Chapter 85 Aliyah Veda Gonzales NAKATAYO siya sa may bungad ng sala, tuwid ang tindig kahit halatang hindi pa siya ganoon kalakas. Nakapamulsa ang isang kamay, ang isa’y bahagyang nakakuyom. Ang mga mata niya, diretso sa akin. Hindi galit. Hindi rin gulat. Pero may malinaw na tensyon. Binitawan agad ni Ysmael ang balikat ko at humarap sa anak niya. “Johan,” sabi niya, may babala sa tono. “Mind your tone.” "Really?" wika nito na umangat ang mga kilay at hindi inaalis ang tingin sa akin. “Bakit kailangan pa ninyong mag–usap na kayong dalawa lang?” Huminga ako nang malalim. Magkahalong emosyon ang sabay–sabay na umahon sa dibdib ko. Pero hindi doon kabilang ang guilt dahil wala kaming ginagawang masama ng ama niya. Hindi rin ako dapat magpaliwanag pero ayoko ng gulo. Ewan ko ba at hindi

