.
Palakpakan ang mga tao lalo na ang mga bata habang nakatunghay sa nagkikislapang mga paputok sa kalangitan.
Pumailanlang ang mga malalakas na putukan ng mga firework at tugtog na nanggagaling sa mga naglalakihang speaker.
Pinapatugtog ang marching theme song ng Star Wars.
Isang linggo matapos ang pagdalo nila sa Pamamahayag ng mga Salita ng Elohim, naging ganap na Alien na rin si Duncan at ang kaniyang pamilya.
⭐⭐⭐⭐⭐
⭐⭐⭐⭐⭐