Chapter 4

867 Words
“Aya, dumating na ba si Joshua?” tanong ni Tita Maristel kay Nanay Alma pagkapasok nila sa bahay. “Opo, Mam. Baka nasa silid na po siya.” “Ah… oh sige, Aya. Maglaro ka muna ah. Magbibihis lang ako sandali,” paalam ni Tita Maristel at umakyat na sa hagdan. Isa-isa niyang inilabas ang mga laruan sa sala para ipakita kay Nanay Alma. Nagkwento rin siya tungkol sa pamamasyal nila at pagkain nila sa McDonald’s. “Ang bait-bait po ni Tita Maristel,” sabi niya habang binubuksan ang bagong biling Barbie. “Oo, mabait talaga iyon. Sige, dyan ka na muna ah. Magpapahanda lang ako ng hapunan. Maya-maya lang, andito na si Sir Miguel,” paalam ni Nanay Alma. Tumango lang siya habang nasa laruan ang atensyon. “Who are you?” Napatingala siya. Mula sa pagkakaupo sa magarang carpet, nakita niya ang binatilyong nakakunot ang noo, nakatingin sa kanya at sa mga laruang nagkalat sa sahig. Napako ang tingin niya rito. Naka-uniporme pa ito—puting polo na may purple logo ng SMU sa bulsa, medyo marumi na rin. Itim na slacks at itim na sapatos. May hawak itong bola na sinisipa-sipa. Binalik niya sa mukha ng binatilyo ang mga mata niya. Gwapo ito, at bagay sa kanya ang buhok na parang Zac Efron style—Troy Bolton sa paborito niyang _High School Musical_. “Are you deaf? I’m asking you?” tanong ulit ng binatilyo, may iritasyon sa tono habang nilalaro ang bola. Nanatili lang siyang nakatingin dito at isa-isa niyang dinampot ang mga laruan. “Hey! I’m talking to you! Ang sabi ko, sino ka?” iritang tanong ulit nito at humakbang palapit sa kanya. Marahil ito na ang Joshua, anak ni Tita Maristel. “Ah… ikaw ba si Kuya Joshua?” alanganin niyang tanong habang inaayos ang mga laruan. “What? You know me? And you called me Kuya Joshua… eh sino ka?” kunot-noong tanong nito. “Ah… ako si Aya. Ang totoo kong pangalan ay Ayana Suarez,” nakangiti niyang pakilala. “Eh anong ginagawa mo rito? At bakit mo alam ang pangalan ko? Bakit mo ako tinawag na kuya?” supladong tanong nito habang sinisipa-sipa ulit ang bola. “Sinabi sa akin ni Tita Maristel, ang Mama mo.” “Si Mama? Eh ano bang ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong nito at huminto sa paglalaro ng bola. “Joshua, hijo,” tawag ni Donya Feliza na kalalabas lang mula sa isang silid. Pareho silang napatingin sa Donya habang nakangiti ito at papalapit sa kanila. “Lola, who is she?” tanong ni Joshua at sinulyapan siya. “She is Aya, and she’s going to stay here for good,” sagot ng Donya na ikinagulat ni Joshua. “Stay here? For good?” bulalas ni Joshua. Nagulat siya sa lakas ng boses nito at napatakbo palapit sa Donya. Nagtago siya sa likod nito, natatakot kay Joshua. “It’s okay, Aya. Mabait ang Kuya Joshua mo,” alo ng Donya sa kanya. “You adopted her?” tanong ni Joshua at sinulyapan siya sa likod ni Donya Feliza. “Yes. At sumang-ayon na ang Mama mo.” “But why? Is she a homeless kid? Where’s her mom and dad?” “Hijo, we will talk about that tonight, while having our dinner.” “Don’t tell me, Lola, sasabay na siya sa dinner natin?” tanong ni Joshua na para bang ayaw siyang isabay. “Of course. She is now part of this family,” nakangiting sabi ng Donya at hinawi ang mahabang buhok niyang tumatakip sa mukha. “Wow, she’s lucky then,” tipid na sabi ni Joshua at sinipa papunta sa pinto ang bola. “Where are you going, Joshua?” “I’m going to play outside,” sagot nito at tuluyan nang lumabas ng mansyon. Sa hapag kainan, ang pag-ampon sa kanya ang pinag-usapan. Natutuwa siya dahil pumayag kaagad ang nag-iisang anak ng Donya na ampunin siya. Nagpapatawag na rin itong “Papa,” pero tumanggi siya. Kaya “Tito Miguel” muna ang tawag niya rito. “Ayan, Aya. May bago ka nang Mama at Papa,” bulong ni Donya Feliza sa kanya. “Salamat po, Donya Feliza,” magiliw niyang pasalamat. “Lola Feliza na lang itawag mo sa akin. Tutal, dito ka na titira,” nakangiting sabi ng Donya. “Maraming salamat po at nagustuhan n’yo po ako rito,” nahihiya niyang sagot at tumayo sa kinauupuan. Mabilis siyang tumakbo palapit sa Donya at hinalikan ito sa pisngi, kasunod si Tita Maristel at Tito Miguel. Nahinto siya sa may upuan ni Joshua na tahimik lang kumakain at walang pakialam sa pinag-uusapan. “Salamat din sa iyo, Kuya Joshua,” alanganin niyang sabi. Sinulyapan lang siya ni Joshua at walang pakialam na tinuloy ang pagkain. “Joshua, say something,” sabi ni Tito Miguel, dahil kanina pa ito walang himik. Parang ayaw nito sa kanya. “Welcome to Tragora Mansion, Aya,” walang emosyon na sabi ni Joshua. Napipilitan lang. Ngumiti siya rito kahit alam niyang pilit lang ang pag-welcome nito. “Thank you, Kuya Joshua,” sabi niya at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat ito at mabilis na lumayo. Ngumiti lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD