Chapter 24 Third Person POV ARAW ng kasal. Tahimik ang hangin, pero mabigat—parang may nakabitin na sentensiya sa bawat sulok ng garden. Simple lang ang set-up, walang engrandeng dekorasyon, walang orchestra. Judge lang ang mag-o-officiate. Sa di kalayuan, nakatalikod si Johan sa mga bisita, hawak ang cellphone, kausap si Ronald. "Bro, I need the truth," mariin niyang sabi, nanginginig ang panga. “Paano nangyari 'yon? How the hell did she end up beside me?" Pero kahit sa kabilang linya, halata ang pagkabigla ni Ronald. "Bro, swear to God, I don't know. Wala rin akong maalala. And I'm sure wala kaming ginawa. Promise, bro, hindi kami ganyan. Nung sinabi mong tapos na ang pustahan, tinapos na rin namin." Napapikit si Johan, halos malaglag ang cellphone sa kamay. Isang segundo pa, baka

