Namangha ang mga pulis nang makitang nakatayo pa rin si 404 at hindi man lang ininda ang mga balang tumama rito. Nakakalat ang mga nayuping bala sa paanan nito. Lalo silang namangha nang ngumisi ito sa kanila sabay hablot sa nagkapunit-punit na sando at pantalon at hinayaang tangayin ang mga ito ng malakas at malamig na hangin. Tumambad sa kanila ang kabuuan ng maskuladong katawan nito. Mistulan itong itim na mannequin na himalang gumagalaw. An armed and dangerous mannequin. And seemingly alive. Wala itong suot na bullet-proofed vest kung kaya nakapagtatakang hindi man lang ito tinatablan ng mga bala. Ni hindi man lang ito nagalusan sa ginawa nilang pag-atake. "What the hell?!" bulalas ni Max sa kinatatayuan. Titig na titig siya kay 404. "W-What kind of a monster is that?" Napaatras si

