Negative, iyan ang resulta na lumabas at sinasabi ng pregnancy kit na mahigpit niyang hinahawakan. One red line. Negative. I’m not carrying his child. Labis na nagugulahan ang dalaga sa kaniyang nararamdaman. Hindi ba dapat ay masaya siya dahil hindi siya nagdadalang tao, na hindi niya dala ang anak ni Huge? Pero bakit ganito, bakit parang hindi siya masaya at nanghihinayang siya dahil hindi nagbunga ang maiinit na gabi na kanilang pinagsaluhan. “Laureta, gumising ka na sa kahibangan mo! Senyales na ‘to ni Lord sa iyo upang layuan ang lalaking iyon, at upang tuldukan ang kung ano man ang meron sa inyo. Matalino kang tao kaya’t gamitin mo ang utak mo ngayon,” paalala niya sa sarili. Para saan pa ang sandamakmak na awards at medalya niya sa bahay kung hindi naman niya gagamitin ang u

