Chapter 02
Aliyah Veda Gonzales
GABI NA. Kumikinang ang buong hardin sa dami ng mga ilaw at dekorasyong parang pang-fiesta. Halos mapuno ang hangin ng halimuyak ng mga imported na bulaklak at mamahaling pabango ng mga bisita. Sa gitna ng malawak na garden, may mahabang mesa na puno ng pagkain—lechon, paella, wine, at kung ano-anong mamahaling putahe.
Lahat ay maayos. Lahat ay handa. Pero may isang bagay na kulang.
Wala pa rin si Señyorito Johan.
Kanina pa sinasabi ng mga tauhan na darating daw siya ng alas-sais. Pero ngayon, mag-aalas-siyete na, at ni anino ng binata, wala. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang mga bisitang nagkakatuwaan, parang walang pakialam kung sino ang hinihintay ng lahat.
Ang mga tauhan ng hacienda, abala sa pag-aasikaso sa mga panauhin. Kanina bago nag–umpisa ang party narinig ko ang pagtatalo ni Doñya Carmelita at Gob Ysmael.
"Ma, sobra na ito. Bakit kailangan pa nating maghanda ng ganito kalaki para sa batang iyon?"
Tahimik si Doñya Carmelita sa una, pero nakita ko kung paano siya bahagyang ngumiti — 'yong tipong mapanatag pero nakakatakot. "Anak, hindi mo kailangang mainggit sa sarili mong anak. Apo ko si Johan, at ako ang nagdesisyon sa party na ito. Don't question me."
"Hindi ako naiinggit!" halos pasigaw na sagot ni Ysmael. "Pero tingnan mo, Mama, ginagawa mong espesyal ang batang 'yon. Baka nakakalimutan mo, hindi siya—"
"Don't you dare finish that sentence, Ysmael!" mariin ang boses ni Doñya Carmelita. "Anak mo si Johan. Wala kang karapatang ituring siyang iba. At kung ako sa'yo, kausapin mo na lang nang maayos ang asawa mo kaysa sumunod sa lahat ng drama niya."
Napatigil si Ysmael. Napatango ako nang maramdaman kong tama ang hinala ko — siguradong nagsumbong si Madam Claudia.
Tahimik na nakatingin lang si Ysmael, halatang pigil ang sarili. Kita sa mukha niya ang tensyon sa pagitan ng pagiging anak at pagiging ama.
"Kung hindi mo kayang ipagmalaki ang anak mo," dagdag pa ni Doñya Carmelita, "ako ang gagawa niyan para sa'yo. Kaya kung ayaw mong makasakit ng damdamin, lumayo ka muna."
Bago pa makasagot ang Gobernador, tumalikod na ang Doñya. Pero gaya ng dati, walang nangyari — dahil sa dulo, ang Doñya pa rin ang masusunod.
Pinilig ko ang ulo ko at naglakad papunta sa may gilid kung saan mas tahimik. Nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang daming bisita — mga kilalang negosyante sa bayan, ilang pulitiko, pati ang mga may-ari ng kalabang bangko nila. Lahat sila, nandito para lang salubungin si Johan.
Ganoon ito kamahal ni Doñya Carmelita. Napatingin ako sa malayo. Dumapo ang mga mata ko kay Doñya Carmelita, gaya ng dati, abala sa pakikipag-usap sa mga kilalang negosyante at mga kakilala sa bayan. Eleganteng-elegante pa rin sa suot niyang kulay emerald green na gown, at kahit nasa edad na, may tindig pa rin ng isang reyna. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang humanga. Palaging composed. Palaging may dignidad.
Napangiti ako nang bahagya. Sana ganun din karaming maipagmamalaki ang lola ko, kung meron man ako. Lumaki akong kasama si Lolo Delfin at ang aking ina ay hindi ko alam. Iniwan niya ako, pagkapanganak niya sa akin. Pati tatay ko, hindi ko rin alam kung sino.
Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang pamilyar na tawa mula sa likuran.
"Look who's here.”
Napalingon ako. Si Gillian, nakataas ang kilay, nakangisi habang hawak ang wine glass. Sa tabi niya, naroon ang dalawa niyang alipores.
Hinagod ako ni Gillian ng tingin mula ulo hanggang paa, tapos napailing siya na parang nadidismaya. "Nasaan na 'yung lavender dress mo kanina? ‘Yung may malaking ribbon sa gitna?" Tumawa siya, sabay tingin sa mga kaibigan niya. "Para kang regalo sa tindahan ng ukay. God, I almost didn't recognize you without the bow."
Sumabay sa kanya ang dalawang alipores na tawang-hayop kung humalakhak.
"Alam mo, Veda," patuloy ni Gillian, "kahit magdamit kang parang prinsesa, hindi ka pa rin mapapansin ni Johan. Stop dreaming above your level." Naglapit siya, halos dumikit sa mukha ko. "You like corpses, huh? Kasi kung gusto mo ng hindi mo maaabot, that's exactly what you’re doing."
Naramdaman ko ang init sa pisngi ko. Gusto ko sanang umiwas, pero may kung anong sumiklab sa dibdib ko. Hindi na ako makakapayag na lagi na lang niya akong apihin.
"Funny," sagot ko, pilit na kalmado pero matalim ang tono. "You talk too much for someone who hides behind makeup and fake confidence. Baka nakakalimutan mo, kahit ilang beses kang magpalit ng damit, hindi pa rin mawawala 'yung ugali mong kanal."
Nawala ang ngiti ni Gillian. Kita ko ang pag-igting ng panga niya.
"What did you just say?"
"You heard me," matapang kong sagot. "At least ako, I work here honestly. Ikaw? You only look important because your mother's married to the Governor. Don't confuse power with class, Gillian — they're not the same thing."
Natahimik. Ilang segundo lang, pero ramdam kong nag-aapoy ang paligid.
Nakita kong nanginginig ang kamay ni Gillian habang hawak ang wine glass niya. "You'll regret that, Veda," madiin niyang sabi. "You don’t belong here. And sooner or later, you'll realize that."
Ngumiti lang ako, kahit kumakabog ang dibdib ko. "Maybe. But at least, I don't have to destroy other people just to feel relevant."
Nathimik silang tatlo nang lumayo ako, pero ramdam ko ang tingin nilang lahat nakasunod pa rin sa akin — galit, inis, at marahil, takot.
At sa unang pagkakataon, hindi ako nagpaapi sa kanya.
Ngayon lang, pero sapat na para iparamdam ko kay Gillian na hindi niya ako kayang tapakan habang buhay. Ang yabang–yabang niya.
DAHIL ayoko nang makisama sa mga mayayabang na mga tao sa hardin, nagpasya akong dumiretso na lang sa kusina. Mas tahimik doon, at least busog pa ako bago umuwi. Balak ko ring magpaalam kay Manang Dolor na mag-uuwi ng pagkain, ibibigay ko sa mga anak ng kapitbahay namin. Medyo malayo ang bahay namin mula rito sa mansiyon, pero halos lahat ng mga kapitbahay ko nagtatrabaho rin sa tubuhan ni Doñya Carmelita.
Kung tutuusin, halos buong baryo namin, umaasa sa mga Santibañez para mabuhay.
Pagpasok ko sa kusina, naamoy ko agad ang halimuyak ng nilutong afritada. My favorite. Naabutan ko sina Mang Pilo at Manang Dolor na kumakain sa maliit na lamesa sa gilid. Ang ibang mga katulong nasa hardin, tumutulong sa pagserve sa mga bisita.
"Oh, Veda!" tawag ni Manang, nginitian ako. "Halika, anak, kumain ka na rin. Sayang itong mga sobra."
Ngumiti ako, nilapag ang hawak kong tray. "Sige po, Manang. Medyo gutom na rin ako."
Umupo ako sa tabi nila, at gaya ng dati, naging masaya ang usapan. Si Mang Pilo pa ang nagbiro tungkol sa mga bisita sa labas. "Ang yayaman, pero 'yung iba, parang takot ngumiti. Akala mo laging nasa lamay."
Natawa ako, halos mabulunan sa kanin. "Baka kasi gutom lang, Mang Pilo."
Matapos kaming kumain, ako na ang nagprisinta maghugas ng pinggan. "Ako na po, Manang. Bumalik na lang po kayo sa labas, baka hinahanap kayo ni Doñya."
Ngumiti si Manang Dolor at mabilis ding umalis. Si Mang Pilo naman, nanood na ng TV sa sulok. May TV rito sa kusina.
Tahimik ang kusina. Tanging tunog ng tubig sa lababo at pinggan ang maririnig. Medyo malamig din dahil bukas ang bintana.
Habang nagbabanlaw ako, biglang may naramdaman akong dalawang kamay na dumapo sa magkabilang pisngi ng puwetan ko, sapong–sapo.
Nanlaki ang mga mata ko. Parang nanigas ako sa kinatatayuan.
What the hell—
Bago pa ako makaisip, inabot ko ang pinakamalapit na bagay sa tabi ko—isang kawali—at buong lakas kong iniikot iyon paharap sabay hampas sa kung sino man ang may lakas ng loob na humawak sa akin.
"Bastos..." sigaw ko.
"Aray!" malakas na daing ng lalaki.
Napatigil ako. Sa gulat halos matapon ko ang kawali. Nakatakip ang lalaki sa ulo niya, medyo nakayuko, at halata sa porma ng katawan na hindi basta-basta.
At nang iangat niya ang ulo niya...
Parang natigilan ang mundo ko.
Si Señyorito Johan.
My eyes grew wide, and my heart—my God—parang tumalon palabas sa dibdib ko.
Nakatitig lang ako. Parang nag-slow motion ang lahat.
"What the—Manang Dolor!" sigaw nito.
"S–Señyorito..." bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili ko.
Parang lumabo ang paligid ko habang nakatitig sa kanya. Mas lalo siyang tumangkad, mas defined ang panga, at ang mga mata niyang kulay abo—mas lalong nakaka-hipnotize. My eyes moved down to his body. Nakasuot lang ng white hugging shirt. Tight fitting jeans that hugged his body like a second skin. Drop dead hunk. Oh? Hindi na ito ang Johan na nakita ko noon. Muscles all over his body.
"Wait—who are you?" tanong niya habang pinupunasan ang noo niya, halatang nagulat din.
Napakagat ako ng labi. "Veda po... hindi po ako si Manang Dolor. Hindi niyo po ba ako natatandaan?"
Napasimangot siya, pero may bahagyang ngiti sa gilid ng labi. "Oh, damn... I thought—" tumigil siya at natawa ng mahina, rubbing his head. "I used to do that to her all the time when I was younger."
"You shouldn't do that to anyone, Señyorito," sagot ko, halatang nanginginig pa rin sa kaba at hiya.
Ngumisi siya, tumingin sa akin nang diretso, at parang may kung anong kumislot sa loob ng dibdib ko.
"Well," he said softly, with that familiar teasing tone, "I guess I owe you an apology...and a bump on the head."
Hindi ako makapagsalita. Parang naengkanto ako sa ngiti niya.
At sa unang pagkakataon muli kong nakita si Senyorito—ngayon ay isang ganap na lalaking hindi ko na alam kung kaya ko pang harapin ng kalmado.
"Senyorito Johan?"
Napalingon kami nang marinig ang boses ni Mang Pilo.
Ngumisi ang binata,,masayang humarap sa kanya kahit may kamay pa rin sa noo na hinampas ko kanina. "Mang Pilo! My God, it's been years!" Masigla siyang lumapit at agad niyakap ang matanda. Kita sa mukha ni Mang Pilo ang tuwa.
Pero agad din akong napatigil nang muling tumingin sa akin si Johan.
"She hit me with a pan, dammit," reklamo niya sabay turo sa akin. "Sino nga ba ang babaeng ito?!"
Napangiti si Mang Pilo pero hindi sumagot agad. Ako naman, halos gusto ko nang lamunin ng sahig. Hindi man lang niya ako nakilala.
Sa bagay...bata pa ako noon. Eleven lang ako nang umalis siya,,at oo—aminado ako—mataba ako noon, may malaking pwet, at mahilig gumawa ng suman na ginagawa kong paninda.
"Si Veda 'yan, Senyorito," sagot ni Mang Pilo, nakangiti pa rin. "Apo ni Mang Delfin."
Kumunot ang noo ni Johan, tila nag-iisip ng malalim. Maya-maya, parang may umilaw sa mga mata niya. "Wait... Veda? Yung magaling gumawa ng suman? Nakatira sa kabila ng ilog? Batang mataba, noon?"
Tumango ako nang mahina.
"Damn," natatawang sabi niya, tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "You look...different. Medyo nag-iba lang ang mukha mo. Wala masyadong pinagbago—" Huminto siya sandali, saka sumimangot. "Hindi ka man lang gumanda."
Parang may kumurot sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.
Pero nang makita ko kung paanong parang nandidiri siyang tumingin sa mukha kong may maliliit na pimples, mas pinili kong ibaba na lang ang tingin ko sa sahig.
"Anyway," sabi niya bigla, ibinaling na ang atensyon kay Mang Pilo. "So, how many people are out there?"
"Marami, Senyorito. Kanina ka pa hinihintay ng Doñya.
"Yeah, I saw the cars out front. I came through the back." Kumindat siya. "You know, the same way I used to sneak out before when I was a kid."
Napangiti si Mang Pilo. "Hindi ka pa rin nagbago, Senyorito."
Biglang bumukas ang pinto.
"Johan! Apo?"
Lahat kami napalingon. Si Doñya Carmelita—masayang makita ang apo, at halatang nangingilid ang luha sa tuwa. Agad siyang lumapit, at bago pa makapagsalita si Johan, niyakap na siya nito nang mahigpit.
"Lola," mahina pero punong-puno ng emosyon ang tinig ng binata.
Napalunok ako. Habang pinapanood ko silang magyakap, may kakaibang hapdi akong naramdaman sa dibdib. Masaya ako para sa kanila—totoo 'yon. Pero hindi ko rin mapigilang maramdaman 'yung lungkot.
Hindi niya ako naalala.
At ngayon, habang abala siya sa pagyakap sa pinakamamahal niyang lola, ako naman ay unti-unting umatras at tuluyang iniwan sa kusina—mag-isa.