Chapter 90: Plano

1609 Words

Chapter 90 Johan Dwayne Santibañez NIYAYA ko si Jaxx na mag-ice cream, sinubukan ko lang kung papayag ang anak ko. Pero bago pa siya sumagot, tinitigan niya muna ako, 'yung tingin na parang may iniipong desisyon sa likod ng mata niya. Then marahan siyang tumango. “Fine,” sabi niya. “But wait—opps. Hindi pa tayo bati, Johan. Sasama lang ako kasi fave ko ang ice cream.” Napangiti ako kahit pilit. Tumango na lang ako. Kahit ang tigas pa rin ng pagkakabanggit niya ng pangalan ko, okay na ’yon. Mas okay kaysa runaway Papa ang itawag niya sa akin. Small wins. Nauna siyang maglakad, walang lingon-lingon. Naiwan ako ng dalawang hakbang. Bigla siyang huminto, humarap sa akin, at tinaasan ako ng kilay, parang lider ng grupo. “Follow me,” utos niya. Napakamot ako sa ulo at sumunod. Oo na, sir.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD