Chapter 03
Aliyah Veda Gonzales
MAKALIPAS ang ilang minuto, lumabas ako ng kusina. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib, pero pinilit kong ngumiti habang tinatahak ang daan papunta sa hardin. Paglapit ko, agad kong narinig ang tawanan, ang tunog ng mga violin, at ang boses ni Doñya Carmelita mula sa entablado.
Nasa gitna sila, nakangiti, habang nakahawak sa braso ni Señyorito Johan. Kitang–kita sa mukha ng matanda ang labis na saya. Proud na proud. "My grandson, Johan Dwayne Santibañez," ani ng Doñya, halos nanginginig pa ang boses sa tuwa.
Si Johan naman...nakangiti rin, malambing na nakayakap sa kanyang Lola, tila sinasalo ang bawat papuri ng mga tao. The way he looked at her—may respeto, may adoration. Hindi mo aakalain na ilang minuto lang ang nakalipas, halos hampasin ko lang siya ng kawali.
Napahinto ako sa gilid ng hardin, pinagmamasdan lang silang dalawa. Ang mga bisita ay palakpakan, ang ilan ay nagbubulungan, pero puro papuri ang naririnig ko.
"Ang gwapo talaga ni Señyorito Johan."
"Kamukhang-kamukha ni Don Ysmael nung kabataan niya."
"Siya talaga ang tagapagmana, walang duda."
Pero hindi lahat ng mukha ay masaya.
Sa kabilang mesa, napansin ko si David, nakasandal, hawak ang baso ng alak, at malamig ang tingin kay Johan. Nakakunot ang noo, parang gustong mawala ang spotlight ni Johan. Sa tabi niya, ang mga barkada niya—mga lalaking halatang sanay sa yaman—ay pabulong na nagtatawanan, pero hindi ko mabasa kung sa saya o sa inggit.
Sa harap naman ng entablado, parang may isang kiti–kiti na hindi mapakali. Gillian. Nakangiti siya nang sobrang lawak, halos di mapakali sa kinatatayuan. May paayos-ayos pa ng buhok, may pa–tilting ng ulo, at may pahaplos pa ng kwelyo ng dress niya na parang sinasadya para mapansin.
At nang magbaba ng tingin si Johan sa direksyon nila, kumaway pa si Gillian—flirty, confident, parang sinasabing, "Do you still remember me?"
Napahinga ako nang malalim.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.
Ang dalawang alipores niya, parehong nakatingin din kay Johan, parang sabay-sabay silang tinamaan ng kilig. Lingid siguro sa kanila, halata ang bawat kilos nila.
Pero kung tutuosin, sino nga ba ang hindi magkakagusto kay Johan? Sa pamilyang ito, siya ang perpektong larawan ng Santibañez—matangkad, guwapo, maporma, may charm na parang hindi kailangang pilitin. Kahit sino, kahit 'yong mga babaeng tulad ko na alam namang hindi bagay sa mundo niya, mapapalingon talaga.
Lalo na ngayon. Mas mature, mas may dating...pero mas malayo.
Napatigil ako nang bumaba sa entablado si Johan at Doñya Carmelita. Lumapit sila sa Gobernador Ysmael, na nakatayo sa tabi ng asawa niyang si Madam Claudia. Tahimik ang buong paligid, parang lahat naghihintay kung anong mangyayari.
Hindi agad niyakap ng Gobernador ang anak niya. Tumingin muna ito sa asawa niyang si Madam Claudia—na halatang nagpipigil ng emosyon. Kita sa mukha ang hindi masaya, pilit ang ngiti malamig ang mga mata.
Pagkatapos ng ilang segundo, saka lang niyakap ni Gob ang anak. Maiksi, walang lambing, parang isang yakap na ginawa lang dahil may mga nakatingin.
Si Johan, halatang nabitin pero ngumiti pa rin. Matapos noon, dumiretso siya kay Gillian.
"Oh, Johan," sambit ni Gillian, halos pasigaw habang lumalapit. Bago pa makapagsalita si Johan, agad na itong humakbang at niyakap siya. At si Gillian—aba, parang nanalo sa lotto.
Nakapikit pa habang niyayakap si Johan, saka dahan-dahang kumawala at kinagat ang labi, sabay sabing, "You still smell the same."
Halos mapangiwi ako sa narinig.
Ang ibang babae sa paligid nagkatinginan at nagtawanan ng pabulong.
At ako?
Nakatayo lang sa malayo, tahimik.
Pinapanood silang lahat.
Ang saya sa paligid, pero ako, pakiramdam ko, unti-unting lumiliit.
Hindi ko alam kung dahil hindi niya ako naalala, o dahil ayaw kong aminin na nakakainggit 'yong ngiti ni Gillian na tila siya lang ang babaeng nakikita ni Johan sa gabing 'yon.
Tinawag ako ni Manang Dolor, kaya agad akong lumapit. "Hija, tulungan mo nga ako riyan sa mga bisita. Dumarami na," sabi niya sabay abot sa akin ng tray ng alak.
Tumango ako at nagsimulang mag-ikot. Ang hardin ay puno ng tawanan at musika, mga ilaw na nakasabit sa mga puno, at halakhak ng mga panauhin na tila walang iniintindi. The night was loud, alive, beautiful—but I didn't feel any of that.
Kahit anong iwas ko, bumabalik pa rin ang tingin ko sa kanila.
Kay Johan, at kay Gillian.
Magkatabi sila, masyadong malapit. Si Gillian, tawa nang tawa, may pa–bulong pa kay Johan habang hinahaplos ang braso nito. Minsan pa ay may pa–tilting ng ulo, parang may sinasadyang ipahiwatig. At nang mahuli niyang nakatingin ako, ngumiti siya, hindi 'yong tipong friendly na ngiti, kundi 'yong alam kong alam niya na nasasaktan ako.
She smirked, then leaned closer to Johan. Halos idikit na niya ang sarili niya rito. I wanted to look away, but I couldn't.
Get off, girl, bulong ng isip ko.
Napansin kong napatingin si Johan sa direksyon ko, pero mabilis din siyang umiwas. Walang reaksyon. Parang wala lang.Walang kahit anong pagkilala o bakas ng kung sino ako.
Kaya yumuko na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Isa-isang nilapitan ang mga mesa, nag–abot ng alak, ngumiti kahit pilit. Sa bawat hakbang, pakiramdam ko, mas lalo akong lumiliit sa gitna ng napakagandang selebrasyon na parang hindi naman para sa tulad ko.
Hanggang sa maramdaman kong sumakit na ang paa ko sa katatayo. I should just leave.
Nagpaalam ako kay Manang Dolor na magbabalot ng pagkain. Balak kong ibigay iyon kina Lira at sa mga bata sa kabilang ilog, bukas ng umaga. Itatabi ko na dati pa. At least doon, mararamdaman kong may saysay pa ako.
Habang naglalakad ako pabalik sa kusina, tahimik na ang pasilyo. Dim ang mga ilaw, halos maririnig mo lang ang musika mula sa labas. Ngunit sa kalagitnaan ng hallway, may narinig akong mahina—parang boses ng babae, paanas, at halatang pigil na pigil.
Napahinto ako. May halong kaba at kuryosidad, sinundan ko iyon, hanggang sa mas malinaw kong marinig. May naririnig akong umuungol, boses lalaki.
Napatingin ako sa dulo ng pasilyo, sa likod ng makapal na kurtina. May dalawang anino roon, gumagalaw. Mabilis akong napaatras, itinago ang sarili sa likod ng haligi.
Kahit hindi ko gustong isipin, alam kong si Gillian ang babaeng nakaluhod sa harap niya may lalaking nakatayo. Pero 'yong lalaki...hindi ko masabi, panay ungol ng lalaki. Tinitigan ko sandali, pilit na inaabot ng tingin sa dilim. Matangkad, broad shoulders, pamilyar ang tindig.
Parang si Johan.
Parang siya nga.
Napakuyom ako ng kamao, ramdam kong nanlamig ang mga palad ko. May kung anong mabigat na kumurot sa dibdib ko, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hindi ko naman siya pag-aari. Hindi ko rin alam kung may karapatan ba akong masaktan.
Bago pa nila ako mapansin, mabilis akong umurong. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako mapahinga nang malakas, tapos halos patakbo akong bumalik sa kusina.
Pagdating ko roon, parang tinanggalan ako ng lakas.
Humawak ako sa mesa, pinikit ang mga mata, pilit pinapakalma ang sarili.
Maybe I didn't see it right, bulong ko sa isip ko. Maybe it wasn't him.
Pero kahit anong sabihin ko sa sarili ko, ramdam ko pa rin ang kirot.
NAKAUPO ako sa stool sa kusina, nakayuko habang kumakain ng suman. Tahimik lang ang paligid, pero sa utak ko, paulit-ulit ang eksenang nakita ko kanina. Hindi ako tanga. Alam ko kung ano ang ginagawa nila doon sa madilim na pasilyo.
Napakagat ako sa labi,,pilit na tinataboy ang kirot sa dibdib.
"Sa dami ng babae, pati si Gillian?" mahina kong bulong sa sarili.
Aaminin ko, noon pa man, alam kong babaero si Johan. Pero ewan—ibang sakit ngayon. Siguro kasi nakita ko mismo. At oo, crush ko siya. Pero hanggang doon lang dapat, 'di ba? Wala akong karapatang masaktan.
Napabuntong-hininga ako at tinusok ang suman gamit ang tinidor. "Crush lang naman, Veda," sabi ko, pilit na tinatawanan ang sarili. Pero habang ngumunguya ako, naramdaman kong may luha nang dumadaloy sa pisngi ko.
Agad kong pinunasan iyon nang marinig ko ang mga yabag papasok sa kusina. Napalingon ako—at muntik ko nang mabitawan ang tinidor nang makita kung sino.
Si Señyorito.
Nakatayo siya sa may pinto, nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang fitted jeans. Basa pa ng pawis ang bangs niya, parang bagong sayaw lang pero hindi ibang sayaw yata. Nagtagpo ang mga mata namin at napalunok ako.
"Gawa mo 'yan?" tanong niya, sabay tingin sa suman sa counter.
"O–opo, Señyorito," sagot ko, medyo nauutal. "Gusto mo tikman?"
Ngumiti siya, pero 'yong ngiti na may halong pang-aasar. "Hmm...no thanks. I've had enough... sweets tonight. Iba ang gusto kong kainin, 'yung maalat–alat na tahong pero lasang peanut butter. Iyon na kasi ang paborito ko ngayon," he said playfully.
Napakurap ako, hindi agad na-gets ang ibig niyang sabihin. "Ah, okay po. Meron din po akong peanut butter, baka gusto n'yong tikman? May tinapay po dito. Masarap ito kapag may peanut—"
Naputol ako nang marinig kong natawa siya. 'Yung tawang mababa pero may halong pilyo. "You're too innocent, Veda," sabi niya, sabay iling. Lumapit siya ng bahagya, halos maramdaman ko na ang amoy ng pabango niya. "You really don't know what I mean, huh?"
Umiling ako, litong-lito. "A–ano pong ibig n'yo sabihin, Señyorito?"
Tinitigan niya ako. 'Yong titig na parang tumatagos, parang binabasa ang iniisip ko. "Nothing," sabi niya, pero nanatili ang ngiti sa labi. "You're cute when you're confused."
Namula ako, at hindi ko alam kung saan ako titingin. Gusto kong umiwas pero ayaw gumalaw ng katawan ko.
Ngumisi pa siya bago tuluyang tumalikod. "Keep that innocence, Veda," sabi niya, mabagal at may bigat ang boses. "Not everyone in this house deserves it."
At bago ako makasagot, lumabas na siya ng kusina—iniiwan akong tulalang nakatingin sa pinto, may halong kaba, pagtataka at sakit sa dibdib.
Parang may kung anong binuhay ulit sa loob ko, pero kasabay noon ang isang bagay na mas mahirap tanggapin, ang katotohanang habang siya ay tinatawanan lang ang mga biro niya, ako, unti-unti nang nahuhulog.
Natahimik ang kusina nang makaalis si Johan. Naiwan akong nakatingin sa pinto.
Napangiti ako nang mahina kahit may kirot pa rin sa dibdib. "Iba na pala gusto mo ngayon, Señyorito..." mahina kong sabi. "Ayaw mo na ng ganito, peanut butter na ang gusto mo."
Napailing ako pero hindi ko mapigilang mapangiti. Peanut butter, ha? Kung iyon ang gusto niya, bakit hindi?
Bumuntong-hininga ako. "Kaya kong gawin 'yon," bulong ko. "Bukas bibili ako ng dalawang kilo ng mani...sapat na 'yon para makagawa ng peanut butter at bibili din ako ng fresh tahong. Pero napapatanong ako, ano ba ang lasa ng tahong na nilagyan ng peanut butter? Ang alam ko sa mantikilya, ginigisa ang tahong? Siguro kakaibang putahe iyon pero mukhang masarap."
Napangiti ako nang tuluyan habang iniisip ang reaksyon niya kapag natikman ang peanut butter ko. Siguro matutuwa siya, baka ngumiti ulit sa akin,,baka sabihin niyang masarap ang peanut butter ko.
"Para sa'yo ito, Señyorito," mahina kong sabi, sabay ngiti.
Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Alam kong hindi ko dapat ginagawa ito, pero iba talaga kapag siya. Kahit ilang beses niya akong paasahin o saktan, he always finds a way to make me smile.
At sa bawat simpleng ngiti niya, parang worth it lahat.
Kinilig ako sa sarili kong iniisip,,napahawak pa sa pisngi. "Peanut butter..." napatawa ako nang mahina. "Kung 'yan ang gusto mo, 'yan ang ibibigay ko."
Hindi ko namalayang naninigas na pala ang suman sa plato ko. Pero okay lang—bukas, tahong na may peanut butter na ang ihahain ko sa kanya.