CHAPTER 12

1941 Words
Pagkatapos ng usapan na 'yon ay hinatid niya ako sa condo ko. Tahimik kami nang nasa loob ng sasakyan hanggang sa makarating. Hindi ko alam kung ano 'yong kakaiba kong nararamdaman. Natatakot ako at kinakabahan sa kanya. Nag hihintay ako kanina na tatanungin niya ako pero hindi naman siya nag salita ulit at tumawa lang kaya alam kong biro lang iyon. "Thank you, Doc..." Hindi ulit kami nag kita sa sumunod na araw. Pareho kaming busy dalawa dahil ako, palagi akong kasama ni Engineer sa project. Ayos lang naman ang pakikitungo niya sa akin. Pauwi ko ay sasabay ako sa kanya at ihahatid ako sa condo. Medyo nahihiya nga ako dahil malaking abala na sa kanya ang pag hatid sa akin. Sa susunod na linggo ay wala na akong trabaho dahil holiday sa pasko at sa susunod na taon na balik kaya maka pag pahinga ako! "Ano ba kayo ni Doc Lopez, Celine?!" tanong ni Jenifer sa akin, naka uniforme pa rin siya sa pagiging Cabin Crew niya dahil kakarating niya lang galing Japan. Bumisita kami ni Raysa sa condo ni Jen nang hapon at pupunta din dito si Nicole mamayang gabi. "Wala! Friends lang ganun!" pag amin ko sa kanila dahil 'yon naman ang totoo. Friends with benefits? Parang ganon kami ngayon pero hindi ko maipaliwanag. Nakita ko pag tango ni Jen at pumasok sa kwarto para mag bihis. Actually, nauna pa nga kaming nakarating ni Raysa kaysa dito dahil alam naman namin 'yong passcode niya. "Pero, hindi ka naman tinanong kung ano na ba kayo? Sabi ni Nicole wala naman daw siyang girlfriend matagal na kaya bakit hindi nangligaw sa'yo?" intresado na tanong ni Raysa akin. Uminom ako ng juice sa lamesa at sumandal sa sofa. "walang ganun! Siguro nung una natanong niya sa akin dahil, you know.... Basta! Hindi ko pa naman siya gusto, at wala akong balak na magustuhan siya," "Pero kung sakaling manligaw sa'yo papayag ka ba?". "Siguro, matagal na din akong single," malungkot na sabi na dahilan para humalakhak ng tawa si Raysa. Siguro kapag tinanong niya ako papayag kaagad ako, halos isang dekada na din akong single 'no! Kahit na hindi ko pa siya gusto, although na attract ako sa kanya kahit noon pa pero hindi ko maramdaman 'yong naramdaman ko kay Luis noon! Speaking of Luis... Kumusta na kaya siya ngayon. Kahit babaero ang lalaking 'yon, may pinag samahan pa rin kami non at, nagkatuluyan kaya sila ng babae niya noon? Anyway, napatawad ko na siya, matagal na... "Bakit 'di ka mag first move? Nako, kung ako 'yan, kung ganyan ka pogi 'yong lalaking makaharap ko baka uunahan ko na siya!" tumawa siya at lumabas na din si Jen galing sa kwarto niya, nakasuot na siya ngayon ng pambahay. Kahit kailan hindi pa ako nag first move, nakakahiya kapag ginawa ko 'yon. Ayoko naman na isipin ni Zach na sobrang desperada ko sa kanya, ayokong maging ganon ang tingin niya sa akin... "Bakit naman siya mag pi-first-move? Girl, kitang kita kong gusto siya ni Zach kaya pabayaan mo ang lalaki ang gumawa at-" "Eh, hindi nga gumalaw 'yong lalaki!" singit ni Raysa kaya naputol si Jenifer. "Pwede ba. Ang laki ng problema niyo sa akin bakit hindi niyo pag usapan ang mga lalaki niyo?" Tumabi si Jenifer sa akin at patuloy silang nag talo ni Raysa hanggang sa dumating na si Nicole kaya mas lalong gumulo 'yong paligid dahil sa sagutan nila. Dito na din ako matutulog sa condo ni Jen dahil wala naman akong trabaho bukas hanggang sa susunod na taon. Sa huwebes pala ay pupunta ako sa probinsya para sa pasko, dun ako mag papasko kina ate dahil andun si Mama pero uuwi lang din at dito na mag babagong taon. "Morning," uminit ang pisngi ko sa malalim niyang boses galing sa kabilang linya. Tumawag siya habang kakagising ko lang dito sa condo ni Jen. Umuwi na si Raysa at Nicole kaya ako ang naiwan dito. "Morning." balik kong bati at kinuha ang tsinelas sa sahig para lumabas ng kwarto. Alas otso na at wala si Jen sa kwarto kaya alam kong kanina pa 'yon nagising. "Where are you? Can I invite you for some coffee later? I have something to ask you if that's okay, if you're not busy." Ito na ba 'yon? Tatanungin niya ba ako gaya ng napag-usapan namin ng mga kaibigan ko kagabi? Hindi naman siguro! Hindi ako aasa! "Uh.. nasa bahay ng kaibigan ko," Hindi muna ako lumabas ng kwarto para tapusin muna 'yong usapan namin ni Zach. Alam kong nasa labas lang si Jen at baka marinig ako. "Ah! Sinong kaibigan?" "Jen, uuwi din ako mamaya. Saan tayo mag kikita?" "So... Hindi ka busy? Maybe sa coffee shop lang near your place para madali lang." "Uhm, okay. Anong oras ba?" "Later afternoon, maybe? How about ⁴pm? Is that okay with you?" "Ayos lang naman. Wala akong gagawin ngayong araw." Matapos ang usapan ay lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko si Jenifer na may kausap sa cellphone at nang makita niya ako ay ngumiti siya. "Alright, thank you," tumayo siya at papalapit sa akin. "Good morning! Nakatulog ka ba ng maayos? May pagkain sa mesa hinanda ko." "Good morning. Maayos naman 'yong tulog ko. Anong oras ka nagising?" "Six! Ang ayos kasi ng gamit at marami akong kailangan labhan galing sa layover. Tara na kain na tayo." Sumunod ako sa kanya sa lamesa at kumain. Nag paalam ako sa kanya nang alas nuwebe na uuwi ako dahil mag lakad pa ako kaya nang makauwi ay nag hanap ako ng masusuot. 'Yong magugustuhan ni Zach at para wala na siyang problema pa. Teka, bakit ko ba iniisip ang opinyon niya sa kasuotan ko, hindi naman iyon importante. "Anong itatanong mo?" inunahan ko na siya dahil hindi na ako makapaghintay sa tanong niya. "Hindi ba pwedeng..." nilagay niya muna ang kape sa lamesa at tinuon ang atensyon sa akin. "I'm thinking if, I could hire you as my Architect for my house. I know, I know you have... ongoing project pero baka pwedeng," natahimik ulit siya at alam ko na agad 'yong ibig niyang sabihin. "Nasimulan na 'yong bahay at kung gusto mo, kapag natapos na lang 'yong project ko ngayon. Pero pwede naman, na... Isasabay ko 'yong sa'yo dito, tutal! Mag sisimula ka pa lang naman 'diba?" Tumango siya. "If you can handle, I'll agree. I was planning to settle down na, and I'm thinking to build a house for... My family and that will happen if you'll agree to be my Architect." May girlfriend na nga siyang tao! Gusto niya na palang ma settle kaya kukunin niya akong Architect para sa bahay niya, para sa magiging bahay ng magiging pamilya niya. Na dismaya ako dahil doon. Ayos lang din, hindi naman ako ganun na umasa sa kanya, hindi man lang niya sinabing may girlfriend na siya o asawa. Nawala kaagad ang ngiti ko at gusto na kaagad umuwi. Ito kasing si Nicole! Hindi man lang sinabing may asawa na itong taong 'to! "Pwede naman. I'll think about it, pag usapan nalang natin 'to sa susunod kapag marami tayong oras. Hindi din ako mag tatagal, Doc, mag aayos pa ako ng mga gamit para bukas." Gusto kong tanungin kung bakit niya nagawang dalhin ako sa condo niya at ginustong may mangyari sa amin. Kung noong una palang nalaman ko nang may sabit pala 'tong lalaking 'to sana ay hindi na lang ako pumayag kapag niyaya akong lumabas. Tatayo na sana ako ngunit pinigilan niya ako kaya bumalik ulit ako sa pagkaupo. "Celine, may isa pa akong tanong..." "Ano 'yon?" "Can you come with me on Tuesday? Sa birthday ni Doc Castro, she invited you too." Nag hihintay siya sa sagot ko pero ako, sigurado na akong hindi ako sasama sa kanya. Para saan pa? At bakit pa ako sasama sa kanya na lumabas kung kami lang dalawa? Bakit ba niya ako nilalapitan pa kung mayroong na siyang girlfriend o asawa o kahit ano pa sila wala na akong pakialam! "I'm sorry, Doc, nasa probinsya ako niyan kaya baka hindi ako makakasama." Why don't you ask your girlfriend or what to come with you, Doc? Tumango lamang siya at mukhang na dismaya sa sagot ko. Kitang kita ko ang pag baba ng tingin niya sa lamesa dahil sa sagot ko sa kanya. "Sige po, mauna na ako." "Ah, wait! I still have one question left, Celine." Ano na naman 'yan? Kahit ano pa 'yan wala na akong pakialam pa, bahala siya! "Ah, ano po 'yon, Doc?" Gusto kong tumakas para hindi marinig ang sasabihin niya pero nang mag sasalita sana siya sakto na tumunog ang cellphone ko kaya pinulot ko muna. Nakita kong si Engineer iyon kaya hindi ako nag dalawang isip na sagutin iyon at palusot na rin para maka alis dito. Tumikhim ako. "Hello, Engineer?" [Architect, libre ka ba ngayon?] "Yes, bakit engineer may problema ba?" [Yayayain sana kitang lumabas.] "Tayo lang? Para saan?" Napaangat ng tingin si Zach sa akin at nag bago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Masyado na siyang seryoso na nakatutok sa akin. [Personal, hindi sa trabaho kung papayag ka sana...] humina ang boses niya. "Ah! Anong oras? Titingnan ko mamaya." [Mamaya seven, Architect. Text ko sa'yo location.] Kinagat ko ang labi ko nang makitang bumuntong hininga si Zach sa harapan ko. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko lang. "Sure, dadating ako," sagot ko. Pinatay ko ang tawag at humarap kay Zach. Hindi pa rin nag bago ang mukha niya, parang naging madilim ang paningin niya sa 'kin, ha! Wala akong pakialam! "Ano nga ulit 'yong tanong mo, Doc? Sorry, hindi na talaga ako mag tatagal may pupuntahan ako mamaya." "Next time na lang, Celine. Mukhang... may date ka mamaya baka ma late ka pa." huminga siya ng malalim at tiningnan ulit ako sa mata. "Enjoy the rest of the day." tumayo siya kaya napatayo din ako. Ano? Iiwan mo ako dito? Okay! Bahala ka Doc! "Goodbye, Doc see you soon!" nakangisi kong sabi sa kanya. Bumaling siya sa akin at umangat ang kanyang kilay. "Bye, Celine. See you around! Thank you for your time." Ngumiti lang ako at tumalikod sa kanya para umuwi. Napilitan pa tuloy akong sumama kay Engineer para lang maka alis kay Zach. Pero, wala naman sigurong masama kung sumama ako ngayon 'diba? Pag bibigyan ko muna siguro si Engineer ngayon lalo na nang malaman kong may girlfriend na 'tong si Lopez hindi man lang sinabi! "May girlfriend na si Doc kaya huwag niyo na akong i-reto dun!" sabi ko habang kausap ang mga kaibigan ko sa video call. Namimili ako ng damit na susuotin para mamaya pero tumawag sila kaya habang namimili ng damit, kinakausap ko sila. Andito din ang inaanak ko, anak ni Coleen na makulit. "Umasa ka ba na tatanungin ka niya?" natatawang tanong ni Nicole. "Ano?! Hindi 'no! At tsaka, pumayag lang ako na lumabas kami paminsan dahil mabait naman siya sa akin." "So... papayag ka nang makipag date kay Engineer dahil lang may girlfriend na si Doc, ganon?" sabi ni Jen. "Hindi naman. Napilitan lang din akong pumayag kanina pero hindi na 'to mauulit dahil ito kasing si Lopez! Inalok akong sumama sa birthday na dadaluhan niya kaya gusto ko kaagad mag exit tapos nung tumawa si Engineer, pumayag ako para ipakita kay Lopez na hindi ako apektado sa sinabi niyang may girlfriend na siya o fiancé whatever! Basta! Naiinis ako sa kanya ngayon!" Narinig ko ang tawanan nila. Na realize ko na galit na galit pala ako habang sinasabi iyon at alam kong nahalata nila! "Nasasaktan ka? Hay, nako! Maria Celadine kung alam mo lang talaga," sabi ni Nicole kaya napaisip ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD