CHAPTER 10

2029 Words
"Good morning, besty!" bati ni Nicole sa akin nang makapasok siya sa opisina ko. Sinarado ko muna ang laptop para maka-usap siya. Naka suot siya ng blue royal dress na hanggang tuhod niya. Nakatali ang kanyang buhok at sobrang pula ng kanyang labi dahil sa kolorete! "Morning," sagot ko. Naupo siya sa harapan ko at lumaki ang ngiti niya. "Wala ka bang trabaho? Oras ng trabaho, Nicole bakit ka andito?" "Tuloy na tayo mamaya?" lumaki pa lalo ang kanyang mga ngiti. "Pagod ako, Nicole." "Hmm? Maaga ka namang umuwi kagabi 'diba?" kunot noo niyang tanong. "Anong ginagawa mo?" "I mean.... napagod ako kagabi dahil tinapos ko pa ang report ko." diretso kong sabi para hindi niya mahalata na nag sisinungaling ako sa kanya! "Okay! Sayang naman, matulog ka kaya mamaya para alas siete ipapasundo kita kay Zach!" Ipapasundo pa talaga niya ako, ha! Pwede bang sa susunod na araw na lang kami kumain sa labas? Hindi ba busy 'yong dalawang lalaki para sumama sa amin? "Bakit ka ba sama ng sama sa dalawang lalaki na 'yon, baka mag tatampo na 'yong iba nating kaibigan, ha? At 'tsaka, pwede naman kayong lumabas kayo ni Gab na hindi na kami kasama ni Zach, baka ano pag isipin ni Zach kapag sasabihin mong sasama siya dahil sumama ako!" Umirap siya at tumayo. "Basta, girl! Tutuloy tayo mamaya, mag trabaho ka na! Bye!" kumaway siya. Tinapos ko lang ang report at bumaba kaagad ako para kumain. Medyo masakit 'yong likod ko dahil kanina pa ako naupo! Naging mabilis lang ang oras at umuwi kaagad ako sa bahay. Nag text si Zach sa akin pero hindi na ako nag reply pa. Bahala siya sa buhay niya! "Yup! Sasama ako mamaya kay Nicole tapos dadaanan na lang namin si Raysa para isama ko siya," huminga ako ng malalim at umupo sa kama. Nag hahanap kasi ako ng masusuotin para mamaya kaya habang tumatawag si Coleen ay hawak ng balikat at taenga ko ang cellphone. "Oh, sige! Gulatin mo si Nicole!" tumawa siya kaya napatawa din ako. "Sige na, bye. Hindi pa ako nakahanap ng damit na susuotin, mag hahanap pa ako." "Parang kanina ka pa nag hanap ng susuotin, ha? Parang may pinag hahandaan ka yata mamaya kakain lang naman kayo!" "Bye na." pinatay ko ang tawag at kaagad na tumayo para ipagpatuloy ang pag hahanap ng damit. Alas siete ay na text si Zach na nasa labas na daw siya kaya bumaba ako. Halos matalisod ako nang bumaba ako sa hagdanan at nakita ko siyang naka sandal sa sasakyan niya sa labas. Pinag krus niya ang mga braso niya at nakasuot siya ng itim na shades. Bakit naman may isang guwapong nilalang dito sa labas. Nilakihan ko ang ngiti ko na pumunta sa kanya, palapit ako sa kanya nang tinanggal niya ang suot niyang shades. "Are you okay?" seryoso niyang tanong kaya tumango lang ako. Diretso ang punta namin sa Restaurant na sinabi ni Nicole. Hindi na kami dumaan kay Raysa dahil nag text siya kaninang hindi siya maka punta dahil may inaasikaso siya. Tahimik lang kami na nasa loob ng sasakyan. Walang pinag-usapan na kahit ano kahit nong nangyari pa kagabi sa amin. "Hi!" bati ni Nicole nang maupo kami. "Good evening," nilingon ko si Gab na katabi niya bago tumingin kay Nicole. Tumango lang si Gab na abala sa menu bago siya nag tawag ng waiter. Narinig ko ang pag ubo ni Zach kaya nilingon ko siya. Seryoso ang kanyang mukha na naka tingin sa lamesa. Nang mag tama ang mata namin ay kaagad na nilagay ang kamay niya sa upuan ko sa likod. "Bro, what is your order?" binigay ni Gab ang menu kay Zach at kaagad naman na tinanggap niya ito at binasa. Napatingin ako kay Nicole na nakangisi lang sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Celine, uuwi ka ba pagkatapos nito? Ayaw mo bang sumama sa amin mamaya?" tanong niya. "Saan kayo pupunta?" "Bar." malaki ang ngiti niya. "You know, medyo matagal na tayong hindi nakasayaw e, itong si Gab may kilalang may ari ng bar kaya pupuntahan namin 'yon. Sasama ka ba?" Umiling ako. Hindi naman ako mahilig dyan! At isa pa, pagod ako at gusto kong matulog pagkadating ko sa bahay. Susunduin ko pa si Mama sa airport bukas. "Susunduin ko pa si Mama bukas. At tsaka gusto kong matulog pagkadating, pagod ako sa trabaho wala na akong oras para dyan, Nicole." "What's yours?" tanong ni Zach sa gilid kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya. "Kahit ano na lang." sagot ko. "Pagod. Halos nakaupo ka lang naman kanina buong hapon," umirap siya kaya ngumisi ako. "Baka makahanap ka don ng pwedeng maging, you know. Ilang taon ka nang single, Celine." Linakihan ko siya ng mata. Alam kong nag paparinig lang siya sa katabi ko. "Ikaw na mag hanap, Nicole hindi ako intresado pumasok sa isang relasyon." Tumawa siya at nakita ko ang katabi kong uminom ng tubig sa gilid. Hindi na nag salita si Nicole nang dumating na din 'yong ibang pagkain. Nag kwentuhan si Gab at Zach tungkol sa mga business nila. Nalaman kong may share pala si Zach sa business ni Gab. Kaya mas namangha ako sa kanya. Tahimik lang din kaming dalawa na nakinig habang kumakain. "Hatid na kita." nasa gilid ko si Zach palabas kami ng Restaurant nang mag salita siya. "I'm fine. Sasakay na lang ako ng taxi para hindi ka na maabala." sagot ko. "I insist. Gabi na at wala na masyadong sasakyan, Celine kaya sumakay ka na sa akin." Napalingon ako sa kanya. Seryoso ang mukha na nag lalakad. Tama ba ang narinig ko? Sa kanya ako sasakay? Ang dumi naman ng isip ko, putangina! Sa sasakyan ka niya sumakay hindi sa kanya, Celine kaya huwag kang mag isip ng kung ano! Hindi na mauulit ang nangyari kagabi kaya tigilan mo na ang pag-iisip ng kung anu-ano! "Thank you, Doc!" pasalamat ko nang bumaba ng sasakyan niya. Alas dyes na nang makarating ako sa bahay. "You're welcome, Celine. Goodnight," halos bulong na ang huling linya niyang sinabi kaya tumango lamang ako. Naligo ako nang makarating dahil naiinitan ako. Matapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko at natulog kaagad. Kinaumagahan ay nag luto lang ako ng bacon at hotdog bago pumasok sa trabaho. Mamayang hapon pa ang dating Mama kaya papasok muna ako sa trabaho dahil sayang kung a-absent ako. Naabutan ko si Nicole na may kausap sa labas. Hindi pa ako nakapasok sa loob ng building dahil kakarating ko lang naman nang makita ko siyang may kausap malapit sa entrance. Hindi ko makita ang mukha ng kausap niya dahil nakatabon siya kaya lumapit ako. Andito si Gab? Anong ginagawa niya dito? Napansin ni Gab ang presensya ko kaya napalingon si Nicole. "Good morning, Architect!" bati niya kaya napangiti ako. "Good morning, Do-" hindi ko na lang tinuloy ang sinabi ko at bumati na lang kay Nicole. "Una na ako," paalam ko kay Nicole at tinanguan lang niya ako. Mabilis lang natapos at nang alas kwatro ay nag out na ako para sunduin si Mama sa airport. Alas singko pa ang dating niya pero aagahan ko na kaysa naman siya ang mag hintay sa akin. Sa bahay ko muna siya matutulog at bukas ay susunduin siya ni Ate para pumupunta sa probinsya. Bibisita na lang ako don kapag may oras para naman makasama ko si Mama. Habang hinihintay ko si Mama ay nag text si Zach sa akin kaya napunta doon ang atensyon ko habang nag hihintay. Zach: Are you free? Ako: Hindi. Nasa airport ako, susunduin ko si Mama. Zach: Oh. Hindi mo sinabi ihahatid sana kita dyan. Feeling naman nito! Bakit niya naman ako ihahatid, ano na siya driver ko? Hindi niya naman siguro dapat malaman kung saan ako pupunta para sabihin ko sa kanya lahat 'diba? Ako: Thank you, Doc pero nagmamadali kasi ako kanina. 'Tsaka may trabaho ka din baka maka abala. Zach: It's okay, Celine. I can make way for you. Hindi na ako nag reply pagkatapos non dahil narinig ko lumapag na 'yong eroplano. Ilang minuto pa ay nag labasan na 'yong mga tao sa kakalapag lang na eroplano kaya hinanap ko kaagad si Mama. Nang makita ko siya ay lumaki ang ngiti ko at kumaway para makita niya ako! Niyakap niya ako ng mahigpit at pagkatapos ay hinila ko ang bagahe niya para umuwi kami. Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay nakabalik na siya. "Tinawagan ko na si Ate at maaga daw siya bukas para sunduin ka, Ma." "Ang laki ng bahay mo, 'Nak." pinalibot niya ang paningin sa paligid. "Hindi ka ba nahihirapan tumira mag isa dito, 'Nak?" "Hindi naman, Ma dahil uuwi ako dito ng hapon at aalis ng maaga para sa trabaho kaya hindi ako masyadong naiinip na mag isa ako dito." "Nako, kaya mo na talagang mamuhay na mag-isa, 'Nak baka sa susunod may sarili ka na di'ng pamilya," tumawa siya. Hindi ko pa naman naisip 'yan, at isa pa wala pa akong nakitang papakasalan sa ngayon. Sa ngayon si Zach lang muna ang lalaking in- ko. Hindi ko alam kung anong meron sa amin Zach pero sigurado ako na tanging pagnanasa lang ang nararamdaman namin sa isa't isa. Hindi ko naman pilitin ng tadhana na hilingin na kami na lang ni Zach ang magkatuluyan. Hindi ko nga alam kung may girlfriend siyang tao o single pa dahil hindi naman kami nag-uusap sa mga tungkol don. "Ingat po kayo don, Ma ha bibisita po ako kapag may oras sa'yo." Niyakap ko si Mama bago sila nag paalam. Sumakay sila sa sasakyan ng asawa ni Ate kaya nang nasa loob na sila ay nag wave lang ako at bumalik ulit sa loob. Hindi ako pumasok ng trabaho dahil hinintay ko si Mama na sunduin ni Ate. Imbes na matulog sa malambot na kama ay nag desisyon akong pumunta sa Mall para bumili ng mga damit. Hindi ko naman na dala lahat ng mga damit ko galing Dubai kaya kaunti lang 'yong mga damit na susuotin ko sa trabaho araw-araw. Nag lakad-lakad ako para mag tingin-tingin kung saan ako pwedeng bumili ng magandang tela. Sa huli ay pumasok ako sa Zara at don namili. Bumili lang ako ng apat na pencil skirt at dalawang blazers at mga dress. Napansin ko ang magandang mga sapatos nang bumaba ako sa second floor kaya dumaan muna ako doon. Nag tingin-tingin ako sa loob nang hindi ko namalayan na may tao pala sa gilid kaya nabangga ko ang mga dala kong paper bag sa braso niya. "Oh my, I'm sorry po!" tumingala ako sa kanya para makita ang mukha niya pero nagulat ako na makita si Zach sa harapan ko. "Doc?" kunot noo kong tanong. Ngumiti siya at hinarap ako. "Celine, you're here," sabi niya at tumingin sa mga dala kong paper bag. "Shopping?" "Ah! May binili dahil kailangan," tumawa ako. "ikaw? Hindi ka ba busy sa hospital ngayon?" Umiling siya. "Day off. Bibili sana ako ng shoes for my nephew sa birthday niya" lumingon-lingon siya sa paligid. "ikaw?" "Napadaan lang dahil nakita ko 'to," tinuro ko ang sapatos na puti sa gilid kaya kinuha niya. "Oh, bibilhin mo? Maganda!" napangiti siya. Kinuha ko 'yon at tiningnan. Maganda 'yong pagkagawa niya at makapal din 'yong mga ginamit. "Pag-iisipan ko muna." tumawa ako. "Alright then. Are you busy after this? Maybe we can have some coffee?" tumaas ang dalawang kilay niya na nag tanong. Wala naman akong gagawin sa bahay. Pagkatapos ko dito ay uuwi at matulog hanggang mamayang hapon. "Uh.. sige ba!" tumango ako at binalik ang sapatos dahil hindi ko nalang bibilhin. Tinulungan ko siyang mamili ng sapatos kaya nang makabili siya ay sabay kaming lumabas ng tindahan. Pumunta kami sa may malapit na café at nag-usap. Habang nag kakape ay nag kwentuhan kami tungkol sa nanay ko. Sinabi ko sa kanya na pumunta siya sa Ate ko kanina lang. Parang ang buhay ko lang 'yong pinag-uusapan naming dalawa hanggang sa matapos. Nag offer siya na ihatid ako dahil andami ko daw dala kaya pumayag ako. Tahimik siya sa sasakyan at pokus lang sa pag mamaneho niya kaya hindi din ako nag salita hanggang sa makarating sa unit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD