CHAPTER 11

2062 Words
"Architect, natapos ko na po linisan 'yong lamesa niyo kaya pwede na po kayong maupo." "Thank you, Wais! Andyan na ba si Engineer, Nick?" naupo ako sa swivel chair ko at binuksan ang laptop. "Ah! Opo! Kanina pa po siya handa, hinintay ka lang po niyo makarating." "Ah, sige. Thank you, Wais!" Lumabas siya kaya kinuha ko ang laptop ko at nilagay sa bag. May pupuntahan kaming bagong ipapatayong bahay sa Candelabra at siya ang engineer non at ako ang architect at napag-usapan namin na sabay kaming pupunta don ngayon! Halos dalawang linggo na ang nakalipas simula noong pumunta si Mama sa probinsya at sa susunod na linggo ay pasko na kaya pupunta din ako sa probinsya para doon mag pasko. "Good morning, Engineer!" bati ko nang sumilip ako sa opisina niya. Nakaupo siya sa lamesa niya habang hawak ang cellphone sa kamay. Napatingin siya sa akin at kaagad na nilagay ang cellphone sa bulsa niya. Napaangat ang kanyang makapal na kilay at umawang ang kanyang labi na tumingin sa akin. "Architect! Good morning! Pasok ka." Sumunod ako sa sinabi niya at pumasok ako loob. Malamig 'yong opisina niya at mabuti nalang naka coat ako ngayon. "Pasensya na pinaghintay kita, na traffic kasi ako kaya matagal nakarating dito." "Ayos lang. Wala naman problema sa akin kahit anong oras ka dumating basta sisipot ka lang sa usapan." may pagka landi na sabi kaya nawala kaagad ang ngiti ko. Nahihirapan akong pumunta ng opisina dahil sa wala akong sasakyan. Hindi pa sapat ang ipon ko para kumuha ng sasakyan dahil nagamit ko sa pagbili ng condo pero pinag-iiponan ko na 'yon. Sa ngayon, hindi ako sasabay sa kanya dahil nakapag book na ako ng taxi kanina para sumundo sa akin kaya kung akala niyang sasabay ako sa kanya ay nag kakamali siya! Nang makarating don ay nilibot ko ang pwesto kasama si Nick. Tatlong palapag din 'yong ipapatayong bahay at malaki. Pinakita ko lang sa kanya 'yong disenyo na nakaupo sa lamesa ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko muna. Zach: Are you free this afternoon? Ako: Yes. Pero nasa Candelabra ako ngayon para sa project. Zach: Sinong kasama mo? Ako: Engineer. Mamaya pa ako aalis dito. Nilapag ko ang cellphone sa lamesa para mag patuloy sa pag explain sa kanya. Napatingin ako sa kanya na kakaiwas lang na tumingin galing sa akin kaya nang mag tama ang mata ang namin ay kaagad siyang iwas ng tingin. "Your boyfriend?" pa simple siyang tumingin nang mag tanong. Hinarap ko siya at umiling. "Hindi." sagot ko at nag patuloy sa pag explain sa kanya nang sa kalagitnaan ay tumunog muli ang cellphone ko kaya kinuha ko ulit. Zach: Engineer? Who is that? Kayong dalawa lang? Ako: Stop asking. Kasama ko sa project at may mga trabahante dito na nag ta-trabaho. Padabog kong nilapag ang cellphone ko at pinag patuloy ang pag explain. Alas tres pa lang ay natapos ko na gawin 'yong pag ayos ng disenyo na sinuggest ni Nick. Mukhang maayos naman ang suggestions niya at kailangan ko na lang ngayon ang approval ng may ari nito kung ayos lang ba sa kanya. Abala ako sa cellphone ko para mag hanap ng masasakyan pauwi. Halos booked na lahat ng taxi kaya lumakad na lang ako sa highway para mag antay ng taxi. Narinig ko ang pag busina ng sasakyan sa aking likuran dahilan para napalingon ako. Sasakyan ni Nick ang andito. Huminto ito sa aking harapan at bumukas ang bintana para makita ko siya. Malaki ang ngisi niya na nakatingin sa akin. "Sumabay ka na lang sa akin, Architect! Anong oras na kung mag hihintay ka pa ng sasakyan baka magabihan ka na dito." "Salamat. Pero ayos lang ako dito mauna ka." May dadaan naman sigurong taxi maya-maya lang. Hahabaan ko na lang ang pasensya ko kaysa naman sasakay ako dito sa sasakyan ng lalaking 'to! "Sige na! Malapit na alas singko delikado ka dito kapag mag-isa ka lang." Kung aalis na lang kaya siya dyan baka may taxi pa na hihinto. Nakaharang siya sa daan, baka hindi ako makita ng taxi dito. "Ayos lang ako, Engineer! Mauna ka na may dadaan na taxi naman siguro." Bumaba siya ng sasakyan at pumunta sa pwesto kung nasaan ako. Binuksan niya ang pintuan na nakangiti kaya umiling ako. "Delikado na kapag gabi na. Pumasok ka na sa loob baka may traffic pa." Wala akong magawa kundi pumasok na lang. Kung may taxi lang sana na dumaan kanina ay sana hindi na napilit na sumabay sa lalaking 'to! Tinanong niya ako kung saan ako nakatira kaya nagpahatid na lang ako sa kanya. Nang makarating doon ay naabutan ko ang lalaking kunot ang noo at madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha sa labas ng salamin. Bakit andito siya? Akala ko ba mamaya pa siya? Bumaba si Nick ng sasakyan at pinagbuksan ako. Imbes na kaya ko naman bumaba ay hindi pa siya pumayag kaya wala akong nagawa. Nang maka-baba ay agad na tumingin ako kay Zach. Naka sandal siya sa sa sasakyan niya at naka krus ang kanyang mga braso. "Thank you, Engineer." ngumiti ako bilang pasasalamat. "You're welcome! Kahit pa araw-araw kitang ihatid ayos lang!" kumaway siya at tumango lang ako sa kanya bago lumapit kay Zach. "Bakit maaga ka? Hindi ka ba busy?" "Who is that bastard?" pinanliitan niya ako ng mata. "Ha? Si Engineer Nick 'yon. Siya 'yong kasama ko sa project." paliwanag ko. "I can do that too." halos bulong niyang sabi. "Ano?" tumaas ang kilay ko dahil hindi ko siya maintidihan. "I can open the door, close the door pick you from work or wherever you go. Tss..." may bahid na inis na pagkasabi niya. "Ano? Anong pinagsasabi mo?" umiwas siya ng tingin kaya hindi ko na lang kinulit. "Magbibihis muna ako hintayin mo 'ko." Umayos siya ng tayo at lumapit sa akin. Lumakad ako papasok at sumunod naman siya kaya tumigil ako. "Saan ka ba pupunta?" Hindi siya nag salita at nag pakawala lang ng malalim na hininga na sumunod sa akin kaya pinabayaan ko na lang siya. Tahimik siya nang sumakay kami ng elevator hanggang sa unit ko. "Saan ba tayo pupunta? Hintayin mo ako dito mabilis lang ako." Iniwan ko siya sa labas at pumasok sa kwarto. Nag hanap ako ng masusuot at nag bihis kaagad bago lumabas. Napili ko ang fitted skin tone dress na sakto lang makikita 'yong ibabaw ng cleavage ko at sneakers. Naabutan ko siyang abala sa kanyang cellphone sa labas kaya hindi niya ako napansin na lumabas. "Tara na!" sabi ko kaya nag angat siya ng ulo. Kumunot ang noo niya na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang sa paa. Unti-unti akong lumapit sa kanya habang pinag masdan ko ang mukha niyang hindi ko maintidihan. "Why are you wearing like that?" Tumingin ako sa sarili ko. "Ano, okay naman 'to ah," Tumayo siya. "Change your clothes, your chest is a bit revealing." tinagilid niya ang kanyang ulo na tiningnan ako. "Wala kang pakialam kung anong susuotin ko, buti nga pumayag akong lumabas kasama mo ngayon kaya tara na!" Lumapit siya sa akin at kita ko pa rin 'yong galit niyang mga mata na tinitigan ako. "I know, baby... But your dress is too seducing, I'm just worried about you." Parang naubos 'yong pasensya ko sa sinabi niya. Ilang beses ko na 'tong nausot sa Dubai at wala namang nang bastos sa akin don dahil naakit sila. Bakit ba siya nakikialam kung anong susuotin ko, ako naman ang magdadala nito ah. Dahil sa inis ay umupo ako sa sofa at hinayaan ko siyang nakatayo doon. Sumunod naman siya nang naupo na ako. Hawak niya ang labi niya at ganon pa din ang ekspresyon ng mukha, hindi nag bago. "Ano? Tutuloy pa ba tayo? Hindi ako mag bibihis kaya kung hindi mo gusto 'yong suot ko ayaw ko na lang sumama kung may problema ka." "Who's that Engineer? Matagal mo na siyang kilala?" Ayan na naman siya! Andami yata niyang problema sa akin ha! Seryoso siya na nag tanong sa akin kaya umirap muna ako bago sumagot. "Hindi. Nung unang linggo ko lang siya nakilala dahil sa project." "Stay away from that guy," liningon niya ako kaya napatingin din ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Ka-trabaho ko siya kaya hindi pwede at tsaka ano bang problema mo? May sakit ka ba? Andami mong bawal sa akin, ha?" "Let's go. Baka ma traffic pa tayo." tumayo siya at hindi man lang sinagot ang tanong ko sa kanya. Nang makarating sa baba ay sumakay kaagad kami sa sakyanan niya. Pinag buksan pa niya ako ng sasakyan kaya natatawa ako! Pumunta kami sa steak house dalawang kilometro lang ang layo sa hospital kung saan siya nag ta-trabaho. Unang beses pa ako nakapunta dito at hindi ko alam na may malaking steak house pala malapit sa hospital nila. Habang hinintay namin ang order ay may napadaan na grupo ng mga babae sa lamesa namin at nilingon si Zach kaya napatingin din ako sa kanya. "Doc!" sabi ng babae na nakangiti at tumingin sa akin. Gulat na napalingon si Zach sa babae sa likod at nagulat siya nang makita ito kaya nanliit ang mga mata ko. "Hey, Doc Castro!" tumayo siya para makaharap ang babae, "Hi,"napalingon siya sa dalawa pang babae na kasama ng Doctor dahil kumaway ito sa kanya. Kasama siguro niya 'to sa hospital. Mukhang pamilyar din sa akin ang isang babae dahil mukhang nakita ko na siya sa hospital noong nag punta kami ni Nicole. "Maaga kang umalis sa hospital kanina," napatingin siya sa akin. "Gusto sana kitang i-invite sa birthday ko sa Martes, hindi kasi kita nakita kanina dahil maaga kang umalis. Pupunta din si Doc, Pascual and Regis! Ito." May kinuha siya sa bag niya na imbitasyon card kaya agad na tinanggap iyon ni Zach. Nagtatawanan ang dalawang babae sa likod na para bang pinag-uusapan nila si Zach dahil nag bulungan sila at titingin ulit kay Zach kaya napatas ang kilay ko. Binasa ni Zach ang card at nag angat kaagad siya ng tingin. "If I'm not busy, Doc I'll try," "Oh, aasahan ko 'yan actually, pwede kang mag sama ng..." napatingin ulit siya sa akin. "Girlfriend mo? Pwede mo siyang isama!" lumaki ang ngiti niya at ngumiti din sa akin. Napalingon si Zach sa akin at lumingon din ang dalawang babae na para bang nag hihintay ng sagot. Naiilang ako dahil parang sa akin lahat nakatuon ang atensyon nilang lahat kaya pinilit kong ngumiti. "No. It's just... a friend," mabilis niyang sagot. Parang gumanda ang itsura ng dalawang babae sa likod dahil sa sagot niya. "akala ko may girlfriend na kayo, Doc! Nako, hi po!" kumaway ang isang babae sa akin kaya binigyan ko lang siya ng isang pilit na ngiti. Ano ngayon, Celine, hindi naman talaga kayo kaya h'wag kang mag expect dahil kahit may nangyari sa inyo hindi ibig sabihin na gusto ka niya. Oo nga naman! Bakit ba ako aasa sa kanya e... Nakilala ko lang nga siya dahil sa nangyari sa amin sa El Vera at siguro ganun lang din ang tingin niya sa akin ngayon. Gusto niya lang ang katawan ko. Gusto niya lang na may malilibangan. "Sige, Doc! Mauna na kami!" sabi ng Doctor at kumaway bago ako tiningnan at kumaway sa akin kaya tumango lang ako. Naupo siya at nilagay ang card sa sa lamesa. Dumating na din 'yong order at kaya nag simula na kaming kumain. Napansin ko ang tahimik niya at para bang nag-iisip siya ng kung ano. "Pupunta ka?" tanong ko habang kumakain. Umiling siya kaagad at nga angat ng tingin. "Bakit naman? Sayang naman, mukhang gustong-gusto ka nga nilang nakapunta doon lalo na 'yong dalawang babae." tumawa ako. Napatawa siya kaya kumunot ang noo ko. "Why? Do you want me to go?" Ngumuso ako at tumaas ang kilay. "Bakit mo ako tinatanong? Sayang naman kung hindi ka pupunta... baka ma dismaya si Doc Castro," nag iwas ako ng tingin. "Sasama ka ba?". "Hmm? May trabaho ako at bakit naman ako sasama, hindi naman ako imbitado doon at baka hindi ka pa makakita ng magiging girlfriend doon dahil kasama mo ako." Narinig ko ang malakas niyang pag tawa kaya napatingin ako sa kanya. Nilagay niya ang mga tinidor sa lamesa at uminom ng wine. "Hindi ako nag hahanap," tumawa ulit siya. "Pero kung ikaw ang mag-a-apply... mukhang hindi ako maka tanggi na tanggapin ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD