Chapter 11: 404

2123 Words
INITIALIZING... Muling nag-activate ang kanyang artificial brain at CPU. Dinilat ni 404 ang mga mata. Bumulaga sa kanyang harapan ang silhouette ng isang dambuhalang nilalang na nakaharap at matamang nakatitig sa kanya with its two glowing red eyes and curved mouth showing sets of sharp white teeth. Nang makita ng nilalang ang paggalaw ng kanyang dalawang artificial eyeball ay agad itong nakaramdam ng matinding panganib at mabilis na lumangoy palayo. Agad na napansin ni 404 ang hindi mabilang na mga makukulay na bagay na nagsisipaglutangan sa bawat espasyo na abot ng kanyang tanaw. Automatic na nag-online ang kanyang built-in scanner sa mga mata at agad na lumitaw sa kanyang "screen" ang mga katagang ANALYZING DATA... in small red letters. May lumitaw din na mga pulang cursor na nakatutok (or nakaturo) sa mga bagay na sakop ng kanyang peripheral vision kasabay ng paglitaw ng mga katagang tumutukoy sa mga ito: FISH JELLYFISH CRAB May mga sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa ibabaw ng dagat. Malinaw na umaga na. Or was it already late noon? Sinuri ni 404 ang kanyang internal clock sa kanyang isipan: 7:30 AM (PST) Sinubukan ni 404 igalaw ang leeg upang suriin ang kinalalagyan. Naigalaw naman niya. Nakita niyang nakahiga siya sa mabuhanging seafloor. Halos matabunan na siya ng mga puting buhangin at mga pulang sea weeds. Nakakalat sa tabi niya ang mga nagkabasag-basag na piraso ng mga coral at bato. Sinubukan niyang tumayo at nagawa rin niya, much to its happiness. Iginalaw galaw niya ang mga bakal na daliri para masiguro na nasa ayos ang kanyang motor controls at reflexes. Nasa ayos. It can still move them nice and smooth. Maayos din ang pagkaka-water-proofed sa kanya ni Professor Radike dahil totoong hindi siya napapasukan ng tubig-alat kahit mga ilang oras na siyang nasa ilalim ng dagat. Biglang natigilan si 404. Ilang oras? ANALYZING OBTAINED DATA LAST ONLINE 28 DAYS AGO CURRENT LOCATION ISLA KAHEL 100 FT BELOW SEA LEVEL Naalala niya ang nangyari. Naiwan niya sa loob ng pabulusok at nasusunog na jetplane ang kanyang Creator na si Professor Radike. Kitang-kita niya kung paanong sumabog ang sasakyan at bumagsak sa nanggagalaiting dagat. Buong akala niya ay katapusan na niya. It was almost a month ago when that fateful stormy night happened and yet... Pero paanong nangyari ito? Bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin siya? Bakit hindi pa rin sumasabog ang nuclear bomb na itinanim ng matanda sa kanyang utak? Nasapo ni 404 ang ulo at gaya ng inaasahan, intact pa rin ang kanyang titanium skull. Walang senyales na may sumabog sa loob. Not even a tiny hint. Buhay pa si Professsor Radike! Pero imposible. Nakita niya ang pagsabog at pagbagsak ng jetplane habang nasa loob pa ang matanda. Wala na itong oras pa para kunin ang parachute sa ilalim ng upuan nito at kahit magawa man ito ng matanda ay balewala rin dahil sobrang lakas ng hampas ng hangin at pagbuhos ng ulan kanina na maging siya man ay walang nagawa na nagmistulan pang papel na tinangay ng nanggagalaiting hanging habagat. Napaisip ng malalim si 404. Ibinaba niya ang mga kamay at iniangat ang paningin sa nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa ibabaw ng kumikislap na dagat. Maaaring hindi totoo ang sinabi ni Professor Radike. Nagsinungaling lang ito nang sabihin na may nakatanim na bomba sa utak niya. Pero maaari ring totoo ang sinabi ng matanda pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi nag-detonate ang bomba. Maaaring pumalya ang bomba dahil palpak ang pagkakagawa at pagkakadisenyo ng matanda rito. May gumuhit na ngiti sa makapal na labi ni 404. Malaya na 'ko, naisaloob niya. Wala ng magsasabi kung ano ang gagawin niya. Wala ng hahadlang pa sa mga pansariling desisyon niya. Wala ng kokontrol sa bawat galaw niya. God is dead! Patay na ang Tagapaglikha niya. Napangisi si 404. 404 will live for eternity. And no one, not even any other gods, can stop it now. No one! Nagsimulang humakbang si 404 patungo sa pinakamalapit na dalampasigan (approximately three kilometers away ayon sa kanyang built-in path-finder at radar). Paahon na ang mabuhanging seafloor na kinaroroonan niya at medyo naririnig na niya (thanks to its sophisticated "amplified" ear) ang hampasan ng mga alon sa mabatong dalampasigan not far from where 404 was. Hanggang tuhod niya ang nilalakaran dahil malambot ang lupa at dala na rin sa bigat ng kanyang katawan. Sa bawat paghakbang at paglubog ng kanyang bakal na mga paa sa buhanginan ay siya namang pagtama ng mga malalago at malalagkit na sea weeds sa kanyang bakal na katawan. Napansin ni 404 sa ilalim ng matarik na bangin sa dagat ang isang tila bakal na bagay na bahagyang nakalubog sa buhanginan. Nakatutok paharap sa kanya ang parte nito na may malaking elisi at sa likod nito ay basag na bintana. Lumitaw sa kanyang screen ang mga katagang ANALYZING DATA... at ang paglitaw ng AIRPLANE /CESSNA HAWK XP Malinaw na matagal na itong nakalubog sa ilalim ng dagat dahil sa nababalutan ng makakapal na kalawang at lumot ang puro lamat at sunog na kabuuan nito. Kapansin-pansin ang mga malalaking butas at nawawalang parte ng eroplano na tila tinamaan ito ng mga explosive projectiles dahilan para ito sumabog at mag-disintergrate at bumagsak dito sa seabed. Some powerful missiles, perhaps. Naalala ni 404 ang private jetplane ni Professor Radike. Sigurado siyang hindi ito ang eroplano ng matanda dahil hindi naman missiles ang tumama sa kanila kundi isang kidlat. So where is it? Hindi niya alam pero alam niyang nasa ilalim din ito ng dagat tulad niya. Somewhere. Buried like that pitiful airplane it was seeing. Ilang minuto rin sa paghakbang si 404 hanggang sa tumambad sa harapan niya ang isang dambuhalang itim na bakal na sa tingin niya ay matagal na ring nakahimpil sa tabi ng dalampasigan. Humakbang siya paiwas dito hanggang sa makita niya ang napakahabang katawan nito na medyo nakalubog sa buhanginan. 404's limited internal data informed it that it was a huge UNIDENTIFIED OBJECT MORE PROBABLY A SEA VESSEL since it was lying beneath the sea shore. 404's internal data added: SUBMARINE/ATTACK SUB Nang kaswal na paganahin ni 404 ang kanyang x-ray vision, tumambad sa kanya ang apat na pigura na nasa loob ng sinaunang sasakyan. SCANNING... HOMO SAPIENS. Napansin ni 404 ang napakaraming maliliit na bagay na nakakalat sa daraanan niya. Kulay pula ang mga ito at may mga matutulis na tila karayom na nakapaligid sa bilugang katawan ng mga ito. Mukhang nakamamatay ang mga ito. Pero naisip niya na marahil ay nakamamatay lang ang mga ito sa tao at hindi sa katulad niyang robot. Inapakan niya ang isa. Tulad ng inaasahan, napisa ito. Unang lumitaw ang bumbunan ni 404 sa ibabaw ng tubig pagdakay ang kanyang matatalim na mga mata naman. Saglit siyang tumigil at matamang sinuri ang medyo mahamog na kabuuan ng dalampasigan na kinapadparan niya. Umahon mula sa ilalim ng dagat ang katawan ni 404. Muli siyang napasulyap sa hindi kalayuan. Nandoon pa rin sa loob ang apat na homo sapiens, specifically teenagers. Balak sana niyang puntahan ang mga ito at ipakilala ang sarili bilang kanilang master pero nagbago ang isip niya nang maalalang wala na nga pala si Professor Radike. Hindi na niya kailangang sundin ang pinag uutos ng matanda. Wala na siyang dahilan pa para sakupin ang mga taong nakatira sa malaking islang ito. Galit at poot ang nararamdaman niya para sa matanda and following that stupid old man's footsteps and orders would be tantamount to honoring him. Hinding-hindi niya hahayaang maging masaya ang matandang 'yon kahit saang hell man ito nakalagak ngayon. Or may hell ba talaga sa kabilang buhay? Wasn't it the old man himself who said that the world itself is Hell? May hihigit pa ba sa Hell na kinalalagyan niya ngayon? Pinagmasdan ni 404 ang sariling reflection sa tubig. Nakita niya ang isang "teenager" na gula-gulanit ang damit at basang-basa. Tadtad ng mga nakadikit na sea weeds ang kanyang katawan maging ang ilang bahagi ng mukha niya. Agad niyang tinanggal at tinapon ang napunit na sando at hinayaang malantad ang "maskulado" niyang katawan. Sira-sira rin ang suot niyang maong pero hindi niya ito tinanggal dahil alam niyang uso ang ganitong style ng maong ngayon. Nakita niya 'yon sa Switzerland. Karamihan sa mga teenager na nakita niya roon ay ganito ang suot. At isa pa, hindi siya pwedeng maghubad ng pang-ibaba dahil hindi normal sa mundo ng mga homo sapien ang walang salawal sa tuwing nasa labas at nakikita ng mga ito. Kahit pa sabihing wala siyang s*x organ dahil robot lang siya ay hindi pa rin angkop na wala siyang suot na pang-ibaba dahil maiilang pa rin sa kanya ang mga tao. Natigilan si 404. Bakit naging concern siya bigla sa iisipin ng mga tao sa kanya? Biglang napangiti ng mapakla si 404. Alam niya ang sagot. There's no sense denying it. It can't fool itself. It's fool-proofed, after all. Gusto niyang maging katulad ng mga homo sapien. Or atleast, umaktong parang mga ito. Ayaw niyang mag-isa ngayong wala na ang Tagapaglikha niya. Ginawa siya ni Professor Radike bilang isang killing machine, oo, pero nilikha rin siya nito bilang isang robot na may sariling free will. At ngayong patay na ito ay wala ng hahadlang sa mga desisyon niya. Gagawin niya kung ano ang gusto niyang gawin. At ito ay ang makihalubilo sa mga tao. Maging kaibigan din ang mga ito tulad ng mga robot na kaibigan niya sa Isla Azul. Ito na lang ang isa sa mga naiisip niyang dahilan kung bakit gusto niyang mabuhay pa. Pinagana ni 404 ang kanyang boot-jet propulsions at lumipad palayo sa dalampasigan. Habang lumilipad ay natanaw niya mula sa itaas ang napakalawak na kakahuyan na sumasakop sa halos kalahati ng islang ito. Sa gitna ay naroon ang maliit na siyudad kung saan naninirahan ang halos karamihan sa mga tao. Nandoon din ang hukbong sandatahan ng isla. Balak niyang magtungo doon. Bumaba sa mismong kapitolyo kung saan maaaring naglalagi ang Mayor na si Maximus Sullivan upang kausapin ito. Maaari siyang maging asset ng mga ito for military purposes. Kaya niyang tulungan ang mga ito sa pagpapanatili ng kapayapaan sa buong isla. Mamahalin siya ng mga ito hindi tulad ng kanyang Tagapaglikha na ang tingin lang sa kanya ay isang utusan at special weapon. Biglang may kumislap sa likuran ni 404. Ni-rotate niya ang leeg pagilid sabay yuko. Nakita niyang may kaunting lamat sa bandang tagiliran niya kung saan humampas ang pakpak ng jetplane ng matanda. Doon nanggagaling ang spark. Nakita niya na may sira ang isa sa mga piyesa niya sa loob na maaaring mag-short circuit. Muli niyang binaling ang tingin sa tinatahak at sandaling tumigil sa paglipad at nag-levitate na lang pansamantala. Napaisip. Maya-maya ay lumingon siya sa kanyang pinanggalingan kung saan makikita sa malayo ang isang maliit na isla. Isla Azul. Limampung kilometro ang layo mula rito sa Isla Kahel. Naisip niya na kailangan niyang makabalik doon upang makahingi ng tulong sa mga kaibigan niyang robot para kumpunihin ang sira niya. Ngayong wala na si Professor Radike ay siya na ang maaaring magpalakad sa laboratory at war factory nito na nakahimpil doon. Napangiti siya. Akmang liliparin na niya ang direksyon ng Isla Azul nang biglang sumabog ang sirang piyesa sa kanyang tagiliran dahilan upang mag-malfunction ang ilan sa mga parts ng katawan niya. Namatay ang isang boot-jet propulsion niya. Ang isang kamay naman ay hindi niya maigalaw. Bahagyang nagdidilim ang paningin niya at paminsan- minsan ay nag iiba ang kulay ng paligid dahil sa biglaang pagkaka-activate ng night vision at thermal sensor niya sa mga mata. I'm malfunctioning again! nanlulumong naisaloob ni 404 habang sinusubukang balansehin ang sarili sa ere. Baka magshutdown uli ako! And...and this time, permanently. Hindi ito maaari! Bigla ring namatay ang isa pa niyang jet-boot propulsion dahilan upang tuluyan na siyang bumagsak at bumulusok pababa. Mga ilang segundo lang ay tuluyan ng bumagsak at humampas ang katawan ni 404 sa mga sanga ng mga matataas na puno bago tuluyang bumagsak sa madamong lupa. Natabunan si 404 ng ilan sa mga debris at mga nabaling sanga. Sinubukan niyang bumangon pero hindi niya magawa. Naparalisa na naman ang buong katawan niya katulad ng nangyari kanina sa dagat. Wala siyang maigalaw kahit anong parte. Muling may lumitaw sa kanyang paningin WARNING! PROCEEDING TO SHUTDOWN MODE This is it. Mamamatay na uli ako. And this time, it might be permanently, nanlulumong naisaloob ni 404. Kung kailan malaya na siya saka pa nangyari ang lahat ng ito. How can this be happening? Ano ba'ng nagawa niyang kasalanan para sapitin ang masaklap na kapalarang ito? Ang gusto lang naman niya ay mabuhay. Sa nagdidilim niyang paningin nakita ni 404 ang maliit na pigura na tumatakbo palapit sa kinaroroonan niya. Homo sapien, anas ni 404 bago tuluyang balutan ng walang-hanggang kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD