bc

The Man with a Fragile Heart

book_age16+
45.2K
FOLLOW
214.7K
READ
billionaire
forbidden
family
second chance
scandal
powerful
CEO
drama
small town
model
like
intro-logo
Blurb

“For God’s sake, Joshua, it’s been seven years and more. You should move on and for—”

“Shut up!” sigaw nito na nagpagulat sa kanya. Napaatras siya ng isang hakbang.

“Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko, Aya! Wala kang alam!”

Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila sukdulan ang galit nito sa kanya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang ulo para itago ang mga luhang pilit pumapatak.

“Revenge, Aya! I want revenge. A Tragora way of revenge.”

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Pagpasok niya sa malaking gate ng Tragora Mansion, nalula siya sa lawak ng bakuran. Puno ito ng matataas na puno at bulaklak sa gilid ng daan. Kahit sino ang mapadaan, hahanga talaga sa ganda at ayos ng mga iyon. Malilim ang bakuran at payapa ang buong paligid. Binagalan niya ang pagmamaneho at pinagmasdan ang malawak na paligid. Nananariwa sa kanya ang lahat—ang masaganang kabataan niya sa loob ng mansyon na inakala niyang panghabangbuhay na. Ngunit hindi pala. Panandalian lang pala ang lahat ng kaligayaang naramdaman niya sa Tragora Mansion. Pagbaba niya ng sasakyan, agad niyang napuna ang pulang Ferrari sports car sa tabi ng puting Honda Civic niya. Bumuntong-hininga siya habang nakatingin sa mamahaling sasakyan. “Joshua,” bulong niya, na parang hirap banggitin ang pangalan na iyon. “Aya! Aya!” tawag mula sa may bungad ng pinto. Lumingon siya at nakita ang matandang babae na marahil ay singkwenta pataas. “Nanay Alma,” tawag niya nang makilala ang tumawag sa kanya. “Hay nako, bata ka! Halika nga rito!” “Nanay Alma, kumusta na po kayo?” magiliw niyang bati at agad na niyakap ang matanda. “Naku! Bata ka, ang tagal mong nawala ah!” sabi nito at niyakap siya nang mahigpit. “Sorry po, Nanay Alma,” naiiyak niyang sabi, at kumalas sa yakap. “Halikana sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Donya Feliza. Sabik na sabik na siyang makita ka,” sabi nito. Tumango siya at sumunod papasok sa malaking bahay. Pagpasok niya sa loob, halos hindi siya makahinga. Pinagmasdan niya ang malawak na sala ng mansyon. “Ganoon pa rin pala ang mansyon,” bulong niya habang ginagala ang mga mata. Pitong taon siyang hindi nakabalik, pero tila walang nagbago. Ganoon pa rin ito, maliban sa nalipat ang ilang kagamitan. Napansin niya ang malaking larawan na nakasabit sa dingding, katapat ng malaking piano. Pinagmasdan niya ang apat na taong naging malapit sa kanya. Si Donya Feliza Tragora na nakangiti habang nakaupo sa sofa, katabi ni Maristel Tragora, asawa ng anak niyang si Juan Miguel Tragora. At ang isang lalaking naka-black tuxedo, nakangiti. Napalunok siya nang mapagmasdan nang husto ang lalaki. “Aya, sumunod ka na lang ah. Nasa likod-bahay ang Donya, sa may gazebo,” sabi ni Nanay Alma. “Ah… sige po,” alanganin niyang sagot, at tumingala para pigilan ang luhang nais pumatak. “Don’t cry, Aya. Don’t cry,” bulong niya sa sarili, at muling ibinalik ang tingin sa larawan. “Your back!” Napalingon siya sa tinig na nagmula sa hagdan. Nakita niya ang lalaking pababa—naka-white polo, gray coat, black tie, black slacks, at brown leather shoes. Appealing, handsome, at puno ng kumpiyansa. Joshua Tragora, the Tragora heir. “Totoo pala ang tsismis na darating ka!” sabi ni Joshua at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, bago bumalik sa mukha niya. Well, pinaghandaan niya ang pagbabalik na ito. Naka-mini white tube dress siya, showing off her cleavage. High heels, hair in perfect curls. Alam niyang maganda siya, kaya wala siyang dapat ikatakot sa gwapong kaharap na napaka-intimidating. “Lo… I mean, Donya Feliza asked me to visit her,” sagot niya. “Oh yeah? You’re here to grant her simple wish?” sarkastikong sabi ng lalaki. “Yes.” “Babalik ka rin naman pala dito, bakit mo pa pinatagal ng pitong taon?” mabalasik niyang tanong. “Si Lola… I mean, Donya Feliza ang sadya ko rito. Kung ano man ang dahilan ko kung bakit ngayon lang ako nakabalik, hindi mo na kailangan malaman pa!” “Bakit, Aya? Mas masarap bang mamuhay mag-isa sa Maynila? Kaya mas pinili mong tumira doon kesa dito, na handang ibigay ng mga taong nasa paligid mo ang lahat?” may pag-aakusa sa tono nito. Nag-iwas siya ng tingin. Naramdaman niyang namumuo ang luha sa mga mata. Ayaw niyang umiyak sa harap nito. Hindi niya kailangan umiyak sa harapan ni Joshua. “Bakit hindi ka makasagot? Mas gusto mo bang ibilad ang katawan mo sa harap ng maraming tao para lang kumita ng kaunting halaga, na kung tutuusin ay makukuha mo kung nanatili ka rito!” galit na patuloy nito. “Joshua, please stop this!” saway niya. Hindi ito ang tamang panahon. “Stop? Why? Dahil hindi mo kayang marinig ang katotohanan? Hindi mo kayang tanggapin?” galit na akusa nito. Hindi niya inasahan na ganito ito kagalit sa kanya. “Please! I want to see Donya Feliza. Siya ang sinadya ko dito at wa—” “Damn you! Alam mong nandito ako! Alam mong makikita mo ako rito! Bakit ka pumayag?” matigas niyang putol. At humakbang palapit sa kanya. Napalunok siya at nagtaas ng mukha. “Bakit ka bumalik?” mabalasik pa ring tanong nito, at muli siyang sinuri. Naramdaman niyang nagtagal ang mga mata nito sa dibdib niya, sa may nunal na nakakadagdag ng appeal sa kanya. Nailang siya pero hindi nagpahalata. Itinaas lang niya ang mukha. “Bumalik ako para kay Donya Feliza. Wala nang iba pa!” sagot niya, nakataas ang noo. “Iyan lang ba ang sinadya mo rito? Tapos ano? Babalik ka nanaman sa Maynila at magtatago?” “Kung ano man ang plano ko, wala ka nang pakialam!” “Damn you, Aya!” sigaw nito. Hinila siya sa braso palapit sa kanya. Malakas na bumunggo ang dibdib niya sa dibdib nito. Napangiwi siya sa sakit pero hindi nagpahalata. “Sa tingin mo ba hahayaan pa kitang makaalis dito nang basta-basta? You made a wrong move, Aya. Para ka na ring pumasok sa bahay ng leon at pinain mo ang sarili mo!” he said through gritted teeth. “Joshua… let… me… go,” sabi niya, hindi maitago ang kaba at takot. Oo, natatakot siya kay Joshua ngayon. Nag-iba na ito. Hindi na ito ang dating Joshua na nakilala niya. Pero sa paglipas ng mga taon, lalo itong gumuwapo at lumakas ang dating. “You’re going to pay for everything, Aya! I promised myself—you’re going to pay for every pain you gave me. A kind of pain I’ve never felt before!” sabi nito, halos magbasagan na ang mga ngipin. “Wha—” Joshua didn’t let her finish. He pulled her and kissed her lips roughly. She struggled. She tried to push him, but Joshua held her hands tightly and pinned them behind her back. She did everything to free herself, but he didn’t let go. He kissed her deeper, rougher, until she was almost out of breath. When he finally let go, she gasped for air. “Oh god!” she panted, trying to catch her breath. “Your lips are still as soft as the old times,” he said, touching his own lips seductively. “Bastos!” “Bastos? Ako bastos? Bakit, Aya, wala pa bang nagbigay ng magaspang na halik sa’yo? Lahat ba ng naging lalaki mo, they treated you like a princess in bed? It’s because you’re now Aya Suarez, the high-paid supermodel. Every man wants to get inside your pants,” he said, acid dripping from his mouth. “This is pointless, Joshua! Hindi ko sasayangin ang oras ko para magpaliwanag sa’yo. Andito ako para sa lola mo, hindi para magpaliwanag sa’yo!” “Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo. Ang hinihingi ko ay kabayaran sa lahat ng ginawa mo sa akin!” “For God’s sake, Joshua, it’s been seven years and more. You should move on and for—” “Shut up! Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko, Aya! Wala kang alam!” sigaw nito na nagpagulat sa kanya. Napaatras siya ng isang hakbang. Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila sukdulan ang galit nito sa kanya. Nagyuko siya ng ulo para itago ang luhang pilit pumapatak. “Revenge, Aya! I want revenge. A Tragora way of revenge.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Worth The Wait

read
203.6K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
589.7K
bc

My Greek Professor

read
99.6K
bc

The Ex-wife

read
236.7K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
722.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook