Chapter 25 Aliyah Veda Gonzales "LET'S dispense that stupid tradition na hinahalikan ang bride after the wedding." Winiwasiwas pa niya ang kamay niya. Then he turned to everyone, chin raised. "I don’t love this woman," sabi niya, diretso. "So please wag na tayong magplastikan. Wedding is over, okay? Back to our normal life." Para akong sinampal sa sinabi niya. Nasaktan ako pero hindi ko pinahalata sa mukha ko, pero 'yung dibdib ko, parang pinilipit. "Johan." Galit nitong sabi. "Hindi tama ang mga pinagsasabi mo. May pinahanda akong konting salo–salo." Pero tumigas lang ang panga ni Johan. He twitched his mouth, isang napakasarkastikong ngiti—parang sinasabi niyang wala siyang pake kahit may makakasakit siya. "Kayo na lang po, Lola," sagot niya, walang emosyon. "Tapos na ito." Jus

