Siguro inisip nila na ang tanga ko, 'yon naman talaga ang totoo. Dalawang lalaki na ang nag daan sa akin at pareho lang 'yong ginawa nila, nasaktan ako. Pero iba ito ngayon e... may laman na 'yong tyan ko at kailangan ko itong tanggapin. Pinaliwanag ko sa kanila ang nangyari at nakikinig lang sila sa akin. Sinabi ko din sa kanila na huwag ipagsabi sa kahit kanino dahil nahihiya ako, lalo na sa mga kapitbahay nila. Naintindihan naman nila 'yon at tanggap nila ang anak ko, ang magiging anak ko. "Anak, nasa labas si Zach." salubong ni Mama sa akin nang makalabas ako galing sa kwarto. Kakarating ko lang tapos sumunod agad siya sa akin? Ano b'ang ginagawa niya dito at nag punta pa siya. Lumabas ako ng bahay at naabutan ko siyang kausap si Ate sa labas ng gate. Padilim na pero nakikita ko p

