"Grabe, nag alala na ako sa'yo! Dalawang araw ka nang hindi pumasok baka ma tanggal ka na niyan jusko!" sigaw ni Nicole nang makapasok sa opisina ko. Baka nga matanggal ako, pero ngayon parang wala akong pakialam dahil sa nararamdaman ko medyo tanggap ko na pero masakit pa rin kaunti? Hindi na din si Zach nag text pa sa akin kahit last message man lang? Whatever! Umupo si Nicole sa upuan sa harapan ko at curious siyang nakatingin sa akin, nag hihintay ng sagot ko. "Wala! Bakit ka ba andito baka ikaw 'yong matanggal sa ating dalawa, akala ko ba pupunta ka ng site?" tanong ko at uminom ng kape. "Talaga ba? Broken ka lang ang sama na ng ugali mo sa akin! Ano bang nangyari sa inyo? Kwento mo dali para sasapakin ko si Zach mamaya!" "Wag mo nang alamin, Nicole sa amin na lang 'yon," ngumiti

