Chapter 22: ROBOTS

2818 Words

Muling pinaulanan ng bala ng mga pulis si 404. Pumailanlang ang nakabibinging ingay ng mga putukan. Nagsipagbasagan ang mga salamin ng bintana na nasa likuran ni 404 at nag-collapse ang kisame sa taas at naglaglagan ang mga piraso ng tabla at mga pulbos ng semento at kahoy na parang mga confetti. Tulad ng inaasahan, hindi man lang natinag ang robot sa kinatatayuan nito. Hindi man lang ito nagasgasan nang tamaan ng napakaraming bala. "Mga hangal! Sa tingin niyo kaya niyo akong wasakin gamit ang mga laruan niyo?" natatawang pahayag ni 404 habang pinagmamasdan isa-isa ang mukha ng mga pulis. "Wala na ang inyong pinakamamahal na pinuno," sigaw ng robot sa mga ito sabay turo sa duguang katawan ni Max na nakalupasay sa lupa. "I just killed him. Ngayon, ako na ang bago ninyong pinuno. Lumuho

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD