Chapter 92 Johan Dwayne Santibañez MAAGA akong nagising. Hindi dahil sa ingay, kundi dahil sa bigat ng responsibilidad na kusa nang bumabangon sa dibdib ko. Today, I start fixing what I abandoned. Walang takbuhan. Wala nang delay. Pitong taon akong nawala. Pitong taon na iniwan kong nakatiwangwang ang lupa, ang mga tao, ang kabuhayang dapat ako ang nagbabantay. At ngayong nandito na ako, hindi ko na ulit ito lilisanin. This time, I stay. Maaga rin akong bumaba sa kusina. Naabutan kong abala si Manang Dolor sa kalan, pawis sa noo pero may ngiting parang sanay na sanay na may inaalagaang pamilya. “Manang,” sabi ko, “ipaghanda mo ng masarap si Lola Carmelita. Sabay kami mag-aalmusal. I owe her that… and more.” Napatingin siya sa akin, bahagyang nagulat, tapos tumango. “Matutuwa po ang D

