CHAPTER 8

1862 Words
"Good morning, Architect!" bati ni Wais nang pumasok ako sa opisina. "Good morning," tanging sagot ko. Isang linggo na akong pumapasok dito at tinatrabaho ko pa rin 'yong project na binigay sa akin. Okay naman dito, maayos 'yong palakad ng kompanya at masaya rin ka trabaho 'yong mga tao lalo na't andito si Nicole kasama ko! Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong nag usap kami ni Zach, matapos ang usapan iyon ay palagi na siyang nag te-text sa akin. Minsan ay hindi ako nag re-reply sa kanya dahil busy ako, hindi ko naman siguro obligasyon na mag reply sa kanya 'diba? Zach: Let's eat. I'll wait for you outside. Ako: Ha? Wala naman tayong usapan. Zach: Meron na ngayon. Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko naman alam na kapag nag reply ako sa kanya ay sunod-sunod na. Hindi ba siya busy sa trabaho niya? Bakit niya ba ako susunduin! Parang kapag lalabas si Nicole at isasama niya ako ay sasama rin siya dahil andun din si Gab na kasama. Tinapos ko lang 'yong mga papel na kailangan ayusin at lumabas na ako ng opisina. Gusto kong bumili ng sasakyan para may sasakyan ako pauwi, nakabili na pala ako ng sariling condo pero hindi malapit dito kaya nahihirapan akong mag commute pauwi. Sa susunod na linggo ay uuwi si Mama pero ihahatid ko siya sa probinsya para pumunta kay ate dahil iyon ang sabi niya. Gusto niyang makasama ang mga apo niya doon kaya pumayag ako na dun siya, wala din naman siyang kasama sa condo kapag dun siya at alam kong hindi niya rin gugustuhin na doon siya titira. Hindi ko nga din alam kung bakit ako pumayag na maka-usap si Zach. Naisip ko na sa loob ng limang taon ay hindi ako nakakilala ng mga bagong lalaki, hindi naman ako nag mamadali pero baka si Zach, si Zach 'yong para sa akin. Susubukan ko kung may pupuntahan ba ito. Napansin ko ang BMW na naka parada sa labas at alam kong sa kanya iyon. Kahit na madilim na 'yong kalangitan dahil alas sais y medya. Bumukas ang pintuan at lumabas doon ang lalaking naka suot ng itim na polo, nakatupi ito hanggang siko niya at naka suot ng slacks. Ngumiti ako nang makita siya kaya lumapit ako. "Hi," bati niya. "Kanina ka pa?" tanong ko at umiling siya. "Wala ka bang trabaho?" "Wala. Shall we go?" nilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko at dinala niya ako sa kabilang pintuan kaya pumasok ako. Hindi ko alam kung ano kami. Ang alam ko ay kinikilala pa namin ang isa't isa. Wala naman kaming usapan tungkol sa relasyon namin dahil walang nag bukas para pag usapan iyon. Nahihiya akong buksan ang nangyari nung sa El Vera at hindi din naman niya pinag usapan iyon. Basta ang sinabi niya lang sa akin gusto niya akong makilala at ayos lang naman sa akin iyon, hindi naman ako nag mamadali at isa pa, hindi ko pa naramdaman na gusto ko na talaga siya. "Where are we going?" "Restaurant. Pupunta si Gab and Nicole doon. Actually, baka andun na sila ngayon." "Maaga pa naman," napatingin ako sa relo ko. "Wala pang alas siete." "I know. Pwede ba tayong dumaan sa bahay muna?" Napatingin ako sa kanya. "Ha? Sa bahay niyo?" "Sa condo ko," sagot niya. Kumunot ang noo ko, bago sana siya pumunta dito e.. Dumaan muna siya sa condo niya kung ganun! "malapit lang ba?" liningon ko siya. "Yes, baby," ngiti niyang sagot. Baby, putangina! Ano bang nakain mo, Doc! Hindi ako nag salita para hindi na humaba ang usapan. Liniko niya ang sasakyan at dumeresto sa kabilang iskena. Binuksan ko ang bintana at nakita kong kumulimlim na 'yong langit kaya alam kong uulan ito maya-maya lang. Liningon ko siya para sana sabihin sa kanya na uulan pero nang marinig kong tumunog ang cellphone ay pinigilan ko na lang ang sarili. "Hello, what's up?" [Eight o'clock pa kami, bro. Papunta na kayo?] Naka loud speaker pa kaya rinig na rinig ko 'yong boses ni Gab. "Yeah, may dadaanan lang saglit." Matapos niyang patayin ang tawag ay tahimik na ulit. Kinuha ko muna ang phone ko sa bag para itext si Nicole. May sinabi nga siyang may dinner daw kami nung isang araw at hindi ko naman alam na 'yong dalawang lalaki pala 'yong kasama namin. Akala ko naman 'yong mga kaibigan ko lang. Ako: Hindi mo sinabing may dinner tayo ngayon kasama 'yong lalaki? Matapos kong e-send 'yon ay bumuhos na 'yong malakas na ulan sa labas. Nilingon ko si Zach na ngayon ay kita ko ng nag-aalala din siya. "Hindi yata matutuloy sa lakas ng ulan." sabi ko at binaling ulit ang mukha sa screen nang makita kong umilaw ito. Nicole: Sinabi ko na sa'yo nung isang araw pa. Hindi ka naman kasi pumunta sa akin sa taas kanina. "Who are you texting?" kunot noo niyang tanong. Ang malalim niyang boses ay bumalot agad sa loob ng sasakyan kaya napatingin ako sa kanya. "Si Nicole," ano bang pakialam mo? Ako: Hindi mo sinabing kasama sila! Tumigil ang sasakyan sa mataas na building kaya tumingin ako sa labas. Madilim na talaga at tanging ang ilaw na lang ang nag silbing liwanag sa paligid. Isang kidlat at kulog ang narinig ko kaya agad kong tinakpan ang taenga ko. Hindi naman masyadong malakas pero nakakatakot. "Are you okay? I'll just get some clothes I'll be back in a minute." Sigurado ba siya? Paano siya makakasiguro na babalik agad siya dito e sobrang taas ng building na iyan! "I'm- ahhh!" isang malakas na kulog muli ang narinig ko kaya napayuko ako habang hawak ko ang taenga para hindi marinig. "I'm okay." tumigil muli ang kulog kaya tumingin ako sa kanya. "I doubt that. You look so nervous, Celine. Come with me." nilahad niya ang kamay niya kaya napatingin ako doon. Kung sasama ako sa kanya baka mag tagal siya doon at ano namang gagawin ko doon. Kapag maiiwan ako dito baka tamaan ako ng kidlat. Nag dadalawang isip ako na sumama sa kanya pero nakita ko na lang ang kamay ko na inabot ang kamay niya para sumama. Kinuha niya ang payong at nauna siyang lumabas nang bitawan niya ulit ang kamay ko. Lumiko siya papunta sa pintuan ko at binuksan ko 'yon, dala ang payong niya ay mabilis akong bumaba ng sasakyan at kumapit sa payong na hawak niya. Mabilis na nilagay niya ang braso sa aking likod dahilan para mas sumiksik ako sa kanya. Bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa ginawa niya. Tumingin ako sa kanya habang palakad kami sa building. Mabilis kaming nakarating sa tapat ng pintuan kaya pumasok agad kami doon. Diretso kami sa elevator at nang makapasok ay inayos ko ang suot kong coat. Inayos ko din ang suot kong tube sa ilalim at tiningnan ko ang bag na dala ko baka nabasa. Tahimik kami nang makarating sa tapat ng unit niya. Binuksan niya iyon gamit ang passcode. Nag dadalawang isip akong pumasok nang mabuksan niya na iyon. Liningon niya ako kaya pumasok na lang ako na walang sinabi. Linibot ko ang paligid ng condo niya, masyadong malaki ito kompara sa akin. "Wait for me." sabi niya nang makalapit ako sa sofa. Umupo ako sa isang tao lang ang pwedeng maupo. Sumandal ako sa sofa habang hinintay siya, naramdaman kong malamig 'yong likod ko kaya bumangon ako. Nabasa pala 'yong likod ko dahil kanina. Huhubarin ko sana 'yong coat pero wala pala ako sa bahay kaya umayos na lang ako ng upo. Ako: Nicole, uuwi na lang siguro ako. Masyadong malakas 'yong ulan at may kulog at kidlat pa. Nicole: Where ka now? Ayaw ko naman na sabihin sa kanya na andito ako sa bahay ni Zach. Ano kayang iisipin niya kapag ganun! Ako: Pauwi na sa bahay. Napansin kong lumabas si Zach galing sa kwarto. Nakaputing t-shirt na siya ngayon at pantalon. Napatayo ako at kinuha ang bag para mag paalam sa kanya na hindi na lang tutuloy. "Doc," Bahagyang tumaas ang kilay niya na lumapit. "Tuloy pa ba tayo? Masyadong malakas 'yong ulan uuwi na siguro ako. Sinabihan ko na rin si Nicole na hindi ako tutuloy, sa susunod na lang siguro kapag maayos na 'yong panahon." Naupo siya sa mahabang sofa at tumingin sa akin. Tumingin siya sa suot niyang relo bago nag salita. "Hindi na lang siguro kung 'yon ang gusto mo, Celine." "Uuwi na lang po ako, Doc. Basa pa 'yong likod ko." kinapa ko ang likod ko. Tumayo ulit siya at tumingin sa labas. Nag hihintayin ako sa kanya na sumagot siya para makaalis na ako. "Masyado pang malakas ang ulan sa labas. I will lend you my clothes, Celine," Sasagot pa sana ako pero mabilis kayang lumakad papunta sa kwarto niya. Nakabusangot ako nang bumalik sa pagka-upo. Anong gagawin ko dito kapag hindi pa ako umalis! At isa pa, nagugutom na 'yong tyan ko dahil alas-tres pa ako huling nakakain. Nang makabalik siya ay may dala siyang polo sa kamay kaya lumaki ang mata ko. Ipapasuot ba niya sa akin 'yan? Sigurado ba siya? "Wala akong ibang nakita. Maybe this will fit you, medyo maliit ito sa akin." Inabot niya sa akin iyon kaya tiningnan ko. Puting polo ito na parang kaparehas sa sinuot niya kanina. "Okay na 'to." sabi ko at aalisin na sana ang suot kong coat nang maalala kong naka tube lang pala ako kaya tumingin muna ako sa kanya. Tiningnan niya ang kamay kong naka handa nang hubarin ang suot kong coat at hindi man lamang siya lumayo para hindi ako mailang. Bahala siya. Nakita niya naman ito noon pa man. Mabilis kong inalis ang suot kong coat at ang tube na lang ang natira. Nakatinginan kami pareho. Dahan-dahan na bumaba ang mata niya sa aking dibdib kaya mabilis akong tumalikod sa kanya para masuot ang polo niya, pero bago ko pa masuot iyon ay naramdaman ko ang kanyang kamay na pumulupot sa aking bewang kaya napatili ako. Hindi ako gumalaw nang unti-unting gumapang ang kamay niya sa aking tyan. "Do you miss me, baby?" bulong niya sa aking taenga kaya nag init ang buong mukha ko. Hindi pwede. Baka saan na naman mapunta ito! Ayokong ibigay ulit ang sarili ko sa taong hindi ko lubos kilala. Pero bago pa man ako makasagot ay naramdaman kong hinalikan niya ang batok ko. Ang mainit niyang hininga ay lumapat doon kaya parang nakiliti ako. "Zach..." halos mawalan na akong boses. "Hmmm?" patuloy siya sa pag halik sa leeg ko at unti nang gumalaw ang kamay niya galing sa tyan ko papunta sa itaas. "Zach..." halos hindi ko na kilala ang boses ko nang sabay niyang ginawa na halikan ako sa taenga at hawakan ang isa kong dibdib. "Baby, don't you miss me? It's been five years but still, you never change. You still affect me the same how you affect me in El Vera," "I-i... don't k-know...Zach," parang nakikiliti ako dahil sa binibigay niyang halik sa taenga ko. "You don't know, hmm?" unti-unti niya nang minasahe ang dibdib ko at wala man lang ako nagawa. Pumikit ako at dinamdam ang ginawa niya kasabay ang panginginig ng nga tuhod ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD