CHAPTER 7

2050 Words
Nagbago na talaga siya, ngayon ay nag ta-tagalog na siya kapag kausap. Dati naman na hindi pa siya naging doktor ay halos puro english ang sinasabi niya. Tumingin ako sa kanya na taas ang noo nakatingin sa akin, hindi ko alam kong sasagot pa ba ako o kukunin ko na lang ang papel na hawak niya at tatakbo na lang. Wala yata siyang plano na permahan 'yan e... Nakatitig lang siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at napunta iyon sa papel na hawak niya. Bakit ba ang lagkit ng mga tingin niya, hindi ko kaya na tumingin sa mga mata niya! "Architect Tuazon?" Napaangat ako ng tingin dahil tinawag niya ako, nang mag tama ang mata namin ay mabilis siyang ngumiti sa akin. "Hmmm? Doc?" "Hindi ka takot sa malaking karayom pero takot ka sa maliit," bumalik ulit ang seryoso niyang itsura. "Mahilig ka ba sa malalaki?" "Malaking ano po?" inosente kong tanong. "Karayom." madiin niyang sabi. "Hindi naman po," Tumawa siya bago kinuha ang ballpen niya, agad niyang penermahan iyon at inabot sa akin, inabot ko kaagad ang folder pero nang kunin ko na ay hindi ko makuha dahil hinawakan niya ng mahigpit kaya napatingin ako sa kanya. "Celine," mahina niyang sabi na parang bulong na. Kilala niya pa ako. Kilala niya pa ang pangalan ko. Ilang taon na ang lumipas, Zach at kilala mo pa rin ako. Gusto kong mag panggap na hindi ko siya kilala, naalala ko pa rin ang araw na iniwan ko siya sa hotel nang matapos kong ibigay sa kanya ang sarili ko. Huling araw na namin 'yon sa El Vera kaya nang magising ako nang araw na 'yon ay nag impake ako ng gamit habang tulog pa siya at umalis kaagad na hindi nag paalam sa kanya. "Mauna na po ako, Doc." kinuha ko ang folder at tumayo para lumabas pero ganun din ang ginawa niya. Hindi ko siya nilingon at agad akong pumunta sa mahabang upuan kung saan nakalagay ang bag ko. Mabilis akong pumunta sa pintuan pero nagulat ako nang hindi ko pa nga nabuksan ang pintuan ay hawak na niya ang braso ko. "Celine, can we talk about-" "No." mabilis kong sagot at tumingin sa kanya, tumingin ako sa braso ko kung nasaan naka lagay ang kamay niya at nang mapansin niya 'yon ay agad niyang binitawan. Mabilis akong lumabas sa pintuan at hinanap kaagad si Nicole. Naka hawak ako sa ulo ko habang hinanap si Nicole, sumasakit 'yong ulo ko nang ma realize 'yong ibig niyang sabihin kanina. Malaki? Ghad, bakit ba 'yon pa rin ang nasa isip niya! Parang ayoko na tuloy bumalik dito sa hospital. Nakita kong tumayo si Nicole galing sa upuan nang makita niya ako, malaki ang ngiti niya na tumakbo papalapit sa akin. "Princess! Ano naalala ka pa ba ng Prince mo?" hinawakan niya ang kamay at excited na tumingin sa mga mata ko, nag hihintay ng sagot. "Anong princess?! Prince ko? Siraulo ka talaga! Umuwi na nga tayo, gusto pa akong pa donate-in ng dugo." sabi ko sa kanya at hinila ang kamay niya para makalabas kami. "Ano sabi mo?!" lumaki ang mata niya na nakahawak sa braso ko. "Wala. Sabi ko takot ako sa karayom tapos sabi niya bakit daw ako takot e 'di naman ako takot sa malaking karayom tapos-" "Omg, malaki nga?! Girl, naalala niya pa, omg!" Nahiya ako sa biglang pagsabi sa kanya, lumingon na lang ako ng deresto sa harapan at lumakad na hindi siya sinagot. "Hoy, Celine! Wait lang!" Dire-diretso ako na lumakad at nang nasa tabi ko na siya ay hindi ko siya nilingon at nag patuloy na. Nang makalabas kami sa gate ay humanap kaagad kami ng ma sasakyan. "Kinikilig ako wait lang!" sabi niya nang tumawid kami. "Ang oa, ha?! Ako nga hindi kinikilig ikaw pa kaya?" liningon ko siya na nakangiti kaya humawak siya sa braso ko. "Eh... masaya ka, masaya ka?" "Ano?! Para kang bata ayan na parahin mo nga." sabi ko nang makita ang sasakyan na paparating. Nang dumating ako sa hotel kung saan ako nag check in ay nag paalam ako kay Nicole. Nang makarating ako sa room ay nag bihis muna ako. Umupo ako sa kama para mag order ng pagkain matapos kong mag bihis nang may biglang tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko nang mapansin na hindi naka rehistro sa akin ang numero na tumawag. Nag dadalawang isip ako kung sasagutin ba pero naisip ko na baka may kailangan sa akin kaya sinagot ko na lang. "Hello?" "Is this, Celine Tuazon?" Sa boses pa lang niya ay kilalang kilala ko na kung sino. Natahimik ako at pinakiramdaman siya. Narinig ko ang pag buntong hininga niya at nag salita siya ulit. "Celine?" "Po, Doc? May kailangan po ba kayo? Saan niyo po nakuha 'yong number ko?" Tumayo ako at pumunta sa bintana. Hindi siya ulit nag salita kaya tiningnan ko muna kung binaba na ba 'yong tawag. Hindi pa naman namatay 'yong tawag kaya nag salita ulit ako para ma sigurado kung andyan pa ba siya. "Hello po?" "Celine, can we talk later? Are you free..." Ayan na naman siya. Gusto na naman ulit akong kausapin e nag uusap na nga kami ngayon. Huminga ako ng malalim at kumapit sa salamin na bintana. "Bakit po? May problema po ba? Para saan po Doc?" "About...us..." "I'm sorry, Doc. Busy po ako mamaya, bye." Agad kong pinatay ang tawag at bumalik sa pagka-upo sa kama. Niyakap ko ang tuhod ko at nag-iisip. Tanga ba siya? Anong about us, wala naman kami at isa pa dalawang araw ko lang siyang nakasama parang sobrang close na agad niya sa akin ngayon? Para bang kilalang kilala niya ako, ha! Humiga ako sa kama at tiningnan ang kisame, tumunog ulit 'yong cellphone ko sa gilid kaya kinuha ko. Nicole: Seafood mamaya 8 PM, thank you! Me: Where? Nicole: Dati lang. Hindi na ako nag reply pagkatapos dahil dumating na 'yong in-order ko. Kumain muna ako at pagkatapos ay naisipan kong matulog muna. Nang magising ako ay naligo muna ako at nag ayos, hindi ko alam kung pupunta ba 'yong iba ko pang kaibigan mamaya o sinong kasama namin kakain kaya mag-aayos muna ako. Nag bihis lang ako ng yellow sleeveless dress na may ribbon sa dibdib, hindi ko na din tinali 'yong buhok ko at nag lagay lang ako ng kaunting make up. Kailangan ko nang makahanap ng malilipatan dahil hindi naman ako pwedeng mag check in sa hotel ng ilang taon. Bibili na lang siguro ako ng condo malapit sa kompanya kung saan ako mag ta-trabaho para mas malapit lang. Umalis ako ng hotel alas sais y medya pa ng hapon, malapit lang naman 'yong location ng restaurant dito kaya mas maaga lang akong makarating. Nilibot ko ang paligid nang makapasok sa pintuan ng restaurant, maraming tao sa loob pero hindi ko makita si Nicole kaya naupo na lang ako sa bakanteng upuan. Maya-maya pa habang busy ako sa pag scroll sa cellphone ay napansin ko ang paa na nasa sahig, dahan-dahan akong tumingala sa kanya dahil hindi naman babae 'yong tindig niya. "Hello, Architect!" malaki ang ngiti niya nang mag tama ang mga mata namin kaya nagulat ako. "G-gab?" gulat kong sabi. "You remember me? Akala ko hindi na..." umupo siya sa tapat ko kaya umayos ako ng upo. Lumingon ako sa paligid kung may iba ba siyang kasama, nang tumingin ako sa kanya ay nakangiti na siya na para bang natatawa. "May hinahanap?" nakataas kilay niyang tanong kaya umiling ako. "How are you, Architect? It's been five years na 'no?" "I'm okay, Doc-" "No. Don't call me Doc. I'm not a Doctor, si Zach lang 'yon." tumawa siya kaya nagtaka ako. "Ha? 'Diba sabay kayong..." "Yeah, but unfortunately hindi ko pinursue dahil hindi ko naman talaga pinangarap maging Doctor. Businessman na ako ngayon." proud niyang sabi. Wow, 'yon pala 'yon. Akala ko pareho sila ni Zach ng gusto talaga dahil akalain mo ilang taon na lang at magiging Doctor na siya pero hindi natuloy. "Businessman," tumango-tango ako. "Married na?" "Why are you interested?" tumawa siya. Napatawa ako sa isip ko dahil itatanong ko sana 'yong para kay Nicole. Tumawa ako at sumagot sa kanya. "No. May nag papatanong lang." "Wala naman. Girlfriend meron, siya ba nag papatanong?" umubo siya at tumingin sa babaeng kakapasok lang sa pintuan. There she is. Tumingin ako sa kanya na papalapit pero nabawi kaagad ang atensyon ko sa kasunod niyang lalaki. The man in a white polo, black slacks, and his strong appeal is walking towards me. Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko na naupo, lumaki ang ngiti niya na nakatingin kay Nicole. "Hey," bati ni Nicole sa lalaki bago tumingin sa akin. "Hey," sabi ng lalaki. Nasa likod niya ang lalaking kasunod niya kanina at nang tumingin ako sa kanya ay nag tama kaagad ang mga mata namin. "Doc, upo ka dito." turo niya sa katabi kong upuan kaya napatingin ako. Sumunod ang lalaki sa sinabi ni Nicole kaya umiwas ako ng tingin sa kanya nang maupo siya. Amoy na amoy ko 'yong pabango niya nang tumabi siya sa akin, parang biglang bumalik ako sa gabing iyon kasama siya. "Hi." mahinang bati niya. Hindi sana ako sasagot pero baka iba na ang isipin ng dalawa pang tao dito sa tabi namin kaya sumagot nalang ako. "Hello po," bahagya akong ngumiti sa kanya. Narinig ko ang pag tawa ng kaibigan niya kaya napatingin si Zach sa kanya. "Are you okay with that, Bro?" natatawang sabi ni Gab. Hindi sumagot si Zach sa kanya at nag tawag na lang ng waiter. Nag usap sila Nicole at Gab habang kaming dalawa at tahimik naman. "Yeah, iuuwi nga kita mamaya." sabi ni Gab kay Nicole. "Are you okay?" bulong ni Zach sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Mabilis kong binalik ang mukha ko sa harapan dahil halos mag tama na 'yong mga ilong namin sa sobrang dikit. "Ayos naman." maikli kong sagot para hindi na humaba pa ang usapan. "Tell me if your not comfortable, I'll leave." Tumingin ako sa kanya dahil sa seryoso niyang sabi. Hindi ko makita sa mata niya na nag bibiro siya kaya umiling ako sa kanya. "Stay." sabi ko at binalik ang tingin sa lamesa. Huminga siya ng malalim at parang umusog siya papalapit sa akin, hindi ako tumingin sa kanya at pinabayaan ko lang. Maya-maya pa ay dumating na 'yong pagkain kaya tumigil si Nicole at Gab sa pagsasalita at tinuon ang atensyon sa pagkain. "Let's eat!" nakangiting sabi ni Nicole. Kumuha ako ng mga malalaking hipon sa lamesa at nilagay sa plato, napansin kong napatingin si Zach sa pag lagay ko sa plato kaya napatingin ako sa kanya. Tinaas ko ang noo ko para mag tanong sa kanya pero umiling naman siya kaya binalik ko ang atensyon sa pagkain. "Ang tahimik niyo, ha?" tumawa si Gab kaya napatingin ako. "That's new, Bro!" "Wala naman sigurong nakalagay na bawal mag salita 'diba, Celine?" tanong ni Nicole at lumingon-lingon pa siya sa paligid. Tumingin lang ako sa kanya at hindi sumagot. Pinagpatuloy ko ang pagkain at nang maramdaman kong nabusog na ako ay nag paalam ako sa kanila. "Babalik ako." dire diretso ako na pumunta ng Rest Room at nang matapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas ako. Napatigil ako nang makita kong may nag hihintay pala sa akin labas. Hindi naman ako na inform na may bodyguard na pala ako. Dadaan ko sana siya pero agad siyang umayos ng tayo at humarap sa akin. "Celine. Are you done?" Ano ba sa tingin mo? "tapos na." sagot ko. Umawang ang labi niya at natahimik. Tumaas ang kilay ko at pinasadahan ang mukha niya. Seryoso siya na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. "Can I talk to you now?" "Pwede naman. Nag-usap nga tayo ngayon." Hindi ko alam kung gusto kong mag biro pero iyon ang gusto kong isagot ko sa kanya. Napansin ko siyang nag pigil ng tawa pero hindi niya tinuloy. "Why do you always avoiding me?" "What? Ako? Kailan?" turo ko sa sarili. "Kanina. 'Diba sabi ko sa'yo kapag nahanap kita hinding-hindi na kita pakakawalan pa?" Ito na naman. Parang wala na nga akong kawala pa nito. Totoo nga siya sa sinabi niya, paano na ako tatakbo pa nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD