Chapter 20: PAN

1122 Words
Nakita agad ni Pan ang nais mangyari ni 404 kung kaya... ...(Pan's POV) ....agad akong kumilos at simbilis ng hangin na sinalubong ang paparating na granada. Sa timeframe ko ngayon, mabagal ang daloy at paggalaw ng paligid at tanging ako lang ang gumagalaw ng normal. Ganito ang nangyayari sa tuwing gagamitin ko ang aking superspeed skill. Ilang saglit pa ay nahawakan ko na ang malamig na granada sa aking kamay. Tumingin ako kay 404. Nakalahad pa rin ang isang kamay nito at nababalutan ng puting usok ang grenade launcher nito sa bisig. Maaari ko siyang atakihin ngayon pero hindi ko magawa dahil na rin sa takot na baka sumabog ang bomba niya sa utak kapag ito ay naalog. Alam kong nababalutan din ng titanum skull ang utak nito at shock-resistant din pero mabuti na ang sigurado. I must admit that I'm being paranoid. But be that as it may, ayokong magsisi sa bandang huli, though I doubt kung makukuha ko pang magsisi dahil kapag sumabog ang bomba ni 404 ay siguradong kasama rin ako sa mga mawawasak sa islang ito. Even my force shield and superspeed ability can't save me from the blast. Agad akong tumakbo at lumabas ng bangko at buong lakas na ibinato sa maitim na kalangitan ang granada. Nanatiling hindi gumagalaw ang mga pulis na nakatingin pa rin sa main entrance. Ilang saglit pa ay sumabog na ang granada sa ere bago pa man ito bumagsak at mahatak pabalik ng gravitational force ng Earth. Umalingawngaw ang napakalakas na ingay ng pagsabog nito kasabay ng panunumbalik ko sa "tamang" timeframe. Hindi na slow motion ang paligid ko. Nakita kong napatingala ang lahat ng mga pulis at bakas sa mga mukha ang pagkabigla at pagkalito. Nagbagsakan ang mga nangingitim na shrapnels ng granada sa lupa kasabay ng pagbagsak ng mga puting snowflakes. Tumingin sa 'kin ang isang pulis at agad na itinutok sa 'kin ang hawak na handgun. Ganun din ang ginawa ng iba. Ang akala nila marahil ay kaaway ako kahit wala naman akong hawak na armas. Bakas ang takot sa mukha ng mga ito na tila nakakakita sila ng multo. Multo ng yumaong King of Pop? "How did you got in there, kid?!" takang tanong ng isang pulis sa 'kin. Nakatutok din sa akin ang hawak nitong baril. "Ikaw ba ang gumawa ng pagsabog na 'yon?" Hindi ako makasagot. Paralisado pa ang buo kong katawan. Ito ang side effect ng paggamit ko ng aking superspeed skill. Hanggang tatlong segundo lang ang epekto nito, at pagkatapos ay tatlong segundo rin akong mapaparalisa. Nang sumulyap ako sa main entrance ng bangko ay nakita kong pagapang na lumalabas mula roon ang isang nakamaskarang binatilyo. May hawak itong shotgun. Ito yung binatilyo na niligtas ko mula kay 404 kanina. At dahil natuon sa akin at sa pagsabog sa kalangitan ang atensyon ng lahat ng mga pulis ay hindi nila ito napansin. Akmang tatakbo na ako para habulin at dakpin ang tumatakas na binatilyo nang bigla akong nakarinig ng tila nalaglag na bagay sa aking paanan. Nang yumuko ako ay nanlaki ang mga mata ko sa likod ng suot kong shades nang makita sa lupa ang isang HE grenade. Nang ibalik ko ang tingin sa wasak na pinto ng main entrance ay nakita ko si 404 na nakatayo mula roon at nakalahad ang umuusok na kamay sa direksyon ko. Nakangisi ito sa akin. "GET DOWN!" sigaw ng isang pulis na may hawak na electric bullhorn na medyo malapit sa kinatatayuan ko. "GET DDDDOOWww-!" Naging slowmo uli ang paligid nang i-activate kong muli ang aking special skill. Bago pa matapos ng pulis ang kanyang sinisigaw ay nakayuko at napulot ko na ang itim na grenade sa lupa at akmang ibabato ito sa kalangitan nang sumabog ito sa mismong kamay ko na nagpayanig sa buong katawan ko. KAA-BOOM! Tumama sa mukha at katawan ko ang mga shrapnel ng granada. Napunit at bahagyang umusok ang suot kong leather jacket at tumalsik mula sa ulunan ko ang aking fedora hat at nasusunog na bumagsak ilang metro ang layo mula sa 'kin. Nasusunog ang gloved hand ko na may hawak sa mga piraso ng nadurog na canister ng granada. Bukod sa nasira kong outfit at sumbrero, wala na 'kong ibang tinamong pinsala. Ni hindi man lang nagasgasan ang kamay ko maging ang mukha at katawan ko. Walang bumaon ni isa mang shrapnel sa akin. And that is not really surprising. Gawa ako sa pinakamatibay na metal sa planetang ito at marahil sa buong Solar System. Hindi ako mawawasak ng isang simpleng high explosive grenade lang. At alam kong alam din ito ni 404. Malamang ay hindi talaga ako ang puntirya nito kundi ang kapulisan. Tumingin ako sa isang pulis na nakatayo sa hindi kalayuan habang pinapagpag ang aking nadumihan at nasusunog na kamay. Nakita kong nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin din sa akin na tila ba kasalukuyan itong nakakakita ng isang puno na biglang nagkaroon ng buhay at sinusubukang bunutin ang sariling mga ugat mula sa matigas na lupang pinaglulubugan. Ngumiti ako. Maya-maya ay tumirik ang mga mata nito at walang malay na bumagsak sa lupa habang umuungol. Napailing ako. Sinubukan kong ayusin ang suot kong shades pero nang mahawakan ko ang isang rim nito ay biglang nagdisintegrate ang buong parte nito at nagsipagbagsakan sa paanan ko. Bahagya akong nalungkot. Baka hindi na ako makilala nina Precious, Doña Zelda, at Prof Ayn ngayong wala na akong suot na shades. Muling nagsipagbangunan ang ibang mga pulis mula sa pagkakadapa at pagkakatago sa gilid ng kani-kanilang mobile patrol. Nakita ko na... ... ...itinutok ng mga pulis ang hawak na mga baril sa direksyon ni 404 na ngayon ay nasa labas na ng basag na front door ng bangko. Tila alam na nila ngayon na hindi kaaway si Pan bagkus ang kalbong n***o na may nakapatong na grenade launcher sa bisig nito ang kaaway. Ilang sandali pa ay pinaulanan nila ito ng bala. Namayani ang nakabibinging ingay ng putukan ng mga baril. "NOOOOO!" sigaw ni Pan nang makita ang mga bala na tumatama sa katawan ni 404. Akmang lalapitan niya si 404 upang sagipin subalit agad din niyang pinigilan ang sarili. Hindi naman siguro magti-trigger ang bomba sa utak nito dahil lang sa mga balang tumatama sa katawan nito. There's no way that those bullets could penetrate 404's titanium body, anyway. Nagkagutay-gutay ang suot na damit ni 404 pero hindi man lang nagagasgasan kahit kaunti ang katawan nito Muli nitong sinakmal si Kylo na nasa paanan nito at nakadapa. Napigtas na parang patpat ang leeg ng binatilyo. Sumambulat ang dugo sa mukha ni 404. Pagdaka'y pabalang niyang tinapon sa sahig ang bangkay sabay tingin sa mga pulis. "FIRE! FIRE! FIRE!" Muling amayani ang nakabibinging ingay ng putok ng mga baril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD