Ang boses niyang tumatawag sa akin habang tulog ako ay ang nag pagising sa akin. Ang huli kong naalala ay ang pag iyak ng batang niluwal ko kasabay ang pag tawag niya sa pangalan ko bago ako nakatulog. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, liwanag kaagad ang unang nakita sa paligid. Nakita niya ako, nakita niya akong nanganak kagabi! Ano kaya ang inisip niya ngayon? Alam niya ba na anak niya 'yong pinanganak ko kagabi? Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko siya ngayon kasama ang anak ko. Lumingon ako sa gilid kung may tao pero wala, mag-isa lang ako sa loob ng kwarto na ito. Nilipat na nga ako dahil ang naalala ko kagabi hindi ito 'yong pinasukan ko. Malaki 'yong kwarto dito at malinis, may malaking tv sa harapan at may Aircon pa! Bakit dito ako dinala ni Ate

