WELCOME HOME, CELINE!
Nakangiti ako sa nabasa kong banner sa 'di kalayuan, after almost five years in Dubai, finally naka balik din. Nakita ko ang mga mukha ng mga taong nag hintay sa akin, si Raysa, Nicole at Jenifer na kasama pa ang pamangkin. Tumakbo kaagad ako papunta sa kanila, hindi ko pinansin kung may ibang taong makakita sa drama ko pero sa ilang kong hindi sila nakita ay gusto kong umiyak dahil sa pagka sabik na makita sila.
"Welcome home! Celine!"
"Girls! I missed you so much!"
Yumakap kami ng pabilog, hindi ko nga napansin na nasa gitna na pala ang pamangkin ni Jenifer kaya tumawa kami nang mag reklamo siya.. "Ang tagal mong umuwi, Architect! Akala ko dun ka na titira!" sabi ni Raysa.
"Architect ka dyan! Kala mo naman 'di kakilala! Basta na miss ko kayo!"
"We miss you too, Celine! Mas pumuti ka lalo, ha! Anong klaseng klima ba andun?" sabi ni Jenifer.
"Naku! Kung maganda sa Dubai, mas maganda pa rin sa El Vera 'diba? Mas maganda, mas masarap!" nakangisi na sa ni Nicole kaya hinampas ko siya kaagad. "Aray! Naman! Masarap ang pagkain sa El Vera, sabi ko!"
"Umabot ka na sa El Vera, that was five years ago na kaya bakit ka bumalik?"
"Kasi bumalik ka din?"
"Gaga ka talaga, Nicole kahit kailan! Ano na naman 'yong nasa isip mo, ha?"
"May bata, ano ba, Celine 'yong bibig mo!" saway ni Jenifer at tinakpan ang taenga ng pamangkin niya kaya nag peace sign ako sa kanya.
"Si Doc?!" sigaw ng dalawa ko pang kaibigan.
"Tumigil kayo ha! Hindi ko na 'yon kilala, tatlong araw lang 'yon, limang taon na simula noon. Wala na bang bago? Nag hahanap kasi ako ng matangkad na maputi tsaka-"
"Tsaka, Zach ang pangalan?!" tumawa si Jenifer. "Alam namin, alam namin gusto mo siya, grabe ka talaga! Matapos natin sa El Vera hindi ka na pumunta sa usapan natin, nalaman ko nalang na nasa Dubai kana pala? Ang sama mo talaga, Celine!"
"Shempre, gusto ko nang makaalis kaagad 'no! Ano pa bang gagawin dito, napag usapan na namin 'yon ni mama na pagkatapos sa El Vera ay lilipad kaagad ako."
"Wow, iba ka talaga 'no. Kala mo naman wala ka nang kaibigan dito na naiwan." sabi ni Raysa na nag acting pa na umiyak.
"Edi sorry. Nag explain naman ako sa tawag 'diba? Ang oa niyo ha!"
Tumawa kami pareho bago kinuha ni Nicole ang isa kong bagahe na naiwan pa sa likuran ko dahil sa pag takbo ko. Dumeresto kami sa Restaurant ni Coleen, busy siya doon kaya hindi siya naka punta kaya sinabi niyang deresto nalang kami doon. Nang makarating kami ay pumasok kami sa isang VIP room. Tiningnan ko ang paligid na puno ng kumikinang na ilaw at ang mga silid nito ay puno ng mga paintings. Nakita ko ang babaeng naka ngiti na papunta sa akin kaya tumakbo ako papunta sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit at hindi ko siya binitawan pa. Na miss ko ang isa ko pang ate.
"Celine, welcome home." bulong niya sa taenga ko.
"Na miss kita sobra." sagot ko.
Kumalas ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya, nag mature na ang itsura niya dahil may anak na siya pero kahit ganun ay maganda pa rin siya. "Saan ang inaanak ko?" nakangiti kong sabi.
"Hindi nag pakita sa'yo dahil wala kang dalang regalo!" lumingon ako sa likod at nakita ko si Nicole na pinipigilan ang tawa.
"Kala mo naman nag bibigay ka!" sagot naman ni Raysa kaya hinampas siya ni Nicole.
"Nasa Daddy niya. Pero pinapunta ko dito para ma meet mo na siya, excited nga siya na makilala ka." ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko at dinala ako sa mahabang lamesa.
"Ang cute ng anak mo, Col! Sabi nga niya nung tumawag ako bilhan ko daw siya ng laruan nung iniwan mo siya sa kwarto na katawag ako-"
"Pero shempre naka limutan mo naman ninang 'no? Dapat nga double na ang regalo mo dahil ilang taon na." pinutol ako ni Jenifer kaya napatingin ako sa kanya.
"Nakalimutan ko nga, pero ibibili ko naman 'yon kapag nag kita kami!"
"Nako, hindi ka nga pwede mag kaanak dahil baka malimutan mo bumili ng diaper!"
"Ano ba, Nicole! Hindi naman ako ganun ka makakalimutin 'no! Ikaw nga, andito ka palagi sabi ng inaanak mo hindi mo pa daw siya binilhan ng toys niya!"
Napatawa si Coleen at pinatigil niya kami. Napatawa din kami at tumigil na nang mag serve na sila ng pagkain. Natuwa ako dahil ito ang unang beses na makaka tikim ako ng pagkain sa Restaurant nila Coleen. Bukas ay pupunta muna ako sa probinsya nila ate at pag balik ko dito ay mag hahanap muna ako ng condo na ma tutuluyan bago ko asikasuhin ang mga papel na kailangan ko. Masaya naman sa Dubai dahil nakakuha ako ng magandang trabaho pero dahil may nag offer sa akin ng trabaho dito at malaki 'yong bigay ay tinanggap ko. Medyo matagal na din ako doon at naisip ko na dito talaga ako masaya dahil andito 'yong buhay ko, andito pa 'yong mga kapatid ko. Si Mama ay susunod 'yon sa akin dito sa susunod na buwan dahil hindi na din siya masaya doon, hindi daw niya nakakasama ang mga apo niya at tumatanda na daw siya.
"Bye, Babies! Ingat kayo dito, ah! Bibisita si Tita dito kapag may oras."
Hinalikan ko ang mga pamangkin ko dahil sa isang linggo na pananatili ko dito sa probinsya ay tinawagan na ako ng kompanya para sa mga papel na i-papasa ko. Kailangan ko pang pumunta sa Hospital para sa Medical ko dahil 'yon nalang naman ang kulang ko para ma kompleto na ang requirements na i-papasa ko.
"Ingat ka, Celine." sabi ni Ate at humalik ako sa kaya bago ako nag paalam na umalis na.
Halos dalawang oras ang byahe para umabot sa syudad at nang dumating ako sa hotel ay agad kong tinawagan si Nicole. Sabay naman kaming kukuha ng Medical bukas kaya gusto kong dito muna siya matutulog.
"May blood donation daw sa labas ng hospital, baka gusto mo?" tanong niya habang papasok kami papunta sa information.
"Saan mo naman nakita? Ayoko, natatakot ako sa karayom."
"Hindi mo ba napansin 'yung poster sa labas? May mga tao na nga na dumating."
"Ikaw nalang. Baka mahimatay ako kapag kukunan ako ng dugo."
Nag hintay pa kami ng ilang minuto sa pila matapos kaming kunan ng ihi, medyo marami rin kasing tao ang andito kaya natagalan. Halos isang oras na din kaming andito at ito nalang ang huling pila para sa perma ng Doktor.
"Hoy, hoy! Tingnan mo!"
"Ano ba 'yon?" lumingon ako sa kanya at makita ko siyang binuksan ang folder na may mga papel kung saan naka lagay ang results ng Medical namin. "Si Zach! Tingnan mo, siya 'yong pupuntahan natin!"
Kinabahan ako nang marinig ko 'yon pero agad nawala nang maisip na hindi naman siguro dito nag ta-trabaho si Zach. "Saan ba?"
Pinakita niya sa akin ang pangalan sa baba at nang tingnan ko 'yon ay hindi ako naniniwala na siya iyon. Dr. Zacharia Raven H. Lopez
"Ang daming Zach, hindi naman siya 'yan at tsaka sure ako na hindi siya dito nag ta-trabaho."
"Pa'no mo nasabi?"
"Wala. Feel ko lang? Tsaka kung siya man 'yan, hindi na ako kilala nun. Wala nga'ng isang linggo natin silang nakilala, 'diba sabi sa'yo ng lalaking kasama niya sa California gusto mag trabaho ni Zach?"
"Hmm, pwede din pero what if, baka ma tuloy pa 'yung storya niyo 'diba?"
"Number! 84, 85!"
Tumayo kami nang matawag ang number namin, ito na ang huling kwarto na pupuntahan namin at makakauwi na kami pagkatapos. Hindi ko alam pero nang makalapit ako sa pintuan ay bigla nalang akong nakaramdam ng kaba, sure ako na sa laki ng mundo ay kahit isang beses mag kikita ulit kami ng taong binigyan ko ng sarili. Nakayuko ako na binuksan ang pinto habang nasa likod naman si Nicole naka ngiti dahil excited daw siyang malaman kung si Zach nga ba talaga ang doktor.
Napatingin kaagad ako sa lamesa kung saan dapat naka upo ang doktor. Walang tao na nakaupo at tanging isang babae lang ang nasa loob nito, tahimik ang paligid nito. "Good morning, Ma'am! Upo po muna kayo dito, may kausap lang po si Doc."
Ang lamig ng aircon ay unti-unti na pumapasok sa hita ko dahil maka suot lang naman ako ng maiksing dress. Umupo kami ni Nicole at sabay naming nilibot ang paligid, napatingin ako sa lamesa niya kung saan naka lagay ang pangalan niya. Ibang Zach naman siguro 'to 'diba? Bakit ba kasi may kausap pa...
"Walang litrato," bulong ni Nicole sa akin.
"Bakit ba kasi hindi mo tiningnan sa labas 'yung mga picture doon."
"Ikaw sana ang tumingin, malay ko bang Zach ang pangalan ng doktor dito!"
Lumabas ang babae kaya kaming dalawa nalang ang naiwan, kinabahan ako at nilalamig. Dahil lang naman siguro 'to sa Aircon 'diba? Sabay kaming napatingin sa pintuan nang biglang bumukas iyon, pumasok ang babae na lumabas kanina. "Andito na po si Doc!"
Linakihan ang bukas ng pinto kaya nag unahan na 'yong takbo ng dibdib ko sa kaba. Pumasok ang matangkad na lalaki, maputi at mas lalo pang pumuti dahil sa suot niyang uniform. Bahagyang tumaas ang dalawang kilay niya na napatingin sa akin kaya umawang bibig ko, gusto kong kusutin ang mata ko kung totoo bang siya talaga 'yan. Para siyang isang anghel na bumaba para kunin ako habang nag lalakad siya papunta sa akin. Ilang segundo lang 'yon na tumigil siya para tingnan kami pero agad siyang nag lakad na parang hindi niya ako nakilala. It's been five years and still, ganun pa din ang epekto mo sa akin, Zach! Naalala mo pa kaya ako?
"Good morning!" tumingin siya sa amin at bumati at dumeresto kaagad sa lamesa niya at umupo.
Hindi kami sumagot at nag tinginan lang dalawa ni Nicole dahil sa gulat na makita siya. "Ako na mauna." tumayo si Nicole na nakangiti at pumunta sa harapan ng lalaki bago inabot ang folder na dala niya.
Nangiginig ako dahil sa kaba, naalala ko na naman ang huli niyang sinabi sa akin noong nasa El Vera kami na, If one day I'll find you, I'll make sure I won't let you go. Kahit na sa sobrang tagal na 'yon ay hindi ko pa rin iyon nakalimutan. Noong unang taon ko sa Dubai ay iniisip ko siya bawat gabi pero nawala din nang nag focus ako sa trabaho.
Tiningnan ko si Nicole na tumayo na at tapos na siguro siya kaya dahan-dahan akong tumayo para lumapit. Ngumiti siya at mabilis na lumabas sa pintuan kaya linakihan ko siya ng mata. Kumindat lang siya at walang sinabi na lumabas, bakit ba kasi kami lang ang andito at walang ibang pasyente. Kung aalis pa ang babae ay talagang kami nalang ang maiiwan dito. Sa bawat hakbang ko papalapit sa kanya ay kumakabog din ang dibdib ko, hindi pa ako kinabahan ng ganito sa buong buhay kundi sa kanya lang.
Madiin siyang tumingin sa mga mata ko habang nilalaro ang ballpen sa mga daliri niya. Parang nakikita ko siyang nakahiga sa swivel chair at pinatong ang dalawang paa sa lamesa habang hinintay akong lumapit sa kanya pero shempre! Nasa utak ko lang ang eksenang iyon. Umupo ako at inabot sa kanya ang folder, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil kinabahan ako. Mabilis lang naman ito dahil perma lang naman niya ang kailangan.
"Good morning po, Doc," mahinang kong bati sa kanya.
.
Tumango lang siya sa akin na para bang hindi niya ako nakilala. Tiningnan niya ang mga papel sa loob ng folder at kinuha iyon at binasa. "Maria Celadine Miranda Tuazon," tumingin siya sa akin na nakataas ang noo. Tumingin siya sa babaeng nasa gilid niya, tumingin ulit siya sa pintuan at parang alam na alam na ng babae ang gagawin niya at walang sinabi na lumabas ito ng pinto at iniwan kami sa loob.
Bakit ba niya binasa ang mga papel ko, nung kay Nicole hindi naman niya binasa pa at pumirma kaagad siya. "Celadine." nakangiti niyang sabi.
God, ang gwapo niya rin at mas lalo pa siyang naging gwapo dahil sa suot niya. Parang bumalik ako sa El Vera nung una ko siyang nakita, ha! "Baka gusto mong mag donate ng dugo, that's for-"
"Takot po ako sa karayom." deresto kong sagot sa kanya at hindi na siya pinatapos pa dahil hindi naman ako intresado.
Tumango-tango siya at bahagyang ngumiti, ang mga mata niya tutok akong tinitigan at ang malilinis niyang kamay na may hawak sa mga papel ko ay lumalabas ang mga ugat nito. "I see. Pero mukhang hindi ka naman takot sa malaking karayom, Architect, Tuazon?"