Chapter 93 Johan Dwayne Santibañez PAGKATAPOS kong maligo at magbihis, iisa lang ang laman ng isip ko, si Veda. At si Lola Carmelita. I can’t ignore what I’m seeing. Hindi normal ang panghihina niya, at hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko ito nae-verify mismo. Sinilip ko ang relo ko. Maaga pa. Kung tama ang narinig ko kahapon, nag-file siya ng leave. So there’s a chance na nasa bahay lang siya ngayon. Good. Mas gusto kong doon ko siya kausapin, hindi sa ospital, hindi sa lugar na may distansya. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kanila, may nadaanan akong nagtitinda ng bulaklak. Huminto ako nang kusa, parang may sariling isip ang katawan ko. Bumili ako. Bahala na kung masungit na naman siya. I deserve it anyway. Habang umaandar ulit ang motor, naalala ko rin, bukas ang family

