Chapter 23: SASHA AND DUNCAN

2188 Words

Sa loob ng bungalow, panay ang iyak ni Sasha habang nakaupo sa sahig at nakatunghay sa binabalita sa tv. Nakita niya si 404 habang pinaliligiran ng mga armadong pulis. Nakaramdam siya ng matinding takot hindi para kay 404 kundi para sa mga pulis. They can't defeat 404. Kayang-kaya ni 404 na paslangin ang mga pulis gaya ng pagpaslang nito sa mga nakamaskarang kriminal at kay Mayor Sullivan. They will never win! Nasapo ni Sasha ang bibig habang panay pa rin ang pagtulo ng kanyang luha. Somehow, pakiramdam niya ay kasalanan niya ang nangyari. Kasalanan niya kung bakit nasawi ang mga nakamaskarang kriminal at ang kanilang Mayor. Kung hindi sana niya pinapunta roon si 404 upang iligtas ang mga hostage, hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Pati tuloy ang buhay ng mga pulis ay nasa panganib.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD